Chapter 29

718 26 0
                                    

Matapos naming kumain ay agad kaming umalis ng bahay para magsimula sa misyon namin. Naglalakad lang kami dahil hindi namin alam kung saan hahanapin yung dating katulong nila ni Axele.

"Nasa gubat sila nakatira", biglang sabi ni fairy Erenne kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Saang gubat", tanong ni Keira.

"Malapit dito", sagot nito.

"Francine may alam ka bang gubat na malapit dito?", tanong ni Ivy.

"Uhm wala kasi hindi naman ako umaalis ng bahay noon", saad ko.

"Mahahanap rin natin ang gubat na yun", saad ni Mark.

Maglalakad na sana kami ulit ng biglang may humila sa buhok ko kaya napasigaw ako.

"Walang hiya kang babae ka", saad ng humila sa buhok ko.

"Ano bang problema mo?", tanong ko.

"Ikaw ang problema ko", saad nito.

"Bitawan mo nga siya", saad naman ni Keira.

"Sino ka ba ha?", galit na tanong ko.

"Huh nakalimutan mo na ako, baka na naman gusto mong ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo sa amin Francine", galit na saad nito.

"I don't know you", saad ko.

Biglang hinila ng malakas yung buhok ko at mukhang matatanggal yung wig ko. Hindi naman masakit kasi wig lang naman yun pero masakit sa leeg.

"Tumigil ka nga", saad ko.

Binitawan rin niya yung buhok ko pero tinulak pa niya ako kay muntik na akong masubsob at mabuti na lang at hinawakan ako ni Kaden.

Tiningnan ko kung sino yung nanghila ng buhok ko only to see a girl na isa sa naging bully ko noon. Isa siya sa mga natamaan ng kung ano nung time na nagalit ako dahil sa mga sinabi nila.

"Oh naalala mo na ako", saad nito.

"Alam mo ba na isang linggo akong hindi nakapag-aral ng dahil sa ginawa mo", saad nito.

"Eh kasalanan mo naman yun", saad ko.

"Tama na nga yan", saad ni Axele.

"And we were there ng nangyari yun", dagdag pa nito.

"If hindi niyo lang siya sinabihan ng ganun edi sana walang nagyari sa inyo", saad ni Icy.

"Eh totoo naman yung sinabi namin ah", saad naman nito.

"Hoy babaeng mukhang clown, huwag na huwag mong subukan na saktan ang kaibigan ko kung ayaw mong mabalian ng buto", saad ni Keira at tiningnan ito ng masama.

"Kaibigan? May kaibigan ka na pala", sarkastiko nitong sabi.

"Eh pakialam mo", galit na saad ni Keira.

"Pasensya na sa nangyari at nagmamadali kami kaya kailangan na naming umalis", saad ko.

"I don't care", saad nito at biglang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Ano ba?", galit na tanong ko.

"I am going to break one of your bones", galit na saad nito at mas hinigpitan ang pagkahawak sa akin.

Papalibutin na niya sana ang kamay ko ng biglang may tumulak sa kanya. Malakas yung pagkatulak kaya napatumba siya. Nagulat pa nga ako at pati na rin ang mga kasamahan ko.

"Don't you dare hurt her or I am the one to break your bones", saad ni Kaden at siya yung tumulak sa babae.

Natakot rin ito kaya agad siyang tumayo at mabilis na naglakad paalis. Inayos ko yung buhok ko at tiningnan ang mga kasamahan ko.

"Bwesit na babaeng yun", galit na saad ni Keira.

"Tama na", sabi ko at pinakalma siya.

"Tara na", sabi ko at naunang naglakad at naramdaman kong sumusunod sila.

Nagtatanong ako sa mga nakasalubong ko kung may alam silang gubat na malapit dito at sabi nila meron daw at nasa dulo raw ito ng bayan kaya pumara ako ng traysikel para ihatid kami sa dulo ng bayan. Ng makarating kami ay agad kong binayaran yung dalawang driver dahil ako lang naman ang may dalang pera sa aming lahat.

May nakita akong gubat kaya agad akong pumasok dito. Ng malapit na kami sa gitna ay biglang akong hinawakan sa kamay ni Kaden kaya napatigil ako sa paglalakad. Lahat ng mga lalaki ay ganun rim ang ginawa at parang pinoprotektahan kaming mga babae.

"Anong meron?", tanong ko dahil nakafocus silang lahat sa paligid.

"There's something weird", saad ni Mark.

"Huh mukhang wala naman", saad ko.

"Tanging mga lalaki lang ang nakakaramdam nito", saad ni Zacc.

"Ahh okay", sabi ko na lang.

Dahan-dahan kaming maglakad patungo sa gitna ng gubat. Ng makarating kami ay may nakita kaming nakahandusay na katawan sa lupa at nakasuot sila ng itim na balabal. Unti-unting nawawala ang katawan nila at biglang may tumapon ng dark ball sa direksyon namin. Agad rin namin itong naiwasan at umatake rin ang mga kasamahan namin sa direksyon kung saan nanggaling yung dark ball. Kaming mga babae ay hindi umatake dahil mukhang kaunti lang naman yung mga kalaban. Ilang minuto lang ay nawala na yung mga kalaban kaya agad akong lumapit sa isang kubo. Kumatok ako rito at ilang sandali lang ay bumukas rin ito. Nakita ko na isang babae na kamukha yung sa litrato na ibinigay ni headmaster kaya tinawag ko ang mga kasamahan ko.

"Hello pwede ka bang lumabas ng ilang sandali?", tanong ko rito.

"Sino kayo", tanong naman niya pabalik.

"Uhm nanggaling kami sa Moonlight Academy at hinahanap namin ang prinsesa", saad ko.

Lumabas rin siya at tiningnan ang mga kasamahan ko.

"Uhm pwede mo bang sabihin sa amin kung nasaan ang prinsesa?", tanong ko.

"Sigurado bang nanggaling kayo sa academy", tanong nito kaya isa-isa kaming nagpakilala sa kanya.

"Pasensya na po mga prinsipe at prinsesa dahil hindi ko kayo nakilala kaagad", saad nito at yumuko sa mga kasamahan ko. Biglang siyang yumuko sa harapan ko kaya nagulat ako.

"Ahm hindi po ako prinsesa", saad ko.

"Pasensya na po", paumanhin nito.

"Kung gusto niyong malaman kung nasaan ang prinsesa siya ay iniwan ko sa mag-asawang nakatira sa bayan na ito na isa ring magic user. Ang sabi ng mga dark manipulator ay nakarating na siya sa magic world", saad nito.

"Nakarating na siya?", tanong ni Axele.

"Oo at gusto nga nila akong patayin para wala kayong makuhang impormasyon tungkol sa prinsesa", saad nito.

"Sino yung mag-asawang iniwanan niyo ng kapatid ko?", tanong ni Axele.

"Isa sila sa mga malapit na kaibigan ng reyna at pinili nilang dito manirahan", saad nito.

"Salamat po", saad ni Shana.

Nakita ko na kanina pa patingin-tingin sa akin yung babae kaya medyo naiilang ako. Matapos magtanong nila Axele ay napatingin siya sa akin at hindi man lang naiilang.

"You look familiar", saad nito.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now