Chapter 52

540 21 0
                                    

Tumigil na sa pag-iilaw yung korona niya at bumalik sa dati ang kanyang damit pero ang palasyo ay nanatiling ganoon.

"I think ganito yung palasyo noon", saad nito.

"See, you already have your own kingdom", saad ko.

"You're right, pero mag-isa naman ako", saad nito.

"Don't worry, kasi nag-aaral pa naman tayo kaya lalagyan na lang natin muna ng barrier yung kingdom", saad ko.

"Tama ka, tsaka mahirap mag manage ng kaharian kapag mag-isa ka lang", saad nito.

"So, wala kang choice kundi magpakasal", saad ko.

"Tsk, ayoko", saad nito at lumabas.

Sumunod na lang kami at narinig ko na tumatawa sila maliban kay Kaden at Axele.

"Stop laughing", rinig kong sigaw ni Keira sa labas.

Lumabas na kami at nakita ko na napakarami ng lilies sa paligid. This is Keira's favorite flower same na rin kay Axele. Nilagyan namin ng barrier yung kaharian para hindi ito masira.

"So, anong plano niyo ngayon?", tanong ko.

"I remember mom said last night na may lake dito kaya puntahan natin", saad ni Axele.

"Anong mayroon sa lake na iyon?", tanong ni Keira.

"She said there's a golden siren", saad nito.

"Hindi nanakit?", tanong ko.

"Hindi naman daw", saad nito.

"Ok then, lets go", saad ni Icy.

Pinuntahan namin yung sinasabing lake ni Axele at ng malapit na kami ay may narinig kaming kumakanta. Nakita ko na mabilis tinakpan ni Icy ang tenga ni Thunder pati na rin si Agua, Shana, at Ivy ay tinakpan din ang tenga nila Josh, Zacc at Mark.

"Uhm guys, what's wrong?", tanong ko.

"God, its a siren's voice", saad ni Keira at tinakpan ang tenga ni Axele.

"Huh? Keira anong meron?", tanong ko.

"Cover his ears", saad nito kaya tinakpan ko rin ang tenga ni Kaden gamit ang kamay ko.

"Bakit?", tanong ko.

"Once the guys hears the voice of a siren they will be hypnotise by it", saad nito.

"Tapos?", tanong ko.

"Either they will go into the water and die or do something bad", saad nito kaya napahigpit yung pagkatakip ko sa tenga ni Kaden.

Ilang minuto ang lumipas ay tumigil na sa pagkanta yung sirena kaya lumapit kami sa lake at binitawan na namin ang tenga ng mga lalaki.

"You said hindi nanakit yung sirena" , saad ni Keira kay Axele.

"Baka naman akala niya kalaban tayo", saad nito.

"Heh, tumahimik ka nga", saad ni Keira at nilapitan yung sirena.

"You, ang pangit ng boses mo", saad nito.

"Ang harsh mo naman sa sirena", saad ko at lumapit sa kanya.

"Pasensya na po sa sinabi ng kaibigan ko", saad ko sa sirena.

"Walang ano man po iyon mahal na prinsesa", saad nito at yumuko.

"Pasensya na po mahal na prinsesa at muntik kong maipahamak ang iyong kasintahan", saad nito na nakatingin kay Keira.

"What? Wala akong kasintahan", saad nito at umupo sa tabi ng lawa.

Walang sinabi yung sirena at umupo na lang siya sa isang bato sa tabi ng lawa.

"Ang prinsesa ng isa sa malakas na kaharian ay walang kasintahan. Bakit galit na galit ka ng muntik ko ng maipahamak ang lalaking iyan", saad nito sabay turo kay Axele.

"Because he is the prince of the most strongest kingdom", saad nito.

"Kung ganun bakit natatakot ka na mapahamak siya?", tanong nito.

"Ah bahala ka sa buhay mo", saad ni Keira at tiningnan ito ng masama.

Biglang gumalaw yung tubig kaya napatayo si Keira. Bigla itong naging ipo-ipo at pumunta sa direksyon namin ni Keira since magkatabi kaming dalawa. Nagpalabas ako ng yelo sa palad ko at si Keira naman ay gumawa ng barrier. Ginawa kong yelo yung ipo-ipo kaya hindi kami nasaktan. Nakita kong galit si Keira at tiningnan niya ng masama yung sirena.

"What the hell is your problem?", tanong nito.

"Hindi ko akalain na malakas pala ang kapangyarihan ng prinsesa ng kaharian ng mga enerhiya", saad nito.

"Ano ba ang problema mo?", tanong ni Keira.

"Gusto ko lang siguraduhin na ang bagong mamamahala sa kaharian kung saan ako nabibilang ay may kakayahang protektahan ang sarili nito upang hindi na mangyari ang nangyari noon", saad nito.

"Salamat sa iyong pagbalik", dagdag pa nito.

"Nga pala bakit mag-isa ka lang dito?", tanong ko.

"Dahil lahat ng mga sirena na nakatira dito noon ay walang-awang pinatay ng mga kalaban", saad nito.

"Don't worry, I am going to avenge this kingdom", saad ni Keira.

"Pero paano ka nabuhay mag-isa dito?", tanong pa nito.

"Tinulungan ako ng iyong ina ng tumatakas siya kaya nakaligtas ako", saad nito.

"Mabuti naman kung ganun", saad ni Keira.

"Ahm guys malapit ng gumabi", saad ni Ivy.

"Balik na tayo", saad namanni Agua.

"Sige tara", saad ni Icy kaya nagpaalam kami sa sirena at umalis.

Bumalik na kami ng palasyo at nakita namin na naghihintay pala sa amin ang mga magulang namin. Hindi lang pala sila ang naghihintay pati na rin ang iba pang mga hari at reyna ng ibang kaharian.

"You must have enjoyed?", tanong ni mom makalapit na kami.

"You're right, it was so exciting", saad ko.

"That's good", saad nito.

"My dear daughter I am going to introduce to you the king and queens of other kingdoms", saad nito.

"This is Kendrick Fyro and Ashley Fyro of fire kingdom, Janson Oceana and Alianna Oceana of water kingdom, Liander Woodfer and Maylenn Woodfer of earth kingdom, Sander Aeral and Jessica Aeral of air kingdom, Wilson Frost and Iceana Frost of ice kingdom, Steven Black and Kendra Black of shadow kingdom, Ivonn Haltea and Natalie Haltea of healing kingdom, Marcus Metrel and Zandra Metrel of metal kingdom and Tristan Storm and Gielynn Storm of lightning kingdom", saad nito.

The fire queen wears a red off shoulder gown na long sleeves. The water queen wears a blue gown na long sleeve rin. The earth queen wears a simple green gown. The air queen wears a sky blue gown. The ice queen wears a white gown with blue gown. The shadow queen wears a black of shoulder gown na may puting kapa. The healing queen wears a green off shoulder gown. The metal queen wears a light brown gown na may blue at gold na design. The lightning queen wears a white gown with silver design. And mom wears a white gown with golden designs. And the kings have the same color of their suit like the queens.

"Hello po", bati ko sa kanila.

"You have such beautiful child", saad ng reyna ng tubig.

"Call us tita and tito", saad ng reyna ng yelo.

"Opo tita", saad ko.

"Uhm matanong lang, iba-iba ba talaga ang korona niyo araw-araw?", tanong ko.

"Yes, but usually when we are going to celebrate an important occasions we wear the crown of the kingdom", saad ni tita Alianna.

"Ohh! Your crowns are so beautiful", saad ko.

"Of course my daughter in law", saad ni tita Ashley.

Moonlight Academy: School of MagicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt