Chapter 55

497 22 0
                                    

Magkasama kami ni Kaden sa isang kalesa at ilang sandali lang ay gumalaw na ito pataas. Naramdaman ko na hinawakan niya ang aking kamay at may inilagay siya dito. Tiningnan ko ito at nakita ko na isang bracelet ang inilagay niya. Kulay puti ang tali nito at may infinity sign. Tiningnan ko siya at ipinakita niya sa akin na meron rin siya katulad na sa akin pero ang sa kanya ay itim ang tali nito.

"Do you like it?", tanong nito.

"Nabili ko yan nung nasa mortal world kami, noong una kitang nakita", saad nito.

"Ang ganda dahil simple lang ito and I like it" saad ko.

"Thank you", dagdag ko pa.

Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. Hanggang ngayon suot pa rin pala niya ang singsing na binigay ni mom noon na katulad ng sa akin.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa academy kaya lumabas ako kaagad pagkababa ng kalesa. Nakita namin si headmaster na naghihintay pati na rin ang ibang estudyante. Ng pumasok kami ay agad rin silang yumuko at bumati sa amin. Matapos nun ay nagsibalikan na sila sa klase nila at dumiretso naman kami sa opisina ni headmaster.

"So, Carl alam mo na siguro ang pakay namin", saad ni mom.

"Opo, mahal na reyna", saad nito at may kinuha sa ilalim ng mesa niya.

"Narito po ang huling libro ng propesiya", saad nito at ibinigay kay dad yung libro.

"Maraming salamat, Carl", saad ni dad.

"Kamusta pala dito sa academy?", tanong ni mom.

"Maayos naman dahil ang mga estudyante ay nagsasanay kapag wala silang pasok", saad nito.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng biglang umilaw ang libro.

One of the strongest kingdom
has returned to the world
And two strongest princess
has returned home

Another battle is awaiting
Prepare yourselves
War is coming

Fight for peace
For family
For loved ones

What will be the fate of these two,
Will they lived or die?
It depends on your strength
It depends on fate
Always be prepared
for you don't know what will happen
Will it be the end?
Or the beginning?

Iyan ang nakasulat sa libro kaya lahat sila napatingin sa aming dalawa ni Keira.

"Nothing bad will happen to you", saad ni Kaden na hinawakan ng mabuti ang kamay ko.

"We won't let this battle to take you from us again", saad ni mom.

"Keira dear, for now stay at the kingdom", saad ni dad.

"Every time na lumabas kayo, magdala kayo ng mga kawal", saad ni tita Ashley.

"Kahit na malakas kayo, hindi tayo sigurado", saad naman ni tita Zandra.

"Nga pala, Carl dalhin mo ang lahat ng mga estudyante at mga guro sa kaharian namin sa susunod na kabilugan ng buwan", saad ni dad.

"Bakit po, mahal na hari?", tanong nito.

"Kaarawan ng dalawa kong anak at ipapakilala rin namin sa lahat si Keira", saad nito.

"Kahit na may nagbabadyang labanan, hindi dapat nating kalimutan ang araw na iyon", saad naman ni mom.

"Huwag po kayong mag-alala mahal na reyna dahil lalo kong pagsasanayin ang mga estudyante dito para mas lalong maging malakas", saad nito.

"Ipaalam mo na lang sa kanila na magsuot sila ng gown o dresses kung saan sila komportable at para sigurado ay magdala rin sila ng mga weapon nila", saad ni tito Kendrick.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now