Chapter 58

437 18 0
                                    

Pagbalik namin ay halos lahat ng tao pabalik-balik sa labas at loob ng palasyo na para bang may hinahanap. Pati na rin ang mga magulang at kaibigan namin ay ganun rin. Bumaba kami sa harap mismo ng gate.

"What's going on?", tanong ko sa isa sa mga kawal sa harap ng gate.

"Nandito na po ang prinsesa", saad nito na kumuha sa atensyon ng ibang kawal.

"I think hinahanap nila tayo", saad ni Keira sa akin.

"I think papagalitan tayo", saad ko at nagkatinginan kaming dalawa.

Pumasok na kaming dalawa at may dalawang kawal na kumuha sa pegasus at dinala ito sa likod ng palasyo. Ng makita kami ng mga kaibigan namin ay mabilis silang lumapit sa amin tsaka niyakap kami.

"Oh god, saan kayo pumunta?", tanong ni Ivy.

"Akala namin may kumuha sa inyo", saad naman ni Agua.

"Muntik na ngang papuntahin dito ni tita Xiandra ang mga magulang namin", saad naman ni Icy.

"Huwag naman kayong umalis ng walang paalam", saad naman ni Shana.

"Sorry", sabay naming sabi ni Keira.

"Tsk, kasintahan mo halos mabaliw na", saad ni Josh.

"Muntik na ngang pumunta sa dark kingdom eh", saad naman ni Mark.

"Galit na galit pa", saad naman ni Zacc.

"Kahit si tita walang magawa sa kanya", saad naman ni Thunder.

"Alam niyo magpaalam muna kayo bago umalis, hindi niyo alam kung ano ang pwedeng mangyari", saad ni Zacc.

"Opo, pasensya na po", saad ni Keira at naunang pumasok sa palasyo.

"Hindi niya alam na halos mabaliw rin ang isang yun", saad ni Josh.

"Tara pasok na tayo", saad ko at pumasok.

"Keira dear, saan kayo pumunta?", narinig kong tanong ni mom kay Keira.

"Tsaka bakit may dragon kang dala?", tanong pa nito.

"Uhm, namasyal lang naman po kami ni Francine", saad nito.

"Where's Kate?", tanong ni Kaden.

"I'm here", saad ko at lumapit sa kanila.

Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Please don't leave like that", saad nito.

"Hm, sorry", saad ko.

"Pero Kaden yung baby dragon ko naiipit", saad ko at agad rin siyang kumalas sa yakap.

"Sorry", saad nito.

Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako. Akala ko ano ang gagawin niya, yayakap lang pala.

"Talagang tinupad mo yung sinabi mo na tatakas kayo", saad ni Axele na nakatingin kay Keira.

"Of course, lahat ng sinasabi ko tinutupad ko", saad naman ni Keira.

"Tsk, paano kung mapahamak kayo?", tanong nito.

"Look, we came back safe and sound tsaka malakas kaya kami", saad nito.

"Tsaka tingnan mo yung baby ko, di ba ang cute", dagdag pa nito.

Hindi na nagsalita pa si Axele kaya nagkatinginan kami maliban sa kanilang dalawa.

"Instant naging ina kayong dalawa", natatawang saad ni Josh.

"At least yung sa akin may ama", saad ko.

"Grabe ka naman Francine", saad ni Keira.

"Syempre ako pa", saad ko.

"Kayong dalawa, kapag inulit niyo pa ito hindi ko kayo palalabasin sa palasyo ng isang buwan", saad ni dad.

"Don't worry, dad hindi na po mauulit", saad ko.

Tumango lang ito at umalis na rin sila dahil may gagawin pa raw sila. Pumunta kaming magkakaibigan sa garden. Umupo kami sa damuhan at ikinuwento namin sa kanila ang iba't ibang lugar na pinuntahan namin. Nagreklamo pa nga sina Agua dahil hindi daw namin sila isinama.

"Sa tingin mo kapag isinama namin kayo anong mangyayari", saad ni Keira.

"Mas magiging malala ata ang pag-alala nila", saad ko.

"Oo nga, siguro talagang tatawagan na nila ang mga magulang namin", saad nito at nag-pout.

"Tss ang pangit mo", saad ni Josh.

"Pangit ka jan, kapag ako nagkaroon ng kasintahan ipapakita ko talaga sa'yo kung sino ang pangit sa ating dalawa", saad nito.

"Heh, sigurado ka bang may magkakagusto sa'yo?", tanong nito.

"Of course", saad nito.

Hindi na nagsalita pa si Josh kaya tumahimik na lang rin kami. Si Kaden ang nakahawak sa dragon ko kaya natuon doon ang atensyon ko. Kumuha si Icy at Ivy ng pagkain para sa dalawang dragon dahil mukhang nagugutom ito. Nilalaro namin sila at mukhang nagustuhan naman nila ang ang mga kaibigan namin.

"So lumalaki ba sila?", tanong ko.

"Oo naman, tsaka minsan lumalaki na lang sila bigla pero babalik sa ganitong anyo", saad ni Shana.

"Talaga? Gusto kong makita yun", saad ko.

"Mangyayari rin yan, pero nakakatakot sila kapag nasa ganung anyo sila", saad ni Zacc.

"So, may pangalan na ba ang mga baby dragons niyo?", tanong ni Ivy.

"Uhm wala pa", sagot ni Keira.

"Dapat pangalanan niyo yan", saad ni Mark.

"Uhm wala akong naisip na ipangalan", saad ko.

"Ako rin", saad naman ni Keira.

"Uhm Kaden, ikaw magbigay ng pangalan", saad ko rito.

"Hm", saad nito at parang nag-iisip.

"What about you name it Kade", saad nito.

"Okay, so your name is Kade", saad ko at mukhang nagustuhan naman dragon yung pangalan.

"Tss, para-paraan rin Ash eh", saad ni Josh.

"Oo nga, Francine's husband is Kaden and her son is Kade", saad ni Agua.

"Ang ganda nga ng pangalan", sabi ko na lang dahil mukhang namumula na ako sa sinabi niya.

"So, Keira ano ang pangalan ng dragon mo?", tanong ko para malipat ang atensyon nila.

"Hindi ko pa alam", saad nito.

"What about si Axele ang magpangalan niyan", saad ko.

"Oo nga, ikaw na lang magbigay ng pangalan Axele", saad nito.

"Ahm I don't have any name ideas", saad nito.

"Come on", pamimilit ko.

"Silver Maxinne", saad nito.

"Fine", sabi ko dahil tiningnan niya ako ng masama.

"Name it Kele", saad nito.

"What a good name", saad ni Keira.

"So, from now on you are Kele", saad nito at hinawakan yung dragon.

"Mukha silang kambal dahil sa pangalan nila", saad ni Icy.

"Kele and Kade, what a nice name", saad naman ni Shana.

"Ang tanong saan mo nakuha yung Kele na iyan?", tanong ni Mark na may halong panunukso.

Hindi sumagot si Axele kaya mas lalo siyang tinukso ng iba. Matapos naming magkuwentuhan ay bumalik na kami sa loob ng palasyo. Since isang linggo na lang ay kaarawan na namin kaya busy ang mga magulang namin. For me, its just a simple celebration dahil lumaki ako na sina mom and dad lang ang kasama kong mag-celebrate pero naiiba ito ngayon.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now