Chapter 22

755 25 0
                                    

Mga ilang oras rin kaming naglalakad dito sa loob ng gubat at minsan ay nagpapakita ito ng ilusyon ng buhay ko ng nasa mortal world pa lang ako. Mabuti na lang na kasama ko si Kaden dahil kapag malapit na akong maniwala sa mga ilusyon ay tinutulungan niya akong bumalik sa katotohanan. Mga tatlong beses rin ata akong muntik lamunin ang ilusyon kaya nagpasya siyang lagyan ng barrier na gawa sa apoy ang katawan ko. Nagpatuloy kami sa paghahanap ng bulaklak na sinasabi ni headmaster pero kahit saan kami maghanap ay wala talaga kaming nakikita.

"Uhm siguro wala sa bandang ito ang bulaklak na hinahanap natin", saad ko.

"We're not sure about that so lets continue on looking for it", saad nito.

Nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa may naaninag akong umiilaw sa madilim na banda ng gubat kaya nilapitan ko ito. Nakita ko na isa itong bulaklak katulad ng sinabi ni headmaster.

"Hey Kaden I found it", tawag ko sa kanya kaya medyo napalakas yung boses ko.

Agad rin naman siyang lumapit sa akin at tiningnan ang bulaklak na tinuro ko sa kanya. Pumitas siya ng halos limang bulaklak at nilagay sa box at itinago sa bag nito.

"Bakit ka sumigaw?", tanong nito.

"Uhh sorry", sabi ko na lang.

"Lets go back", saad nito at hinila ako.

"Ehh hindi naman kinakailangan na hilahin mo ako", saad ko.

Hindi siya nagsalita at kaya sumunod na lang ako sa kanya. Bigla na lang may lumitaw na nilalang na nakasuot ng kulay itim at pinalibutan kami.

"Uhh sino sila?", tanong ko.

"Shit", mura nito.

"Please next time don't shout", saad nito.

"Sorry na hindi ko naman alam ehh", saad ko.

"Stay behind me", saad nito.

Sinunod ko na lang ang sinabi kasi mukhang mapapalaban kami. Isa-isang nagpalabas ng parang dark ball yung mga nakaitim kaya agad akong nagtago sa likod ni Kaden.

"Uhm kung matatamaan ba ako niyan mamamatay ba ako?", tanong ko since ngayon lang ako nakakita ng ganyan na mahika.

"Oo", saad nito.

"Oh god", saad ko.

Tinira nila kami ng dark ball kaya todo iwas rin kami at mukhang ang dami ata nilang nakapalibot sa amin. Nagpalabas na rin si Kaden ng apoy at tinira ang mga kalaban. Magpapalabas rin sana ako ng yelo pero biglang may tumama sa balikat ko kaya napasigaw ako.

"Shit", rinig kong mura ni Kaden.

"I told you to stay behind me", saad nito.

"I just want to help", saad ko.

"Then don't", tanging sabi nito.

Umatake ulit siya sa mga kalaban kaya nanood na lang ako kahit gusto kong tumulong. Napahawak ako sa kanya ng bigla namang may tumama sa kabila kong balikat. Halos mawawalan na ako ng malay dahil sa dami ng dugo na lumalabas sa sugat ko. May namamatay rin sa mga kalaban pero may dumadating kaya mas lalong mahirap makatakas. Nakita ko na may malaking dark ball na papunta sa direksyon ni Kaden kaya agad ko siyang nilapitan para sanggain yung dark ball. Naramdaman na tumama ito sa katawan ko at biglang lumiwanag sabay ng pagkawala ng malay ko.

Keira's Pov

Nandito kami ngayon sa labas ng gubat at naghihintay sa mga kasamahan namin. Unang dumating sina Zacc at Shana.

"Nahanap niyo?", tanong ni Axele sa kanila.

"Hindi dahil kahit isang bulaklak ay wala kaming nakita", saad ni Shana.

Sunod ring dumating sina Thunder at Icy at mukhang hindi rin nila nahanap. Dumating rin sina Agua at Josh at nagbabangayan pa.

"Gago ka talaga", saad ni Agua.

"Oh may nahanap kayo?", tanong ko.

"Wala", saad ni Josh.

Dumating na rin sina Mark at Ivy at mukha atang napalaban sila sa lagay nila.

"Oh anong nagyari sa inyo?", tanong ni Zacc.

"Wala kaming nahanap na enchanted flower sa halip ay lahat ng madadaanan namin ay puno ng itim na rosas at masyadong matutulis ang mga tinik nito", saad ni Ivy.

"Kaya pala ganyan itsura niyo", saad ni Icy.

"Eh sina Ash at Francine wala pa", tanong ni Mark.

"Wala pa", saad ni Axele.

"Sana lang ay mahanap nila", saad ni Thunder.

Umupo na muna kami sa damuhan dahil nakakapagod maglakad. Ilang minuto lang ay may nakita kaming anino na palabas ng gubat kaya napatayo kaming lahat. Nakita namin si Ash na buhat na buhat si Francine kaya agad namin silang nilapitan.

"Oh anong nagyari?", tanong ni Axele.

"We're attacked", saad nito.

Nakita ko na walang malay si Francine at ang putla nito. Nakita ko na may sugat siya sa magkabilang balikat nito at may lumabas pang dugo. Masyado itong malaki kaya napangiwi ako.

"Eh anong nangyari sa kanya?", tanong ko.

"Got hit by a dark ball", saad nito.

Agad ring lumapit si Ivy at ginamot ang sugat ni Francine. Nagamot rin ito pero maputla pa rin si Francine.

"She lost so much blood so we need to go back to the academy immediately", saad ni Ivy kaya napagdesisyunan nilang magteleport.

"Ahh wait, I don't have teleportation ability", saad ko.

"Si Axele na ang bahala sa iyo", saad ni Agua at nagteleport.

Sunod-sunod rin silang nagteleport kaya hinawakan ni Axele ang kamay ko para magteleport na rin.

Ng makarating kami ng academy ay agad kaming pumunta ng clinic. Pinahiga ni Ash si Francine sa isang hospital bed at may pumasok rin na healer.

"Maraming dugo ang nawala sa katawan niya kaya kailangan niyang mabigyan ng dugo kaagad", saad ng healer.

"I can give her my blood", saad ni Ash.

"Let me check if same kayo ng blood type", saad ng healer at hinawakan ang palapulsuhan ni Ash.

"I'm sorry but you don't have the same blood type", saad ng healer.

"Wait paano mo malalaman ang blood type ng isang nilalang by checking their pulse?", tanong ko.

"That is healer's ability", saad ni Ivy.

"Ahh okay", saad ko.

"Ako rin magbibigay ng dugo sa kanya", sabi ko at lahat rin sila ay handang magbigay ng dugo.

"None of you have the same blood type", saad nito matapos kaming i-check.

"Eh ako hindi mo pa na-check", saad ni Axele.

"Oh sorry", saad ng healer at agad ring hinawakan ang palapulsuhan ni Axele.

"Great you the same blood type so please follow me prince Axele so that I can get some blood from you and transfer it to her immediately", saad ng healer at lumabas ng kwarto at sumunod na rin si Axele.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now