Chapter 30

754 23 0
                                    

Matapos naming maka-usap yung babae ay umalis na rin kami kaagad at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung sinabi niya. Paano naman naging pamilyar ako sa kanya eh ngayon ko lang nga nakita yung mukha niya. Umuwi na kami since sabi niya nasa magic world na yung prinsesa.

Pagkarating namin sa bahay ay wala pa ang mga magulang ko kaya naghanda na lang ako ng pagkain para sa aming lahat. Tinulungan rin naman nila ako pero sa paghahanda lang ng ingredients kasi hindi daw sila marunong magluto maliban kay Axele at Kaden. Ang mga lalaki ay hindi na rin tumulong at nasa sala at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Ng matapos na kami sa pagluto at agad rin kaming kumain dahil nagugutom na talaga sila.

Pumunta na kami sa kwarto matapos naming kumain dahil sabi nila babalik na raw kami sa academy bukas at kahit na mabilis ko lang nakasama ang mga magulang ko ay kailangan kong bumalik. Maiintindihan rin naman nila siguro iyon.

Maaga akong nagising para ipaghanda sila ng pagkain at ganun rin ang mga magulang ko. Niluto ko ang mga paborito nila at sigurado ako na matagal ulit kaming magkikita. Tsakto ring natapos ako sa pagluluto ng pumunta silang lahat sa kusina. Nagsimula na rin kaming kumain at masyadong tahimik dahil kahit sina Agua at Josh ay tahimik na kumakain.

"Oh kamusta ang paghahanap niyo?", tanong ni dad.

"Nakabalik na ang prinsesa sa magic world", saad ni Ivy.

"Mabuti naman kung ganun", saad ni dad.

"Eh bakit mukhang ang lungkot niyo", saad ni mom.

"Mom! Dad! we're leaving", saad ko.

"Kailan?", tanong ni mom.

"After breakfast", saad ko.

"Oh so bakit ang lungkot mo?", tanong nito.

"Eh kasi matagal ko namang hindi kayo makikita", saad ko.

"Oh come on my dear! Isn't that it was too long before you came here again", saad ni dad.

"Don't worry my dear daughter we are going to be fine here", saad ni mom.

"Hmm I'm going to miss you", saad ko.

"We will miss you too but can we have a word with you before you leave?", tanong ni mom.

"Sure", saad ko at nagpatuloy sa pagkain.

Nagsimula na ring magbangayan sina Agua at Josh at nakikipagkuwentuhan rin ang iba. I saw Kaden putting some foods on my plate pero hinayaan ko lang siya. Nasanay na siya sigurong lagyan ng pagkain ang plato ko. Masaya ang agahan namin dahil nakikisabay ang mga magulang ko sa mga kuwentuhan at biruan ng mga kaibigan ko.

Natapos ko ng iligpit ang gamit ko at ganun rin ang mga kaibigan ko. Hinihintay ko lamang ang mga magulang ko since gusto nila akong maka-usap. Nakita ko silang bumaba ng hagdan at may dalang mga boxes.

"Here are some gifts for all of you as a thank you for being Francine's friend", saad ni mom at ibinigay ang mga boxes sa mga kaibigan ko.

"Ano po ito", masiglang tanong ni Agua.

"Mga gamit ni Francine nung bata pa siya", saad ni dad.

"Oh thank you", saad ni Agua at dali-daling binuksan yung box at ganun rin ang iba.

Yung mga hairpin na lagi kong ginagamit nung bata pa ako ang ibinigay ni mommy sa mga kaibigan ko.

Agua's hairpin is color dark blue, Shana's hairpin is color black and Icy's hairpin is color light blue. Ivy's hairpin is color green, Keira's hairpin is gold in color and mine is color red. All of it has a flower design and a diamond pendant.

Moonlight Academy: School of MagicDonde viven las historias. Descúbrelo ahora