18

1K 62 7
                                    


I MANAGED to get a couple of hours of sleep before I had to get up again to prepare breakfast. I wasn't feeling lethargic. I was also relatively calmer. There were a lot of things to do and think about but I could properly arrange them–or structure them in my mind. One by one. Madalas kong sabihin sa sarili ko na hindi ko kailangang magmadali. I didn't have to overwhelm myself.

Everything was going to be okay.

Inilagay ko ang baboy at tokwa sa air fryer bago ko pinagtuunan ng pansin ang arroz caldo. It thawed well overnight. Inilagay ko iyon sa kaserola na nasa kalan na.

Naglalabas ako ng ilang gulay sa ref para i-steam nang maramdaman kong may bumaba sa hagdan. Again, it was Roarke.

"You didn't get any sleep?" sabi ko nang mapagmasdan talaga ang mukha niya. Hindi ko gustong mag-alala para sa kanya, pero naroon ang pakiramdam.

Nginitian niya ako. "I'd eventually crash. My body knows it can shut down now. It won't be long."

"But you'll be okay?"

Nilapitan niya ako at hinagkan ang gilid ng ulo ko. Naipikit ko ang mga mata ko at bahagya kong isinandal ang sarili ko sa kanya. "Yeah. I'll be okay. What can I do to help?"

Ipinarada ko siya sa harap ng kalan at itinuro ang iniinit na arroz caldo. "Stir."

Tahimik naman siyang tumalima. "'You still like coffee?" tanong ko habang sinasalinan ko na ang isang tasa. "Or you'd like to crash sooner than later?"

"I like coffee, thank you."

Ibinigay ko sa kanya ang tasa bago ko ipinagpatuloy ang paghahanda ng almusal. Nagising na rin si Lolo Hank pero hindi niya kami sinamahan sa kusina. Lumabas siya para diligan ang ilang halaman.

Pagbalik niya sa loob ay inako ng matanda ang pagse-set ng mesa. "Maaga akong papasok sa klinika, Yani," aniya pagkaupo sa harap ng hapag. "Mahaba ang pila kay Oscar."

Tumango ako. Si Oscar ang head med tech sa klinika. Maaga ang usual na shift niya para hindi gaanong magutom at maghintay ang mga nagpapa-lab na kailangan munang mag-fasting. Usually ay may-edad na ang mga iyon. Hindi rin gaanong gustong pinaghihintay ni Lolo Hank ang mga pasyente na iyon kaya inaagahan niya ang clinic hours niya kapag alam niyang mahaba ang pila.

Pinaupo ko na rin si Roarke sa mesa at inudyukan na kumain na. Bumalik ako sa kusina para kunin ang dalawang baso ng plant-based protein drink. Inilapag ko ang isang baso sa harap ni Lolo at ang isa ay kay Roarke na nangunot ang noo.

"Drink that," utos ko sa kanya bago ako naupo.

Sandaling pinagmasdan ni Roarke ang mga pagkain sa harap niya. Arroz caldo, tokwa't baboy, nilagang itlog at ilang steamed vegetables.

"Baka hindi sanay sa ganitong pagkain ang asawa mo, Yani," ani Lolo Hank bago dinala sa bibig ang kutsara na may arroz caldo. "May tinapay naman yata. Bakit hindi mo igawa ng–"

"He will eat everything that's in front of him," sabi ko habang nakatingin kay Roarke.

Napangiti si Roarke. Parang labis na naaliw sa akin. "Thank you for the food."

Pinanood ko ang pagsubo niya. Nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya na nasarapan siya at hindi niya inasahan. Napangiti na rin ako at pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko.

"Have you two had the chance to talk?" tanong ni Lolo Hank kapagkuwan.

"A little," sabi ko.

"So what's gonna happen?"

"Nothing is decided yet," sagot ko.

"No divorce," sagot ni Roarke.

Bumuntong-hininga ako. Pinagtuunan ko na lang muna ng pansin ang mga pagkain ko dahil wala rin namang saysay makipag-argumento kay Roarke.

Bumaling si Lolo Hank kay Roarke. "Yani mentioned you're in the music industry. Kind of a big deal. Your band is one of the biggest bands in the world."

Tumango si Roarke. "We are one of the biggest bands in the world."

"How much are you worth?"

Ako ang sumagot sa tanong na iyon. "Around thirty million dollars."

Tumango si Lolo Hank. He appeared a little shocked, but he managed to hide it well. "And you don't have a prenup?"

Pareho kaming natigilan ni Roarke. Kapagkuwan ay napangiti ako, parang gusto kong matawa nang malakas. "Bet you're reevaluating your 'no divorce' now," sabi ko.

He chuckled. "Nope."

Tumingin ako kay Lolo Hank, natatawa. "Mag-ala Roni kaya ako, 'Lo? Baka ito na ang sagot para maipatayo natin ang lying-in?"

"Don't be rude, Yani. Mag-English ka." Pero napapangiti rin siya.

"Parang naiintindihan niya naman minsan, eh."

"How much are you worth?" tanong ni Roarke, nakangiti rin.

"Peanuts in comparison to your millions." May kung ano sa ekspresyon ng mukha niya. Parang may alam siya na hindi ko alam.

"That writer from Maryland, isn't she worth four hundred million?"

"She had been writing since the eighties and I can never be–" Naningkit ang mga mata ko.

Natawa si Lolo Hank. "Smart, hijo. Smart."

Natawa rin ako kahit na nababaghan ako.

Tinulungan ako ni Roarke sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan. Naghanda na si Lolo sa pagpasok sa klinika. Kailangan ko ring magtungo sa klinika nang umagang iyon. I needed to talk with the heads of the lab.

Habang naghahanda ay hindi ko mapagpasyahan kung isasama ko si Roarke sa klinika o iiwan ko sa bahay. Hindi naman siguro ako magtatagal. Mapapag-isa naman siguro siya. He wasn't very needy before. Did that change?

Puwede ko rin naman siyang isama talaga. Puwede siyang tumambay sa cubicle ko habang kausap ko ang ilang tao.

Habang ipinupusod ko ang buhok ko ay nagtungo ako sa guestroom. Doon siya nagtungo pagkatapos naming magligpit. May mga emails daw siyang kailangang sagutin. I could imagine he and everyone on the band were busy cleaning up the mess. Kumatok ako pero tahimik lang ang silid. Pinihit ko ang knob at bumukas naman.

"Roarke?"

Wala pa ring sumasagot kaya tumuloy na ako. Napabuntong-hininga ako nang makita kong nahihimbing siya sa kama. Nakabukas ang laptop niya at medyo awkward ang higa niya at pagkakabaluktot. It looked like he just dropped dead. Mangangalay ang braso niya paggising niya pero hindi ko na muna siya inistorbo o sinubukang ayusin ang posisyon niya. He needed his sleep. He looked peaceful.

He told me he would crash but he didn't tell me he'd crash this way or this hard.

Isinara ko ang laptop at itinabi sa night table. Isinara ko rin ang kurtina. Mamaya ko na lang iisipin kung papalitan ko ng blackout curtains ang kurtina sa silid na iyon. Mas binabaan ko ang temperatura ng aircon.

Naghanap ako ng papel at ballpen para makapag-iwan ako ng note na nagsasabing kailangan kong pumasok sa trabaho at babalik ako around lunch time.

Nag-alangan ako pero lumapit pa rin ako. Hindi na ako gaanong nag-isip, yumuko ako at hinagkan ang sentido niya. Banayad kong hinaplos ang buhok niya bago ko itinuwid ang katawan ko.

I could do that, I realized. I was his wife. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi paglabas ko ng silid.

The Way It Was - Abridged (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon