26

1K 61 7
                                    

From the Author: Hey, loves. Just a quick  reminder that The Way It Was print edition is still on presale. Don't miss out on freebies and discounts. To place your order, kindly message Whimsical Books PH on their fb page (link is on my profile). Presale is until March 17, 2023. Thank you.

Back to Yani and Roarke. Enjoy reading! xo


--

Now

HINDI KO gustong mainis kay Roarke pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko gustong mabagabag sa inaasal niya dahil naalala ko na ganoon talaga siya kahit na noon pa man.

"He's not a snob. He likes you. He's nice. He's just really quiet sometimes. He likes processing his emotions quietly."

I used to tell that to people. Hindi ko kailangang magpaliwanag pero minsan talaga ay kailangan. Minsan kasi ay iba ang nagiging interpretasyon sa ganoong mood niya. Hindi ba at naniwala ako na hindi niya ako gusto noong una dahil tahimik lang siya? Matagal-tagal din kaming nagkasama at kabisado ko siya–noon.

Pero kahit na noon ay labis ko ring kinaiinisan ang pananahimik niya paminsan-minsan.

"He's sweet once you get to know him." Dagdag ko pa usually.

Hindi naman ako nagsinungaling. Pero maraming pagkakataon na gusto ko rin siyang sakalin kapag tahimik lang siya. Lalo na kung gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi ko naman hiniling na maging madaldal siya, gusto ko lang na sabihin niya sa akin ang ilang bagay na tumatakbo sa isipan niya, ang dahilan ng pananahimik niya.

May ideya naman ako sa dahilan ng pananahimik niya mula nang makauwi kaming dalawa sa bahay. Siguro ay kaya ako mas naiinis.

Hindi ko rin naman talaga alam kung paano bubuksan ang usapin tungkol doon. Alam ko na hindi ko kailangang magpaliwanag. Wala akong obligasyon na magpaliwanag. Sa palagay ko naman ay hindi rin niya hinihingi na magpaliwanag ako. Pero sadyang nakakainis.

We had a life when we separated. We lived a life outside of each other.

Tinulungan niya akong sa paghahanda ng hapunan. Wala namang gaanong gagawin dahil light lang talaga ang dinner. It was fruits and yogurt that night.

Tahimik ang hapag. He appeared cold and distant. I looked frustrated and irritated. Lolo Hank looked at us, perplexed.

"'Everything okay?" tanong ng matanda nang parang hindi na siya makatiis.

"Fine," halos magkapanabay naming tugon.

Tumaas ang isang kilay ni Lolo Hank. Syempre ay halata namang hindi kami "fine" pero hindi na muna siya nagtanong.

Pagkatapos kumain ay inako ni Roarke ang pagliligpit at hinayaan ko siya. Ibinaba ko mula sa freezer ang ilang frozen food para ma-thaw overnight. Para hindi na ako mahirapan sa almusal kinabukasan. Hindi kami nagpapansinan ni Roarke kahit na pareho kaming nasa kusina.

Pagkatapos magligpit ni Roarke ay naupo siya sa harap ng piano. Lumang-luma na ang piano na iyon pero well-maintained at in tune dahil regular na tumutugtog si Lolo Hank.

Sa loob ng ilang sandali ay pinanood ko si Roarke na tumugtog. He looked so beautiful. He always looked so natural in front of the piano. Hindi ko malaman kung bakit natagalan siya bago niya nakita na sa mundo ng musika siya nabibilang. He had always thought of music as a hobby before, not a career.

He created good music. Hindi pamilyar sa akin ang tinutugtog niya sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung bagong kanta iyon o hindi. Medyo malungkot ang musika.

The Way It Was - Abridged (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon