24

921 52 2
                                    

From the Author: Hello, loves. I hope you're enjoying this story so far. In case you are interested, The Way It Was will be available in print with print-exclusive Epilogue. Secure your copy by messaging Whimsical Books PH on their facebook page. Thank you!

Happy reading! xo


Now

KINABUKASAN, ang mag-asawang Sef at Roni naman ang bumisita kasama ang anak nila na si Athena. Maagang bumisita ang mag-anak, may dala-dala pang almusal. Hindi iyon ang unang pagkakataon na ginawa nila iyon pero alam ko ang dahilan ng bisita sa pagkakataon na iyon. Kahit na gayon, kinuha ko pa rin si Athena at pinanggigilan ng halik.

"You are so pretty," nakangiti kong sabi sa bata.

Humagikgik si Athena habang nakayakap sa leeg ko.

"He is so pretty, oh, my God."

Iyon ang narinig kong inusal ni Roni. Hindi ko na kailangang alamin kung saan siya nakatingin. Siyempre ay si Roarke ang tinutukoy niya.

Ipinakilala ko ang lahat kay Roarke. Hindi pa man ako natatapos ay narinig ko ang pagpasok ng isang scooter sa gate. Kaagad kong nakilala si Pippo.

"Are you kidding me?" I muttered.

"Pasalamat ka hindi kasali si Reggie," pabulong na sabi ni Sef.

Nakita ni Athena si Lolo Hank at kaagad niyang inabot ang matanda. Nakangiting kinuha ni Lolo Hank sa akin si Athena. Lumapit sa amin si Pippo at ibinigay sa akin ang bag na naglalaman ng prutas. Contribution yata niya sa breakfast. Hindi niya ako gaanong pinansin at dumeretso siya kay Roarke at kusa nang ipinakilala ang sarili.

Tinulungan ako ni Roni sa paghahanda ng hapag habang ginigisa nina Sef at Pippo si Roarke. Naging abala naman si Lolo Hank sa pakikipaglaro kay Athena.

"Should I always expect morning visitors now?" sabi ko kay Roni.

"People are shocked, Yani. You got married in Vegas. Siyempre ay curious ang mga taong malapit sa 'yo. It's not you. Para kang nag-experiment para may maisulat ka. But I can understand. I mean, just look at the man. We have so many questions."

Bumuntong-hininga ako. "At nagpapasalamat ako na hindi na muna ninyo 'ko nilulunod sa tanong."

"Kung overwhelmed kami, mas overwhelmed ka. Huwag mo lang kakalimutan na nandito lang kami for you. You have so many people who care so much about you. If you need anything, just call."

Ngumiti ako. "Thank you."

Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ko at napangiti.

"What?" sabi ko nang wala siyang sabihin.

"I just... I just can't remember if I ever saw your eyes light up like this before. I'm not saying you've not been happy the whole time we knew each other, but it's just... iba lang ang glow mo ngayon."

"I am always happy."

"Okay."

"I am," giit ko.

"Okay."

"I'm not happier just because he's here. I refuse to even think about it."

Tumatawang niyakap ako ni Roni. "Okay."

Magaan ang usapan habang nag-aalmusal. Sef shared things about our small town to Roarke. Ibinahagi ni Roni ang buhay niya sa States bago siya napadpad dito. Idinagdag na lang ni Pippo kung paano nabuo ang malaking klinika dahil kay Roni.

Abala pa rin si Lolo Hank kay Athena na nasa kandungan pa rin niya habang kumakain.

Everyone was pleasant to Roarke. Roarke was very nice and charming. They all seemed to like each other.

The Way It Was - Abridged (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon