Unrequited II Thirteen

60 1 0
                                    



Unrequited #13

Skirt

It's been a week since our adviser's announcement. Lunes na naman, alas singko ng umaga ay papunta na kami sa lokasyon ng e-camp. The trip will take about three hours to get there, and our destination is by the seaside.

We were supposed to start travelling by 3am, pero dahil nga hindi sanay ang mga estudyante sa ganito ka aga, we were further delayed.

Sa first batch nga ng e-camp ay magkakasama ang HUMSS, ABM AT STEM students. Sa aming magkakaibigan, si Delianne lang ang wala dahil nasa Arts and Design.

Napalingon ako sa aking katabi na si Urchella. Maingay siyang pumapapak ng chips na nakalagay sa kanyang tiyan, sa loob ng bulsa ng hoodie niya. Habang ang mga mata niya ay nakadikit lang sa panonood ng kdrama mula pa kanina. She's using her earphones so I can barely strike a conversation with her.

She's so focused on the scene, nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin. I can't relate to her though, hindi naman ako mahilig sa kdrama o pagmomovie marathon.

High ace vans ang napili na sakayan ng school para sa mga estudyante kasama ang kanilang guro. I think there are more than 5 of them. Sa 3 sections na pinagcombine ang tatlong strand. Tanging ang 'cream' section ng strand lang naman ang nabigyan ng slot, so it became mandatory. Isang privilege daw ito sa mga top ranking students every strand.

Nang makaramdam ako ng pag-alog sa aking balikat ay natuklasan kong nakaidlip na pala ako. Kamay ni Urchella ang humawak sakin.

"Stop over daw muna tayo para kumain." aniya. Napatango lang ako at napatingin sa labas ng bintana. Maaliwalas at maaraw na.

"Anong oras na?"

"It's seven. Sabi ni Ma'am, isang oras nalang aabutin." tugon ni Urchella at napalingon sa kanyang gilid, saktong may nagdidistribute pala ng pagkain na nakalagay sa lunch pack.

Malapit na pala kami. Malamang gugutumin ang mga tao dahil ang agang nagising.

"Salamat. Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Urchella sa kaklase. Umiling ito atsaka tiningnan ang kanyang likuran. "Tumulong po kasi si Lorraine, Miss President."

Si Lorraine? Tumulong?

She's unheard of helping. Pero siguro nagbabago nga iyong tawo. She's exposing herself to people.

"Ahh okay. Kumain ka na rin pagkatapos."

Isang masiglang oo ang natanggap ni Urchella mula sa kaklase. Sinundan ko naman ng tingin ang lalake. Naka salamin ito ng itim na rim at makapal ang glasses. "Bait naman ni Jiro ngayon." Pansin ko. Tahimik kasi siyang kaklase, halos invisible lang nga ito sa loob ng room.

"Naku, mabait 'yan palagi. Hindi lang kasi siya sanay makipag-usap sa mga kaklase natin o sa ibang taong hindi niya kaano-ano." Ani Urchella. Bumalik ang tingin ko sa kanya nang maramdaman ko ang styro sa aking kandungan.

"Close kayo?" hula ko.

"Medyo. Sa chat." Tugon niya atsaka binuksan ang kanyang pagkain.

Kumain na muna kami ng todo para mamaya ay makapagpahinga kami pagdating sa lugar. Wala ring nag-uusap habang nag-aagahan ang lahat. Ang sarap sa pakiramdam na kahit magkakaiba kayo ng mga kaklase mo ay may pareho kayong ginagawa. Ganito pala ang feeling.

Nang wala nang kumakain ay tuloy ulit ang trip. Lively na ngayon ang mga tao sa loob ng bus dahil dilat na dilat na ang lahat. Habang ang katabi kong si Urchella ay sumaglit ng tulog, pinatong niya ang ulo niya saking kandungan at sinabing gigisingin siya kapag nakarating na kami.

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon