Prologue

1.2K 6 0
                                    

PROLOGUE

BLAIRE

"I will give you all of me, Jared. As a mark of how I really love you."

Blaire is shivering. It's a cold night. Umuulan at basang-basa na siya dahil kanina pa niya hinihintay si Jared na dumating sa likong ito.

She could wait anywhere she wouldn't get wet, but she needs to hide her tears under the heavy raindrops.

Jared suddenly touches her cold lips. His fingers felt hot as he scrapes her mouth. Minasahe niya ang bottom lip ni Blaire at inangat ang baba. The gesture made her spine shiver. Blaire's heart begins skipping inside her chest.

Mata sa mata, nagkatapat sila ng tingin. Mas lalong nanginig si Blaire dahil sa lamig ng tingin ni Jared.

"Is this true, Blaire?" Bumalot ang makapal na boses ni Jared sa mga tenga ni Blaire.

May kung anong kirot ang naramdaman niya sa kanyang puso. Hanggang ngayon kasi, hindi parin nito magawang paniwalaan na mahal na mahal niya ang lalake, kahit ilang taon na ang lumipas.

Tumango na lamang siya, pagod siya at giniginaw. Ilang oras rin siyang nakatayong naghihintay. Ilang minuto siyang binasa ng ulan mula ulo hanggang paa, kita sa suot niyang jacket na nanuot na ang basa. Ngunit wala lang iyon, sa limang taon niyang paghihintay sa lalake. Sa limang nasayang na mga taong dapat sana'y naging masaya na sila.

Pagod na rin siyang habulin si Jared ng patago. Pagod na siyang magpaliwanag kahit hindi pa naman naririnig ng lalake ang kanyang nararamdaman.

"Then you won't say no now." Napasinghap si Blaire sa paghila ni Jared papasok sa isang taxi nang makapara ito.

Nagtabi sila sa backseat, ngunit magkalayo ang distansya. Binalot sila ng katahimikan at tensyon. Binalot rin sila ng init ng sasakyan at ng mahinang musika galing sa radyo ng sasakyan.

"... I think I might've inhaled you. I can feel you behind my eyes... You've got into my blood stream. I can feel you flowing in me..." The song was somehow matching the atmosphere right now.

"San po sila, Sir?" tanong ng driver sa kanila maya-maya.

Titig lang si Blaire kay Jared. Diretso naman ang tingin ni Jared sa harapan. "Nearest hotel." Sagot niyang walang kakurap-kurap.

Napalunok lang si Blaire dahil nito. Bumuntong hininga si Jared at sumandal ng padarag sa upuan. Sumisiksik si Blaire sa kabilang pintuan. Nanginginig na siya sa ginaw at kabang nararamdaman sa ginagawa ni Jared.

Nagsimula nang magmaneho ang driver, unti-unti narin silang lumalayo sa madilim na kalye.

Higit bente minutos rin silang pinaikot-ikot ng driver, may mga nakikita nang hotel si Blaire sa paligid ng syudad, ngunit parang hindi ito makapili. Hindi rin siya mapakali, hindi niya alam kung dapat ba siyang makalma dahil hindi pa sila nakararating o kabahan dahil paparating palang sila.

"Manong, matagal pa 'ho ba?" tanong bigla ni Jared.

"Malapit na po, Sir. Namimili lang po ako ng komportable sa inyo." Ani ng driver habang may ngisi sa kanyang tono ng pananalita.

Kabadong napahinga si Blaire habang nauupo ng maayos. Sinubukan niyang isandal ang kanyang likuran ngunit mas nararamdaman niya parin ang lamig. Naiihi narin siya dahil sa panginginig. Hindi siya mapakali, parang gusto niya nang lumabas at tapusin na ang lahat ng ito ng real quick.

Biglang tumigil na ang taxi at sinabing dito raw ang pinakamaliit lang ngunit prestihiyoso naman ang accommodation. Si Jared ang nagbayad para sa kanilang dalawa. Pinagbuksan pa siya ng pintuan dahil hindi siya kaagad na sumunod.

"Do you have a penthouse?" Diretso sa receptionist si Jared habang sumusunod lang si Blaire. Napatingin sa kanya ang in-charge tapos kay Jared naman. "For three days." dagdag ni Jared.

Siningkitan pa sila ng mga mata, "Sir pwede ko bang makita ang I.D. niyo, we don't accommodate people under 18."

Napatingin si Jared kay Blaire habang napapabuntong-hininga. Nag-init lang ang mukha ni Blaire. May hinugot mula sa bulsa si Jared, mukhang pitaka niya ito base sa hugis. Tapos imbes na I.D ang kanyang kunin, isang kulay gold na mukhang credit card ang binunot nito mula sa loob.

"How about this?" tanong ni Jared habang winagayway sa receptionist. "Housekeeping every 9 in the morning too."

Walang naging ibang choice ang receptionist kundi ay ang tanggapin ito habang laglag ang panga.

Pagkatapos sa reception ay binigay narin ang key card kay Jared. Nilingon siya nito at tiningnan mula ulo hanggang paa. "You need some change of clothes too."

"I-ikaw rin," pabulong na tugon ni Blaire sa kanya.

Ngunit hindi siguro siya narinig nito dahil lumakad na si Jared papunta sa direksyon ng mga elevator. Sumunod lang si Blaire, walang ideya kung saan papatungo silang dalawa.

Si Jared lang din naman ang nakakaalam sa ngayon kung ano ang gagawin nila. Pinangarap naman 'to ni Blaire, pinanaginipan ng milyong beses. Ngunit ngayong nangyayari na, tila hindi siya makapaniwala.

Even if Jared won't reciprocate her feelings, she thinks she'd be stuck here forever. It will be her biggest regret as long as she lives, if nothing happens tonight.

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon