Unrequited II Twenty

78 2 0
                                    

Unrequited #20

Loved

Imbes na tumayo ako at umalis sa coffee shop, nanatili ako sa aking upuan. Parang napako ang katawan ko roon, kahit ang paghinga ay parang bawal gawin. Alam kong dapat akong umalis rito, pero kapag gagawin ko iyon, magiging mali ako at tama siya. She even acknowledged my presence by calling my name.

The table was only reserved for two, and so, she went to a nearby table and got herself a seat. She's quiet and it's horrifying. Naupo siya sa gitna namin ni Jared. Pinasadahan niya ng tingin kung ano ang nasa mesa namin. We even have the same food, lasagna... Hindi ko naman sinadya na magkapareho kami ng order kasi nauna akong mag order bago si Jared.

Napabuntong-hininga siya at ngumiti nang hindi umaabot sa kanyang mga mata ang dama nito. Nilinga niya si Jared at mariing tinitigan.

Napaiwas ako ng tingin.

Nakakaramdam ako ng pagkaguilty. Ng sobrang hiya sa sarili. Kahit pa aminin ko ang totoo kung bakit sumama ako kay Jared, sigurado akong hindi na iyon paniniwalaan ni Lorraine, dahil buo na ang isip niya na ako ang kontrabida sa nasira nilang relasyon ni Jared.

I've put myself in a really bad spot here, and I can't expect Jared to save me from here.

"Kumusta ka, Jared?" panimula ni Lorraine, her tone was surprisingly sweet and soft.

"Lorraine." Bigkas ni Jared. Makapal ang kanyang boses, at tila may galit pa ito. "Why are you here?"

"To get coffee, obviously." Lorraine answered in a matter-of-factly tone. "Ikaw ba? Coffee date with Blaire?" her tone suddenly turned malicious.

Napatikhim ako at tiningnan si Jared. Nakatitig siya ng malamig kay Lorraine, his gray eyes turning into steel. I could feel my heart thumping rather painfully. Maraming akong inaasahan sa kanya, lalo na't nadadawit ako sa pagitan nil ani Lorraine.

"We're just here to talk about business." Jared replies.

Pagkadinig ko roon ay kinabahan na ako ng todo. Pinandilatan ko siya. Business? He means our senseless exchange of agreement about his personal revenge on me?

"Business? Hindi ko alam na isang businesswoman si Blaire?" napatingin na ngayon sakin si Urchella.

I try to hide my frown on her, and even for Jared. Anong isasagot ko rito? Sa totoo lang ay wala akong ideya kung paano siya sasagutin. Hindi ako nakapaghanda sa kanyang pagdating. Iniisip ko parati si Lorraine, ino-overthink ang gagawin niya sakin... pero ngayong kaharap ko na siya ay wala akong kayang gawin. I could feel my face getting cold.

Jared leaned in on our table, to get Lorraine's attention. "Her parents are. I recently met her mother in Europe, she's one of our big investors."

Nanlaki pa ang mga mata ko sa sinabi ni Jared. My mom in Europe? It's not a lie! Pero paano niya ito nahulaan? Totoo ba ang sinasabi niya. Napayuko ako at tiningnan ang lasagna para hindi makita ni Lorraine ang pagkagitla ko. Sinasabi lang 'yan ni Jared para hindi ako pagdudahan ni Lorraine, hindi ba?

"Oh?" napasinghap si Lorraine. "What's her business?" kahit hindi naman siguro interesado si Lorraine ay nang-uusisa parin siya. Pag ito kumalat sa mga kaibigan niya...

"That's none of your business, Lorraine." Sagot ni Jared at bumalik sa pagsandal sa kanyang upuan.

"Oh, come on!" Lorraine motioned her hands, frustrated. Gusto kong matawa... none of her business, right?

I'm amazed at Jared's control over the conversation, but also envious of their level of intimacy from their past relationship... Parang sila parin, na parang nag-aasaran lang, na parang normal na araw lang ito para sa kanila. Why can't exes be friends? Is it because it's too hard to accept them after all has been lost?

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon