Unrequited II Four

589 3 0
                                    


Unrequited #4

The Aftermath

"Uy, Blaire... Tapos kana sa activity natin sa major?" Tanong ni Urchell.

Alas syete ng umaga at nasa classroom na kami ni Urchella. Napahilot ako saking sintido nang maalalang may gagawin pa pala.

"May ibang sasagutan pa pala?" Hindi ko maalala, punong-puno ang isip ko sa nangyari sa amin ni Jared nung nakaraang gabi.

I just lost my virginity. I can't wrap my head around it. At nahihiya talaga ako sa ginawa ko. Hindi pa ako nakagraduate ng Senior High school, at hindi ko rin maalala kung gumamit ba ng condom si Jared.

Nameywang si Urchella sa harapan ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa iniisip.

"Ayos ka lang? Hindi mo sinasagot ang tawag ko kaninang umaga. Tapos pumasok ka pang bangag ngayon." Kunot noo ni Urchell. Sinalat niya ang noo ko't nanlaki ang mga mata niya.

"Nilalagnat ka pa! Blaire, bakit ka pa pumasok?" nag-aalala siya nang tingnan ko ang mukha niya. Napaiwas agada ko bago magtagpo ang aming tingin.

"Ayos lang ako!" ngiti ko. "Hindi lang ako nakatulog ng maayos kaya namiss call kita. Tapos naulanan pa ako noong byernes." Pagsasabi ko ng totoo.

Nilagnat kaagad ako kinabukasan sa gabing may nangyari samin ni Jared. Hindi kasi ako nakapagbihis kaagad, at malakas ang aircon. He fell asleep after the deed, and when I woke up... I left him.

Hindi ko siya kayang harapin pagkatapos ng nangyari samin. Hiyang-hiya ako at sana naman wala syang ibang pagsabihin nito dahil mayayari talaga ako sa mga kaibigan ko at sa mga nakakakilala sakin.

"Punta tayo sa clinic?" kinabahan kaagad ako sa tanong niya.

"Ano ba, okay nga lang ako. Ang paranoid nito." Ayokong magpanic, pero baka kasi bigyan ako ng pregnancy test bigla.

It's been two days since... Pero alam kong nasa safe days naman ako ngayon. Kaya't hindi naman siguro mabubuo ang...

"Sigurado ka ha? Namumutla ka oh..." tumango-tango lang ako ta kinuha ang tumbler ko para uminom ng tubig.

"Pa'no na 'yan, wala akong assignment tapos nagkakasakit pa ako? Hindi ka ba maawa sakin?" ngumisi ako kay Urchella para itago ang aking kaba.

Napairap naman sakin si Urchella at inilahad ang papel nitong mukhang katatapos pa lang sa pagsagot.

"Ge, eto. Kumopya ka ng mabilis ah, tsaka ibahin mo yung pangungusap. Tangina, wag kang magkasakit." Ani Urchell atsaka nagpaalam na sasabay muna kay Delianne papuntang cafeteria.

Humapdi lang ang gilid ng mga mata ko habang binabalik ang tingin sa papel ni Urchella. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ng may tinatago. Hanggang kailan ko kayang dalhin ang bigat na 'to? This is what I get for having pre-marital sex, ang mas masaklap pa... hindi ako mahal ng taong binigyan ko nito.

"Hindi pa po ako tapos." Habang nagkokopya ay naramdaman ko ang presensya sa harapan ko. Nagpatuloy lang ako at sinabihan nalang si Urchella.

Major subject kasi, sa Social Science. Tapos first period pa ang oras nito.

Lumipas na ang ilang segundo, may nakatayo parin sa'king harapan. Napabuntong hininga ako at pakikiusapan na sana ang naghihintay. Ngunit bumungad sakin si Paul. Walang emosyon, tila nanigas ang mukha.

Kabado akong nag-iwas ng tingin. Magkakasakit ako nito sa puso.

"Paul-" naputol ang pangungusap ko nang hawakan niya ang leeg ko.

"Sinaktan ka ba niya?" mapait niyang tanong.

Napalunok ako at tinanggal ang kamay ni Paul sa leeg ko. "Hindi niya ako sinaktan." Tahimik kong tugon.

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon