Unrequited II Fifteen

63 1 0
                                    

Unrequited #15

Pull

Sinigurado kong makikita ako ni Ma'am na nagtatrabaho nang sumunod ang tree-planting. It's located on a hill away from the beach. Kung kanina'y sumuot pa kami sa mga kabahayan, ngayon ay sumuot kami sa kakahuyan. The area is a government's property, some kind of reservoir for trees. May mga taga LGUat DENR personnels na nag-aassist sa amin.

Tutok parin ang araw pagsapit ng alas tres. Kakarating lang namin sa site ay nagsimula nang mag assign ang mga personnel para maituro kung saan ang pagtatanim. Nandoon parin ang mga stakeholders, mas marami narin ang mga taga media, abala sa produksyon.

Bago pa masimulan ang actual tree-planting ay nagbriefing na naman sa proseso. Nagdistribute rin ng mahogany at narra seedlings, at mga tinabas na kahoy para sa tree guard daw.

Tinawag si Urchella para mainterview kasama ang mga stakeholder doon. Kaya't hawak ko ang seedling niya. I was left with Jiro, Urchella's partner and also Dexter which was mine. Pinares ni Ma'am ang bawat isa sa amin para maging maayos raw ang Sistema ng section namin. Ang mga lalake ang tagahukay, at ang mga babae ang maglalagay ng seedling sa hinukay at magbabaon.

"Tawagin mo nalang ako kapag tapos ka na, ah... Punta lang ako kay Dexter." sabi ko kay Jiro. Tumango lang siya, tila ayaw pa makipag-usap.

Medyo malayo ang agwat ni Jiro kay Dexter kaya kailangan ko pang lakarin iyon. Nang makalapit ako ay hindi pa nangangalahati sa paghukay si Dexter. Para mas mapadali iyon ay tinulungan ko siya'ng maghukay gamit ang dulo ng tree guard.

"Dalawa ang kinuha mo?" napansin na siguro niya ang dalawang seedling na dala ko.

May inis sa kanyang tono kaya ay napaismid rin ako. "Kay Urchella ang isa. Ibibigay ko mamaya sa partner niya kapag natapos siya sa kabila."

"Akala ko dalawa na itatanim natin. Matigas pa naman ang lupa rito." Kumalma si Dexter nang sumagot sakin.

"Baka makadalawa pa tayo, 100 seedlings ang target, e." tugon ko sa kanya.

"Ha?" kumunot ang noo niya. "'Wag ka nang kumuha, ah? Hayaan mo nalang ang iba." Aniya.

Tumango ako sa kanya at dinahan-dahan ang paghukay. Baka hindi na kami makaabot sa pangalawang seedling kung mabagal kaming matapos. Nilingon ko si Ma'am sa malayo, mukhang abala siya sa pag-iinspect ng ibang kaklase namin.

Nang lumalim na ang hukay ni Dexter, na mukhang naabutan ata kami ng kalahating oras, ay ihinanda ko na ang seedling. Tinanggal ko ang baging nito at inilagay sa hukay. Pinagtulungan namin ni Dexter sa paglibing ng lupa sa hukay at pinatigas ang malapit sa stem ng seedling.

"Ma'am! Pabinyag rito!" tawag ni Dexter kay Ma'am. Buti nalang at makikita naman ako ni Ma'am na nagtatrabaho nga.

"Punta muna ako kay Jiro, ah, ibigay ko lang 'to sa kanya." Paalam ko kay Dexter nang tuluyang makalapit si Ma'am. Sinundan ako ng tingin nilang dalawa habang magaan akong naglalakad patungo kay Jiro.

Naghuhukay parin si Jiro ngunit malapit nang matapos. "Okay na siguro 'yan, Jiro."

Matamlay niya akong tiningnan habang tagaktak ang pawis mula sa kanyang ulo hanggang leeg. Sumahod ang palad niya para sa seedling at ibinigay ko sa kanya iyon. Siya na mismo ang nagtanggal sa baging ng mahogany at inilagay sa hukay. Tinulungan ko siyang ibaon pabalik ang lupa roon at tinawag ulit si Ma'am para madiligan ang tanim.

"Ma'am, water break lang po kami ni Jiro." Saad ko nang matapos si Ma'am sa amin.

Napatingin siya sa aming dalawa, lalo na kay Jiro. "Sige, take your time." Tugon niya.

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon