Unrequited II Seven

430 5 0
                                    

Unrequited #7

Fear

Naubos namin ni Paul ang dalawang ice bucket. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa light house. Nakailaw ito dahil madilim na, sa tingin koy mag aalas otso y media. Natutuwa akong nakapunta kami rito dahil nakakita ako ng light house at magkaron ng pagkakataon na maexplore 'to.

"You can still drive, right?" tanong ko kay Paul habang naglalakad sa buhanginan.

"Hindi naman ako tinamaan, kaya oo. Maiuuwi pa kita sa inyo." Ani Paul.

"Good." I smile at him.

May mga tao ring naglalakad-lakad pa sa aplaya kaya hindi nakakatakot na may mga kasama kami kahit magkalayo. Akala ko bawal nang maglakad sa gilid ng dagat kapag gabi na.

Bumalik ang tingin ko sa light house na unti-unting lumalaki habang papalapit kami. Mula sa bukana ng cliff sa side namin, may mga nakailaw rin na mga street lights ron at de kahoy na mga harang sa gilid ng cliff. Kung siguro nakapunta kami rito bago lumubog ang araw, nakakuha pa kami ng mga aesthetic pictures.

Hindi ako mahilig sa mga picture2x pero ang ganda siguro kung nakuhanan ako ng litrato rito.

"Blaire." Tawag sakin ni Paul habang umaakbay.

"Oh?" nagtataka kong tanong sa kanyang ginagawa.

"Stay close to me, delikado na ngayon." Bulong niya sakin habang nakakasalubong namin ang isang grupo ng mga tao.

Sampu hanggang bente siguro ang bilang ng mga lalake at half-naked pa. Mukhang nakainom na ang mga ito dahil ang iingay at pasuray-suray mung maglakad. Kabado akong lumapit pa lalo kay Paul para umilag sa mga lalakeng pinagtitinginan kami.

Nang makalampas kami ay ang lapit ko parin kay Paul. Sa light house kaya galing ang mga 'yon?

"Bilisan na natin." Banggit ko sa kanya nang lingunin niya ang mga lalake. Lumayo na ako kay Paul at pasimpleng lumapit sa mga alon na humahampas sa buhanginan.

Nang makarating kami sa light house, kumuha ako ng mga litrato 'ron. Nagselfie lang ako ng isang beses atsaka inaya ako ni Paul na umakyat raw.

Habang papalapit kami para umakyat ay bigla niya akong pinicturan gamit ang phone niya. Umilaw pa ang flash nito kaya't napapikit ako sa silaw.

"Wala man lang pasabi!" inis kong tugon.

"Ang emosyonal mo kasing tingnan, ayaw kong sirain." Natatawa niyang sinabi. Lasing na siguro ang mokong.

"So kinuhanan mo ako ng candid, ganon?" sarkastiko kong untag sa kanya. Sinubukan kong agawan ang phone niya para tingnan ang mukha ko pero ayaw niyang ibigay.

"Magpicture nalang tayo!" pagod kong tugon sa kanya saka pa siya huminto sa pagtawa.

"Madilim ang front cam." Sagot niya.

"Asus, bahala na." Hinila ko na siya sa kamay at kinuha ang sarili kong phone.

Tinapat ko ang front cam sa aming dalawa at nakitang dumikit pa siya sakin. Natawa lang ako habang sinabing mukha na siyang tulog sa camera.

"Tingin ka." Ani Paul nang patuloy ko siyang ninuya. Bumalik na ako sa front cam at kumuha na ng selfie namin.

Pagkatapos ay pumasok na kami sa pintuan ng light house. May ilaw rin pala sa loob para makita ang daanan. Ang daanan ay spiral staircase hanggang makarating sa pinakang dulo o pinakataas ng light house. Hindi siguro nila ginagamit itong stock room? Tsaka saan naman rito ang utility lines para umilaw ang light house?

Humakbang na ako sa unang baitang nang biglang niliparan ng ipis ang paa ko. "Ay ipis!" napasigaw ako at napatalon.

Dahil sa talon kong 'yon ay natumba ako kay Paul. Naramdaman ko ring natumba narin siya. Natumba na kaming dalawa!

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon