Unrequited II Twenty-seven

32 0 0
                                    

Unrequited #27

Episode

I paced around the room as I waited. Hindi lang ako makapaniwala na dadalhan ako ni Jared ng pagkain. It makes me feel special, and nervous.

The thought that he lives in this house, and I'm sure they have a lot of help, na pinaluto niya lang sa kasambahay niya ang pagkain ko... is even more unnerving for me. It is midnight and in the middle of a party, may mga kasambahay pa ba na nandito?

The party... I'm sure a lot of people from our school is here. Kilala si Jared sa school, kaya't maraming dumalo at nakiparty narin. Imbitado rin naman ako sa party, and he brought me here because of the event. Pero nandito lang ako sa kwarto niya at nagmumukmok.

I can't go out there and greet people, or worse, mingle with them. Isipin ko pa lang ay nalulunod na ako sa kaba, and it's not a good feeling for me.

A soft knock made me realize how long I was standing in a corner, just thinking over things. Bago pa ako makapunta sa pintuan ay naunahan na ako ni Jared sa pagbukas.

Dala ang tray ng pagkain ay nahirapan siyang tuluyang buksan ang pintuan. Dinaluhan ko siya at pinapasok. Tahimik kaming nagkatinginan habang pumapasok rin ang ingay sa loob ng kwarto.

Ibinaba ni Jared ang tray ng pagkain sa kama.

"Ang dami naman?" untag ko nang makitang hindi lang itlog ang nandoon gaya ng inasahan ko.

"Baka nahihiya ka lang kasi kaya egg lang ang hiningi mo." Nakangiti siya habang pinapanood ako. Napaangat ang isang kilay ko.

"Dinagdagan ko nalang ng bacon, longganisa, at bread... baka magustuhan mo rin." Napalunok ako.

"Baka masayang..." iling ko lang.

"It's fine, no one is pressuring you to finish it all." Inayos niya ang mga kubyertos mula sa tray at napaangat ang tingin sakin.

"Gusto ko lang na maganahan ka sa pagkain, dahil iinom ka pa ng gamut mo." Paalala niya.

Tumango lang ako. Right, I still have those pills to take...

"Salamat dito." Tahimik kong saad.

His eyes are not leaving me, like a predator watching his prey in an open field. Parang nananantsa, parang nag-aabang... may hinihintay.

Ikinandong ko na ang tray at agad nasimut ang halimuyak ng pagkain. Kumalam kaagad ang sikmura ko at dumami ang laway sa bibig. Napatikhim ako at ginawaran siya ng matamang ngiti.

"I hope you like it." Aniya at naupo sa kabilang parte ng kama kung saan makakasandal siya sa headboard.

Nagdasal ako bago kumain, nagpasalamat sa pagkaing binigay sa akin at sa nagluto nito. Hindi ko sigurado kung si Jared nga ang nagluto ng mga ito, ngunit nagpapasalamat parin ako. Naalala kong puro gulay lang ang halos pinapakain sa akin sa hospital.

Jared watches me while I take spoonsful of food from the tray. Nagsimula na nga akong kumain at naramdaman ang kanyang malalim na katahimikan habang nakatingin parin sa akin. Mahirap lumunok sa ganoong sitwasyon, kaya't napag-isipan ko nalang siyang kausapin.

"Sabi mo may pag-uusapan tayo," panimula ko.

Tumango lang siya sakin at tinanggal ang kanyang tingin. He shifted on his seat and cleared his throat.

His sudden self-composure made me want to compose myself too. Pero abala ako sa pagkain para ayusin pa ang sarili ko.

"After you finish your meal..." Napatingin ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon