Unrequited II Twenty-two

46 1 0
                                    


Unrequited #22

Apology

I don't usually forgive people. No one really asked for my forgiveness. Hindi ko pinatawad ang mga magulang ko sa pagluwal nila sakin dito sa mundo, at ang paghihiwalay nila at pagpapaampon sakin sa mga kamag-anak nila.

Hindi ko maintindihan ang konsepto ng panghihingi ng pauumanhin, o ang pagpapatawad. Dahil hindi rin naman ako hiningan noon. Pero alam ko kung bakit ako nagsosorry... Lalo na sa mga nag-ampon sakin.

Madalas ako humingi ng tawad kapag may nagagawang akong hindi maganda sa bahay at sa mga pinsan ko. Madalas ako humingi ng patawad dahil may mga panahon na hindi ako makabawi sa mga kakulangan ko lalo na ang presensya at atensyon ko sa kanila.

Isa sa mga rason kung bakit nag-iisa ako sa apartment dahil gusto kong mahinto ang paghingi ko ng tawad sa kanila sa bawat 'mali' na nagagawa ko sa kanila. Magastos, oo. Pinagbubutihan ko naman ang pag-aaral ko at mahigpit rin ako sa allowance ko. Pagtungtong ng senior high, iyon ang naging unang hakbang ko.

Ang maging malaya, at matiwasay ang aking pamumuhay.

"Urchella gave me these earrings..." I said to Jared. "And those gifts were from them, how did you know?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin. Kinukuyomos ang dibdib ko dahil sa sitwasyon ngayon. Anong gagawin ko sa kanyang panghihingi ng patawad? Anong mangyayari kapag napatawad ko na siya? Kailangan ko pa ba ng ilang araw bago mapatawad siya?

"Pinabigay ko sa kanila ang mga 'yon para sa'yo..." mahina niyang saad. "Hindi ko lang pinasabi, dahil gusto kong ako mismo ang magsasabi sa tamang panahon."

Kumalabog ang puso saking dibdib. Tumakas ang ilang luha saking mga mata. "A-ano ba ang dapat kong gawin? Sa mga ibinigay mo?"

Naalala ko ang mga bulaklak... sa kanya pala galing ang mga ito? At ayaw niya ipagsabi na para sakin ang mga ito?

"Kapag nalaman mong ako ang nagpapabigay, anong gagawin mo? Itatapon mo, hindi ba?" he looked at me painfully. "I hurt you, Blaire... so many times now..."

"I know a simple apology won't suffice, so I did those things in hopes that you would forgive me as soon as you can..." his eyes focused on me now, without the tears.

"I know I'm not a good person, I deserve your hate. I know I've hurt you so much, you told me and shown me..." his voice broke again.

Pinagmasdan ko lang siya habang pinapahiran ang paminsan-minsang dumadaloy na luha saking mga pisngi. I never knew he saw the worth in me through his fist...

Napasinghap siya at tinitigan muli ako. "Those flowers have meaning, if you only looked at it on the internet-" agad ko siyang pinutol.

"Sabihin mo sakin." Demanda ko. "Anong ibig sabihin ng mga pinamigay mong bulaklak."

His mouth hanged open as he rethinks of the words. "The sunflowers symbolized hope." His eyes looked warm despite the steel tint under the fluorescence.

"Those peonies to wish you well... and the yellow mums for happiness," kumunot ang kanyang noo.

Napabuntong-hininga siya bago magsalita. "And white tulips for new beginnings..."

Napatango ako sa kanya. Inulit-ulit ko sa utak ko ang mga bulaklak at ang mga simbolo na ipinapahiwatig nito. Hope. Wellness. Happiness. New beginnings. I could feel my heart racing to a faster pace.

"Thank you," napaangat ang tingin niya sa akin nang sabihin ko ito. "For being thoughtful."

Nararamdaman ko ang paglubha ng paninikip ng aking dibdib at bara ng lalamunan. It feels good to be valued. To be acknowledge like this. Para bang nagkaroon ng puwang ang kaluluwa ko rito sa mundong ibabaw. I know this could be an overreaction, but this is how I truly feel.

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon