Unrequited II Nineteen

63 3 0
                                    

Unrequited #19

Fair

Pinagitnaan namin si Jiro ni Urchella sa loob ng van. Pauwi na kami. Pinapansin ako ni Urchella pero tipid ang aking mga sagot kaya ay sila ang magkausap ni Jiro sa byahe. Nakatulog rin ako dala ng pagod at puyat mula kagabi.

It is a Sunday by the way, kaya ay klase pa bukas. Hindi nasuspend ang klase namin grade 12 dahil anila'y makakapagpahinga pa naman kami ngayong hapon at gabi. Ganon rin naman ang teachers kayav ay patas ang lahat.

Naghihintay nalang naman kami ng final exam, at pagkatapos non ay ang mga fees nalang at ang clearance. May grad pictorial parin pala. Sa susunod na linggo pa naman ang markahan kaya't buti nalang.

Diretso agad ako sa apartment at tinuloy ang tulog ko hanggang dumilim. Kinabukasan, balik na naman sa school. Siguro sa weekend, uuwi muna ako sa mga kamag-anak ko sa probinsya. Malapit lang sa e-camp ang lugar, pero hindi na ako nakasaglit roon dahil okupado nga naman ako sa mga araw na iyon.

"Blaire, parang kahapon ka pa matamlay, ah? Ayos ka lang ba?" tanong ni Urchella sakin dahil 2nd period na ng klase pero hindi ko parin siya kinikibuan.

Paano ako makikipag-usap sa kanya na hindi maalala ang gabing iyon sa ginawa nila ni Paul? Alam kong sinabi kong hindi na dapat ako magpapaapekto nito, ngunit hindi ko talaga maiwasang hindi makaramdam ng pagkaawkward.

"Oo, Chel, ayos lang ako." My voice croaked. Napatikhim ako at nakitang mukhang hindi siya kuntento sa sagot ko. "Medyo pagod lang."

Tumango si Urchella habang sinusuyod parin ng tingin ang mukha ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Uminom ka na ng gamut mo? Kumusta naman yung fatigue mo?"

"Oo, 'wag ka nang mag-alala..." ngumiti ako pero ramdam ko rin ang sariling pagkailang ko sa kanya. Paano ko ba aayusin ang nararamdaman ko para kay Urchella?

Sana naging abala nalang ulit siya sa SBO, para hindi muna kami madalas magkita. Hindi ko rin maimaging na aamin ako sa kanya tungkol sa gabing iyon. Was it a mistake? Or was it intentional? Naisip ko rin si Jared, at ang isang gabi namin. I was lucky because he somehow secured me in a hotel... a penthouse at that...

I could feel my heart racing and hurting... Kailangan ko ba talagang sabihin kay Urchella ang totoo para lang matahimik ang puso at isipan ko?

"Naku, Blaire, inaagaw ng friend mo ang manliligaw mo?" narinig kong tanong ni Poela. Kasabay iyon ng pagdating ni Paul sa pintuan ng classroom namin.

Nilinga ni Urchella ang grupo nila, at wala na silang naidugtong pa.

Napalunok ako. "Hindi ko naman 'yon manliligaw, kaibigan lang." mahina kong tugon.

Nilapag ni Urchella ang palad niya sa balikat ko at hinila ako papalapit sa kanya. Wala siyang sinabi, sinabay niya ako paglabas niya papunta kay Paul.

"Sorry about that, Blaire." Seryosong saad ni Urchella, nakaangat ang isa niyang kilay nang magtagpo ang tingin nil ani Paul.

"Hindi ba sinabi ko na sa parking lot nalang tayo magkikita?" umaangat ang tono ni Urchella kay Paul.

Ngumisi lang si Paul at bumaba ang tingin niya sakin. "I was watching everyone's reaction. And also yours, Chel." Bumalik ang tingin ni Paul kay Urchella.

Nagsimula na kaming maglakad papalayo sa classroom at papunta sa hagdan.

"Para saan?" tanong pabalik ni Urchella.

"Wala lang..." Paul shrugged beside Urchella. Inakbayan niya si Urchella kaya mas lalo lang akong nailing.

I don't feel jealousy at all... hindi ko rin ikinakasaya ang kanilang relationship dahil hindi ko makita ang sinseridad ni Paul kay Urchella, but whatever their relationship is... I just want Urchella to be safe. Alam kong kaya niya naman ito, pero sa oras na hindi na talaga maloko lahat at si Urchella nalang ang natira, baka may gawin akong hindi niya magugustuhan.

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon