Unrequited II Nine

401 5 0
                                    

Unrequited #9

Future

Urchella's excitement is really a different level. Buong araw siya sa kanilang SBO team, making the last preparations para sa program kinabukasan. Hindi ko inexpect na may enerhiya pa siya para magsleep over kami rito sa kanilang bahay.

Kaming tatlo na naman ni Delianne as usual. Nakahanda na ang hapunan pagdating naming kaya't nakakain kami kaagad. We then went to her room to change into our pajamas.

"May ideya ako para sa performance mo bukas." Ani Urchella pagkatapos naming makaligo at makabihis tatlo.

"Wow, let's hear it." Excited rin si Delianne.

I, on the other side, is nervous as hell. Hindi ko lang pinapahalata dahil baka maflop ang performance ko bukas. "Isn't being the last performer the best idea, yet?" tanong ko sa kanya.

Sinabihan niya kaagad ako na inayos niya talaga ang program at inilagay ako sa pinakahuling magpi-prisinta.

"Did I say I'm done? Of course, gusto kong manalo ang strand natin! I believe in your talent. We'll just add a bit to it." Aniya at kumuha ng papel at ballpen sa kanyang table.

Nakaupo kami sa carpet, sa baba ng kanyang kama. It's a sleep over with a hint of having a hang over the next day. Mayroong isang bucket na naman ng beer, gin at sprite sa gitna naming tatlo. May chips rin at brownies.

Nagsalin si Delianne ng inumin habang may iginuguhit si Urchella sa kanyang papel. Kumuha ako ng isang brownie at tinikman iyon habang naghihintay rin.

I know Urchella is a hard worker. I supposed she has to be a good student, to be a good daughter. Ngayon lang niya ako namanipula ng ganito, but it's for the sake of something good. She makes something happen and I think that makes her happy to see the best outcome of her doing.

"Malapit na tayong gumraduate." Narealize ko habang iniisip si Urchella. "Nakaisip na kayo ng course sa college?" untag ko.

Binigyan ako ni Delianne sa kanyang isinalin. Malinaw ang nasa loob ng shot glass, I think it's gin. Mataman ko siyang tiningnan pero nginitian niya lang ako. Hindi ko muna ininom, I'll finish the brownie first.

"I think I'll go for marketing." Ani Urchella, nasa papel parin ang kanyang mga mata. She can't be disturbed.

Napasinghap ako at kabadong napatingin kay Delianne. "Del, fashion?"

Umiling si Deliane sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha sakin ang shot glass. Siya ang unang umubos n'on. "Hindi ko pa alam. I'll think about it after graduation."

Natawa ako. "Nag humss pa talaga tayo pero hindi naman ata in line sa strand natin ang future career natin?"

"The future is uncertain." Deklara ni Delianne sa aking harap. Nagsasalin na naman siya, ngayon ay sa malaking baso at beer ang binubuhos niya rito.

"I don't think so." Delianne smirked atsaka binaba ang kanyang papel.

Napaangat ang isang kilay ni Delianne kay Urchella, surely, she didn't mean to offend Delianne's opinion. Binigyan ni Delianne si Urchella ng isang baso ng beer.

Tinanggap ito ni Urchella at nilagok. "As long as you're confident of yourself, you'll know what you will be." Sagot niya.

Napangiti lang si Delianne. "Are you prepared for disasters? Accidents? Confident ka pa rin ba kung may unexpected na mangyayari sa buhay mo? What if mamamatay ka na pala bukas? Would you still say that you're certain of your future?"

"That's for natural disasters. I'm saying that I am prepared to take risks whatever future I'll face. I'm making the choices at present so I can predict my future." Tugon ni Urchella kay Delianne.

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon