Unrequited II Twenty-five

46 3 0
                                    

Unrequited #25

Celebrate

"It will take years for someone to fully heal from their painful experience. But people definitely heal through time..." nagpatuloy ang psych sa kanyang pagpapaliwanag.

A few days ago, I collapsed because of my painful memories. Of the trauma I'm currently suffering. Sabi nila, mabuti daw at hindi ako inatake sa puso, o nahulog at nauna ang ulo. It would cause more damage than I had gained. At ngayon ay ang first session ng therapy ko para maovercome ang trauma.

But I don't think it's going any places. Hindi pumapasok sa kokote ko ang kung anong sinasabi ng psych. Everything is distracting me. Her room particularly.

Parang room ng bata, o kindergarten. Filled with colorful decorations, from the floor to her ceiling, from the left and right walls... It's like nursery room for babies, ganoon ang nakikita ko. Especially that most of them are in color yellow or anything that relates to color yellow, like the sun, sunflower, rubber ducklings... nakakasura sa mata.

It's just me. Hindi ko hinuhusgahan ang kanyang kahiligan sa kulay dilaw. With the darkness I feel, I just don't see the point of being surrounded with vibrant colors.

Nakahinga ako ng malalim nang maibalik ako sa room. Wala nang yero sa kamay ko, pwede na akong makalabas sa hospital anytime... But the doctor advised that I should stay for a few therapy sessions. Sinunod ko naman, dahil baka naman siguro ikabubuti ko ito.

Bumukas ang aking pintuan kaya't napatanga ako kung sino ang naroon. The young nurse is here again, wearing a gentle smile. "Kumusta po?" tanong niya habang papasok.

Napabuntong-hininga ako at niyugyog ang aking mga balikat. "Fine, I guess." Tanging saad ko.

Alas dyes palang iyon ng umaga. Pumupunta siya rito kapag shift niya, walang mintis iyon kaya't medyo magaan na ang loob ko sa kanya.

"Pumunta ako rito para sana may ipaalam sa'yo." Marahan siyang lumapit sa aking bed at naupo.

Hinarap ko siya habang kaming dalawa ang nakaupo sa aking kama. Even though she's obviously older than me, she was an inch shorter than me. But her weight made up for it, which mistakes anyone that she's even older than her age. O baka ganoon lang talaga ka haggard kapag nasa medical field.

Napaiwas siya ng tingin nang wala akong sinabi. "Last shift ko na po 'to kasi babalik narin kami sa school..." tumango ako kaagad nang sabihin niya.

"Good for you," I tried to smile at her. At least she won't be that haggard anymore. Makakapahinga narin sya mula rito.

Ngumiti rin siya pabalik. "Hindi po tayo close, pero masaya po ako na... ako ang nurse na nakassign sa inyo." Tumango ako habang nakikinig sa kanya.

"Masunurin po kasi kayo sa amin, sa doctor at sa mga senior nurse. Hindi rin po kayo mabigat alagaan kasi kinakaya mo po na gawin ang lahat kahit na nahihirapan po kayo..." marahan niyang pagpapatuloy.

Napangisi lang ako. Ayokong maging pabigat at gusto ko ring makaalis na rito sa ospital kaya kailangang manumbalik kaagad ang lakas ko. We also did some physical therapy aside from emotional and mental therapy. Hindi ko masabi kung borderline na ba ako sa pagkabaliw, but I could tell that they know I have some mental illness now.

"Sana lahat ng pasyente ay katulad niyo po," maliit niyang tawa. "Mabait po kayo at masunurin. Tsaka mababait rin ang mga kaibigan mo kaya... salamat."

"My intern journey was a lot easier because you were easy to handle."

Napaawang ang aking bibig, at napatawa. "But won't you go far if you handle something more difficult?"

"Tsaka na 'yon kapag kailangan..." natatawa niyang sinabi. "Kapag nakaharap ko na. Gusto ko rin naman na lumago 'yong kasanayan ko, pero anong magagawa ko kung ito ang ibinigay sa akin? I'm just grateful po na nakaranas ako ng maraming bagay... nang sa ganoon ay maging handa rin ako sa susunod." Tumango ako. College students really have it figured out, huh?

Unrequited II ROUTE BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon