CHAPTER 2

4.2K 98 8
                                    

"No... NO!" bulalas ni Jessica, muntik nang
maibagsak ang telepono. "T-there must be a
mistake."

"I am sorry, ma'am," the man on the other line
said gruffly. "Nakatanggap ang tower sa Davao
airport ng mensahe mula sa piloto ng inyong papa. Humihingi sila ng emergency landing dahil nagkaroon ng problema ang engine ng cessna. But they never made it back to the airport. We..." The shipyard manager cleared his throat many times, "we are afraid they had crashed!"

"M-may problema ba, hija?" ang yaya niya na
sumungaw mula sa dining room.

Jessica was stricken. Nakatitig siya sa telepono
na tila iyon cobra at ano mang sandali ay tutuklawin siya.

Kinuha ni Yaya Saling ang telepono at ibinalik sa lagayan nito. "Jessica?"

"Madre de Dios!" she whispered. Then she
covered her mouth with her hand to keep from
screaming.

"Jessica, ano ba ang nangyayari? Huwag mo
akong takutin nang ganyan!"

Tinitigan niya ang matandang babae. "N-naniniwala ang mga tao natin sa shipyard na... na nagcrash ang eroplano nina Papa at Mama sa kagubatan ng Davao!"

THE NEXT few hours were a blur. Jessica was
almost hysterical. Ang sekretarya ni Bernard
Fortalejo na halos kasabay ni Jessica na
napaalaman sa nangyari ay naging abala upang tawagan ang mga kapatid na lalaki sa Texas.

Andrea de Lara, now in her late sixties and who was almost a relative, came to the Fortalejo mansion as fast as she could. Kasunod nito ay ang mag-asawang Kurt at Jade.

Ayon sa natanggap na impormasyon ng pamilya ay dalawang araw pagkatapos ng ribbon cutting sa bagong shipyard ay pabalik na ng Maynila ang cessna na sinasakyan ng mag-asawang Bernard at Jewel. Wala pang labinlimang minuto ay naka-tanggap na ng SOS ang tower sa Davao airport mula sa piloto ng cessna.

lyon ang huling balita sa eroplano.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang
pamahalaan upang hanapin kung saan sa malawak at makapal na kagubatan ng Davao bumagsak ang eroplano.

Makalipas ang maraming oras ay muling nasa
bansa sina Julianne at Benedict kasama sina Aidan, Lenny at Dana. Ang asawa ni Aidan na si Samantha ay hindi nakasama dahil masama rito ang magbiyahe. She was on her last trimester and was having a difficult pregnancy.

Nang makita ang mga kapatid ay tuluyang
bumigay si Jessica. Julianne was sedated because of the baby. Benedict never left his wife's side.

Aidan and Lenny were beyond themselves.
Bukod sa pamahalaan ay may mga pribadong
rescue operations ang isinasagawa ng KGC para sa paghahanap sa eroplanong bumagsak. Ang mga dayuhang eksperto sa ganitong uri ng operasyon ay dumating sa bansa dahil na rin sa impluwensiya ng mga Fortalejo.

Subalit naging mahirap para sa rescue people
ang galugarin ang mapanganib na kagubatan ng Davao dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan na tumagal ng ilang araw.

Ang pagbagsak ng pribadong eroplano ng mga Fortalejo sakay ang mag-asawang Bernard at Jewel ay gumawa ng headlines sa lahat ng mga pahayagan sa Pilipinas at sa ibang bansa at nanatiling balita sa radyo at telebisyon sa loob ng maraming araw.

Mula nang mangyari ang trahedya ay hindi
nawalan ng tao ang mansiyon ng mga Fortalejo. Mga kaibigan, mga empleyado, at mga kamag-anak.

Ang presidente ng bansa ay dumating upang ipakita sa mga Fortalejo ang suporta.

Telephones never stopped ringing. People and friends from high places all over the world sent their sympathy and condolences.

Sa kabila ng malakas na ulan ay sige sa
paghahanap ang mga pribadong organisasyon na binayaran ng mga Fortalejo. Makalipas and
dalawang linggo at wala pa ring makita kahit na bahagi man lang ng bumagsak na cessna ay hinihintuan ng pamahalaan ang paghahanap.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now