CHAPTER 15

4.8K 101 15
                                    

NASA puno ng grand staircase si Trace at
nakatingala sa kanya. Tumatahip ang dibdib niya habang dahan-dahan siyang bumababa na tila binibilang ang bawat baitang. She felt like an eighteen-year-old on her debut party.

Tatlong baitang bago ang ibaba ay huminto siya at naupo roon. "What?"

Pinanhik nito ang baitang na nakapagitan sa
kanila at naupo sa tabi niya. Pagkatapos ay inilahad ng kamay nito ang isang munting kahita. Sa ibabaw ng blue velvet box ay ang pangalan ng jewelry store sa Kristine Hotel.

She was speechless. She turned enquiring
eyes to him. Hindi mahirap hulaan kung ano ang laman niyon, ganoon pa man ay hindi niya
maiwasang magtaka... mamangha.

Ito na mismo ang nagbukas ng kahita at
nahantad sa kanya ang dalawang white gold
wedding band. May isang marquise shaped diamond na nakaukit sa bawat singsing. She knew how much the rings had cost him.

"Our wedding rings, Mrs. Lavigne."

Hindi pa rin niya makuhang magsalita kahit nang isinusuot ni Trace sa daliri niya ang isang
singsing. Hindi pangkaraniwan ang pagpapakasal nila. At duda siya kung may iba pang taong kayang i-duplicate ang ginawa nila.

Kahit si Judge Campomanes ay hindi naghanap ng singsing nang ikinakasal sila. Dahil kahit nang ikinakasal sila ay nasa mukha pa rin nito ang disgusto kay Trace.

"Hey!" Ipinitik ni Trace ang mga daliri sa harap
niya. "Nakakatulala ba ang magkaroon ng wedding band?"

She swallowed.

"Put mine on," he commanded.

Parang robot na kinuha niya mula sa kahita
ang malaking singsing at isinuot sa palasingsingan nito. His hands were big and strong. His fingers were long, rough and callused. The hands of a trained assassin.
These hands were used in combats and had
killed.

The thought of what those hands and fingers
could do to his enemy made her shiver a little.
Were his hands capable of tenderness? How
would those hands feel on her body?

"Ano ang iniisip mo?" he asked.

Nang tumingala siya'y ang mga labi nito ang
natuunan ng paningin niya. Up close, she noticed that his lower lip was a little bit fuller, may bahagyang- bahagyang cleft sa gitna. And she had kissed those
lips. They were soft but firm.

Yumuko ito at inilapit ang mukha sa kanya. He was so close that his mouth was against her face. She could feel the brush of his rough-shaven skin against her cheek. The rasp of warm breath against her skin was like an actual touch. She could even smell his scent. Hot, clean, fresh sweat-mula sa pangangabayo, and musky maleness. It made her feel intoxicated.

"You are staring at my lips hungrily, sugar," he
whispered. "I would gladly oblige, iyon ay kung wala ang yaya mo na nakatanaw sa atin mula sa barandilya sa itaas."

Ang buong kamalayan ni Jessica ay nasa
sensasyong unti-unti nang gumagapang sa katawan niya at mabilis na gumagawa ng masarap-masakit na pakiramdam sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Hindi agad rumehistro sa isip niya ang sinabi nito.

Nang lumapad ang pagkakangisi nito ay saka lang siya tila natauhan.

Nag-init ang mukha niya at iglap na tumayo
upang hindi nito mapuna ang pagkapahiya niya. Wala sa loob na tumingala siya sa itaas at nakita ang pagtalikod ni Yaya Saling.

Itinaas niya ang kaliwang kamay at sinipat ang
singsing. Kumislap ang brilyante mula sa liwanag ng araw na pumapasok sa mataas na glass windows sa gilid ng hagdan.

"How... I mean..." Hindi niya maitanong nang
diretso kung saan ito kumuha ng ibinili ng singsing. "The rings are expensive, Trace. Kabisado ko ang presyo ng mga alahas sa jewelry store sa hotel. Mahusay ang uri ng mga alahas nila. At napakamahal dahil mataas ang mga kilatis. Bukod pa sa tourist price ang mga iyon. Besides, how did you know my size?"

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now