CHAPTER 4

4K 105 9
                                    

"ADDENDUM?" halos magkakasabay na usal
ng magkakapatid.

"Tanging para sa isla at sa mga kabayo at ang
farm. Ang limestone deposits ay awtomatikong pag-aari ng KGC... alam nating lahat iyan."

"Ano ang ibig ninyong sabihin, Uncle Marco?" Ang tanong ay mula kay Lenny.

Si Emerald ay nakatingin sa asawa na nakakunot ang noo.

Nagkatinginan sina Atty. Gavino at Marco. "I hate this," usal ni Marco at umiling. "I haven't seen this addendum until six weeks ago. Isa ito sa ipinakipag-usap ko kay Attorney Cancho bago siya umalis patungong America. He admitted he drafted the document. Ang totoo niyan ay may nabanggit na sa akin si Bernard tungkol sa nakasulat sa addendum na ito ilang buwan na ang nakalipas. Hindi ko inaasahang seryoso siyang idagdag ito..."

"What is it, Marco?" Nathaniel asked impatiently.

Si Atty. Gavino ang sumagot. "Ayon sa batas, dapat ay mamanahin mo ang isla sa sandaling
mamatay ang papa ninyo, hijo. At ayon din sa batas, awtomatikong nawala sa iyo ang isla nang hindi kayo nagkaanak ng lalaki ni Dana. And automatically, ang pagmamay-ari ng isla ay babalik sa papa ninyo."

Tumango si Lenny. "Naiintindihan ko ang bagay na iyan, Attorney. I've discussed it with my father.

Tulad ng nasabi ko na, ako mismo ang nagmungkahi na kay Jessica niya ipamana ang isla nang ipanganak ni Dana ang panganay namin. Well, ayon na rin sa pagsang-ayon ni Julianne. My father was pleased with the idea. Alam niya kung gaano kahalaga sa aming bunsong kapatid ang isla."

Bumalik ang mga mata nito kay Marco. "Kung
ganoon ay basahin mo na, Kumpadre."

Bahagyang tumikhim si Marco bago sinimulan
ang pagbasa. "It was dated March 12, five months ago today. Jessica..." Nag-angat ito ng mukha at tiningnan ang pamangkin. "Walang bisa ang addendum na ito sa pagmamay-ari mo ng isla kung sa sandaling binabasa ito ay may asawa ka na." Muli nitong niyuko ang dokumento.

"It says here: '... For my daughter Jessica to
inherit the island, she must marry within seventy-two hours of the reading of my will, and must stay married for at least one year. Otherwise, she will forfeit her inheritance... Paso de Blas will be deeded to nongovernmental organization who are interested in the forest preservation..."

Nagsasalubong ang mga kilay ni Jessica. Hindi
niya naiintindihan ang sinasabi ng tiyuhin. For her to inherit...nongovernmental
preservation... organization... forest..

Tumikhim si Marco at ipinagpatuloy ang
pagbabasa sa addendum. "And for the man my
daughter has chosen to marry, he will receive upon their marriage an amount of twenty million pesos in cash as my wedding gift."

"Who's the fiancé, Jess?" asked Aidan. "You
haven't told us about this lucky guy."

Lahat ng mga mata ay natuon sa kanya. Ang
iba'y nakangiti, nanunukso. Ang iba'y binabati siya.

Kurt La Pierre chuckled. "Sa pagkakataong ito'y mukhang walang pinaimbestigahan sa akin ang papa n'yo. Mukhang nakuha ng isang ito ang approval ni Uncle Bernard."

Napalingon sa kanya si Julianne nang makitang nakatulala siya. "Jess?"

"No!" Tumayo si Jessica, halos matumba ang
silya na kumayod ang mga paa sa sahig. Rage,
coupled with shock, made her shake. Marahas
niyang tinabig ang kamay ni Richard na inalalayan siya sa biglang pagtayo niya.

Hinarap niya si Marco. Namumuo ang luha sa
mga mata niya sa matinding galit sa ama na wala siyang karapatang damhin dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung patay o buhay pa ang mga magulang.

"It isn't legal, Uncle Marco!" she hurled. "Walang patunay na patay na ang Papa't Mama! I cannot be held to that addendum!"

Isang malalim na hininga ang pinakawalan
Marco. Tila tumanda pa ito nang higit. Her Aunt Emerald was gaping at her husband, waiting for more explanation.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now