CHAPTER 10

4K 88 18
                                    

ISINARA ni Richard ang pinto ng silid ng hotel
pagkalabas ng waiter na nagpasok ng kape.
Sinulyapan niya ang relo niya sa braso. Alas-seis y media ng umaga. Pero alas-kuwatro pa lang ay gising na siya. Dahan-dahan niyang hinigop ang kape at lumabas sa balkonahe ng hotel. Ang init na
naglandas sa lalamunan niya ay nakabawas sa
lamig ng hanging humampas sa kanya.

Ang silid niya ay nakatanaw sa golf course at sa walang katapusang kagubatan. Mula sa balkonahe ay natatanaw rin niya ang malaking paddocks kung saan maaaring mangabayo ang mga guests.

Sa pagkakaalam niya ang mga silid sa hotel na
iyon ay idinisenyo na nakatanaw kung hindi man sa kagubatan at sa magandang golf course ay sa dagat kung saan matatanaw ng isa ang cable car patungo sa de-klaseng restaurant sa itaas ng bundok.

Muli siyang humigop ng kape. Nagsisimula nang mamanaag ang araw mula sa likod ng mga bundok. Dapat ay maramdaman niya ang kasiyahang naroroon siya sa isla at sa mismong Kristine Hotel and Resort.

It had been one of his dreams-ang makarating
sa lugar na iyon at tumuloy sa Kristine Hotel and Resort at makapamasyal sa paligid nito at gawin ang ginagawa ng ilang mayayamang taong bisita sa world-class hotel-resort na iyon.

Dapat ay naglalangoy na siya sa dagat sa oras
na ito, snorkeling, mangabayo sa alinman sa mga kabayong nasa paddocks na natitiyak niyang mga hindi pipitsugin, o di kaya ay maglaro ng golf, o kung ano pa man sa mga iniaalok ng hotel na ito.

Hindi araw-araw ay nagkakaroon ng pagka-
kataon ang isa na makatungo sa lugar na iyon na libre ang lahat at makahalubilo ang ilang kilalang tao at artista sa iba't ibang bahagi ng mundo. Yesterday evening he had even taken a glimpsed of Sean Connery. He had been sure it was him.

But Jessica ruined all his enjoyment by her
disappearing act. Damn her, pero ilang oras na lang ang natitira para sa taning na ibinigay ni Bernard Fortalejo. Dalawang gabi na ang nakalipas at wala siyang ideya kung nasaan ito.

Kung may isang bagay mang nagbibigay ng
lakas ng loob sa kanya ay ang katotohanang hindi magagawang ipagwalang-bahala ni Jessica ang isla. Ang isla ay ang Fortalejo, at ang Fortalejo ay ang isla. That alone gave him comfort.

Tumingin siya sa relo niya sa braso. May natitira pang tatlumpu't walong oras. Jessica would marry him in the nick of time. Natitiyak niya iyon pero hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib niya.

Ang akma niyang muling paghigop sa lumalamig na niyang kape ay naagaw ng tunog ng telepono.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng silid.
"Richard..."

"Yes, Attorney. May balita ba kay Jessica?" he
said, dispensing niceties and manners. Ang nasa kabilang linya ay si Atty. Delfin Gavino na ang silid ay nasa dulo ng pasilyong kinalalagyan niya.

"Katatawag lang ni Lenny, Richard," wika nito. "Nasa villa na si Jessica. Dumating siya kaninang bandang alas-singko. I'll meet you downstairs."

"Give me five minutes." Sinikap niyang huwag
ipahalata ang excitement sa tinig. Ibinalik niya sa cradle ang telepono. He went limp with relief.

Jessica was back.

Mabilis ang mga kilos niya. Hindi na niya
kailangang maligo pa. Maraming oras para doon. Nagmamadali siyang nagbihis at nag-ayos.

Saan nanggaling ang babaeng iyon at mag-
uumaga na nang umuwi? Hindi maaaring sa farm ng mga de Silva ito nagtuloy dahil tiyak na nalaman iyon ng mga kapatid nito.

Pagkuwa'y tumiim ang mga bagang niya. Ano ang malay niya kung doon nga talaga nagtuloy si Jessica? O di kaya ay sa bahay ng mga Cervantes.

Marahil ay sadya lang ikinaila sa kanya. Kung ang pagbabasehan ay ang bahagyang pagkaba-halang ipinakita ng pamilya nito. Kagabi ay sa villa siya naghapunan kasalo ang mga kapatid ni Jessica.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now