CHAPTER 14

4.4K 89 4
                                    

PAGOD na pagod siya nang ipasok niya sa
nakabukas na lumang gate na bakal ang sasakyan. Ni hindi niya napuna ang itim na SUV na nakaparada sa may gilid ng daan.
Ang gusto na lang niyang gawin ay matulog at
hanggang maaari ay huwag nang magising.
Ang buong akala niya'y magkakaroon na ng kalutasanang mga suliranin niya.

Madilim ang kabahayan maliban sa bahagyang
liwanag na nagmumula sa dining room. Gayon ma'y bukas ang pinto. His sorry excuse of a stepfather must have been drunk again.

Namatay ang tatay niya nang nasa high school
pa lang siya. Dalawang taon makalipas ay muling nag-asawa ang inay niya sa isang sugarol at manginginom na si Rosauro Magat.

At marahil kaya bukas ang pinto sa sala ay basta na lang bumulagta sa kung saan ang ama-amahan. Isinara niya ang pinto at hindi na nag-abalang buksan ang ilaw. Kabisado niya ang buong bahay kahit na nakapikit siya. He grew up in this old house. This house that he loved so much. Nang dahil sa bahay na ito ay nabawasan ang batik sa pagkatao nilang mag-ina.

Nang mamatay si Don Samuel Gamboa ay
ipinamana nito ang ancestral house ng mga Gamboa sa Nanay Matilde niya, ang anak ng matandang don sa dating katulong nito sa mansiyon. Ikinamangha iyon ng buong Sandoval, lalo na sa baryo nila. Dahil para na ring pagkilala iyon sa lola niya na sa kabila
ng isa lamang itong katulong ay pinaniniwalaan ng lahat na mas itinatangi ni Don Samuel kaysa sa tunay nitong asawa.

Pinanghihinayangan niyang babae ang naging
anak ng matandang don at ng lola niya--Richard's mother Matilde. Disin sana'y taglay niya ang apelyidong Gamboa. Ang sarili niyang ama ay isa ring pobreng mangingisda at namatay rin sa dagat.

Ang bahay ay pamana mo, Rick. Dahil sa bahay na ito ay huminto sa panlalait sa atin ang buong baryo Maypajo. Ingatan mo ang pamana mong ito mula sa lolo mong si Don Samuel Gamboa.

Paulit-ulit na binigkas ni Matilde ang mga salitang iyon sa kanya maliit pa man siyang bata. Nang maratay sa sakit na kanser si Matilde ay napilitan itong imungkahi sa kanya na ibenta nila ang kalahati ng lupa. Subalit mariin siyang tumanggi. He'd rather see her mother die. Tutal ay mamamatay rin naman
ito sa sakit na dumapo rito.

At ngayon ay nakatakdang mawala sa kanya
ang pamanang ito mula sa mga Gamboa. Ang
dalawang libong metro kuwadradong lupaing
kinatitirikan ng malaking bahay; ang mga antigo at mamahaling kasangkapan; ang grand piano na ayon sa lola niya noong nabubuhay pa ito ay pag-aari pa ng lola ni Don Samuel.

Mabigat man sa loob niya, naisanla niya nang
paunti-unti ang bahay at lupa upang makapagtapos siya ng Abogasya. Hindi siya makapapayag na mahinto sa pag-aaral. Ang makapagtapos at makilala bilang isang mahusay na abogado ay isang obsesyon sa kanya upang ipamukha sa tiyuhing si Hilarion Gamboa na hindi siya nito dapat hamakin.

Wala siyang natatandaang binati man lang siya nito sa tuwing nagkakasalubong sila sa bayan ng Sandoval. Sa halip ay iniismiran siya na tila siya timawa.

At hindi lang para sa pag-aaral ang kinailangan niya. Kailangan niyang makipagsabayan sa mayayamang kamag-aral sa unibersidad. Students who were taking up Law were usually affluent ones. Hindi niya gustong malaman ng mga ito ang tunay niyang kalagayan sa buhay.

Hindi niya kayang magtrabaho sa araw bilang
service crew ng alinmang fast-food chain at mag-aral sa gabi. Para sa kanya ay napakababang hanapbuhay niyon. Bukod pa sa makakasira iyon sa konsentrasyon niya sa pag-aaral. Bagaman napaniwala niya si Bernard Fortalejo na kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para lamang makapagpatuloy sa pag-aaral.

Naniwala ito sa kanya na hindi na nito inalam pa kung totoo ang sinasabi niya. Ang pag-amin niya sa ganoon kababang katayuan sa buhay ay sapat upang makuha niya ang loob nito.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu