CHAPTER 11

4K 106 18
                                    

"WE'RE married," anunsiyo ni Jessica sa pamilyanito nang walang gatol.

Trace was standing near the open window and
watched her with concealed amusement. The
women who were still in their nightgowns were
gaping at them like a fish out of the water.

He was so tired and he had been without sleep
for two nights. Inaasahan niya na wala pa silangdadatnang gising sa villa at itutulog na lang muna niya ang dalawa o tatlong oras na natitira sa magdamag. Subalit nang iparada niya ang motorsiklo sa harapan ng villa ay may nagbukas na kaagad ng pinto.

Narinig niyang binati ito ni Jessica ng: Buenas
dias, Lenny. May kasama ako.

Looking at the man's face, natitiyak ni Trace na
isa ito sa mga kapatid ni Jessica. There was a stern look in the man's eyes as he gazed at him. Pagkatapos ay walang salitang tumalikod ito at naririnig niyang ipinagising nito sa katulong ang mga kasambahay.

Nakita niyang dinampot nito ang telepono sa
isang bahagi ng malaking sala habang nag-uutos si Jessica sa isa pang katulong na igawa sila ng kape. Sa bawat kilos ni Lenny ay hindi nito minsan man inalis ang mga mata sa kanya. Hindi niya sinubukang iwasan man lang ang mga mata nito. But Trace remained remote and guarded.

"What are you talking about, Jessica?" A woman whose coloring was of Jessica's exact opposite and looked so ethereally beautiful in her early pregnant stage widened her eyes in shock. Her fragile hand reached out to touch the arm of a man beside her. Must be her husband.

"You heard me, Julianne darling. Os presento
a mi marido, Trace Lavigne. L-a-v-i-g-n-e." She deliberately spelled his name with bored
amusement. "I think he has French blood," she
added with a dry smile. Pagkatapos ay nilinga siya sa may tabi ng bintana. "Trace, ang pamilya ko."

Isa-isang ipinakilala sa kanya ni Jessica ang lahat.

"Nagbibiro ka ba?" manghang usal ni Lenny,
pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Mukha ba akong nagbibiro, Len? Where's
Aidan?"

"Jessica-"

Pinutol ni Jessica ang sasabihin ng kapatid.
"Judge Campomanes married us yesterday midmorning." Nilinga nito ang lahat. "Where's Uncle Marco and Attorney Cancho? Kailangang makita nila ang marriage contract."

"Tinawagan ko na. Paano kayo nagkakilala ng
lalaking ito, Jessica?" naguguluhang tanong ni Lenny, nang-uuri ang mga matang nakatuon kay Trace. "Paanong walang ni isa man sa amin ang nakakakilala sa kanya?"

So, these are the marshals, Trace thought
tiredly. He noticed Julianne's husband Benedict unconsciously touched his wife's stomach in a protective manner.

May sakit na nagdaan sa dibdib niya sa nakita.
Sana'y... Don't go there, Trace, he admonished
himself.

"Does it matter, Lenny?" sagot ni Jessica. "Ang
hinihiling sa testamento ng Papa ay ang magpakasal ako sa loob ng seventy-two hours. I just did. The island is safe and it's mine," she said in a defiant tone.

"Paano kayo nagkakilala ni Jess?" Halos
magkasabay na tanong nina Lenny at Julianne sa kanya.

"Tagasaan ka? Who are your folks?" patuloy ni
Julianne na ipinagsalikop ang pantulog. "How long have you known my sister?"

"Ano ang trabaho mo?" It came from Lenny.

Isa-isang dinaanan ng tingin ni Trace ang lahat. Ang lalaking ipinakilalang Lenny ay halos maglagos sa katawan niya ang mga titig.

"Taga Sta. Monica ako. Jessica and I met for
the first time at Joe's Videoke Bar the other night and got married the next morning."

He almost smiled at the horrifying gasps made
by the women. Si Julianne na mamula-mula ang balat ay tila tinakasan ng dugo ang mukha. Si Benedict na napaubong bigla ay hinapit ang asawa pasandal dito.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now