CHAPTER 7

4.1K 102 12
                                    

ILANG sandali pa'y nasa daan na sila. Banayad
ang pagpapatakbo ni Trace sa kabila ng ganoon na lang ang pagnanais niyang itodo ang bilis upang subukan ang makina niyon. Hindi niya gustong makarating sila kaagad sa kung saan man sila patungo.

"Hey!" sigaw ni Jessica nang bigla siyang
magpreno at sumubsob ang dibdib nito sa likod niya.

"Marunong ka ba talagang mag-drive?"

He chuckled. "Hindi ko gusto kapag nawawala
sa baywang ko ang mga kamay mo at kapag hindi ko nararamdaman sa likod ko ang dibdib mo. Kinakabahan akong wala ka na sa likod ko."

Hindi sumagot si Jessica pero nararamdaman
niya ang pagpupuyos nito. Nakapagtatakang
nadaragdagan bawat minuto ang kaaliwan niya sa babaeng ito. At aminin man niya o hindi, he liked the feeling. He hadn't felt this good for a very long time. He felt young again.

Gusto rin niya ang nararamdaman na nakadikit
ang dibdib nito sa likod niya; na nakayakap sa baywang niya ang mga braso nito. He felt sexual.

This woman could turn him on in a drop of a hat.

Inalis niya sandali ang mga mata sa madilim na
daan at nilingon ang pasahero sa likod niya.
"Where exactly are we going?"

"Just drive straight ahead," malagihay nitong
sagot. "Ituturo ko sa iyo ang lilikuan natin."

"Yes, ma'am."

WALA sa loob na inihilig ni Jessica ang mukha sa matipunong likod nito. It felt warm and safe.
Ang mga kamay niya na tensiyonado at magaang na nakayakap sa baywang nito ay unti-unting nag-relax.

Unwittingly, her fingers touched the hard plane of his stomach. Wala siyang maramdamang malambot na bahagi ng katawan ng lalaking ito.

His back was muscled. Nararamdaman niya
iyon. Tila ba wala na itong ginawa kundi ang mag- gym. Who was this man? Paanong may kakaiba siyang nararamdaman para dito? At bakit kung wariin ay kilala niya ito?

Ang mainit at amoy-alak na hininga nito na
humahaplos sa pisngi niya kapag lumilingon ito at nagsasalita ay nagdudulot ng kakaiba at masarap na kilabot sa kanya. At ni wala itong pabango, kahit cologne, Natural ang amoy-lalaki nito na amoy- pawis na at bahagyang sinamahan ng amoy ng sigarilyo na humawa rito mula sa bar.

Na lalo lang nagpapadagdag sa init na nararamdaman niya na unti-unting naglalakbay pababa sa tiyan niya.

Paano siyang nakaramdam ng ganoon sa isang
estranghero? This was as crazy as her plan to marry this man. Oh, well, at least, if it was of any consolation, she felt sexual for the man she was about to marry. Unlike Richard, all she felt for him was repulsion.

At kung siya ang masusunod, gusto niyang
manatiling nakahilig sa likod nito. They could travel down the dark road forever. Kalimutan ang problemang inilagay ng ama sa harap niya.

Naparami ang nainom niya. Natitiyak niya iyon
dahil nahihilo siya at hindi niya mapigil ang pagpikit ng mga mata. Pinagbigyan niya ang sarili.

Naramdaman ni Trace ang pagluwag ng pagkakakapit ni Jessica sa baywang niya.

Nilingon niya ito. "Hey, baby... malayo na ang tinatakbo natin. Saan ba talaga tayo patungo?"

Hindi ito sumagot. Tuluyan nang bumagsak ang isang kamay nito sa kandungan niya.

Shit.

Inihinto niya sa tabi ng daan ang motorsiklo.

Natitiyak niyang nakatulog ito-sa pagod, sa
tensiyon, higit sa lahat, sa nainom. Ilang shot ng tequila ang diniretso nito. At hindi biro ang tapang ng alak na iyon. Kanina paglabas ng bar ay halos kumakapit na ito sa bawat silyang dinadaanan nila.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now