CHAPTER 19

4.6K 101 13
                                    

ANG BAHAGYANG pagkilos ni Jessica ang
iglap na nagpagising kay Trace. Kumawala ito mula sa mga bisig niya. Kahit sa pagtulog ay hindi niya nagawang luwagan ang mahigpit na pagkakayakap niya rito. Wala siyang natatandaang may niyakap siyang babae sa pagtulog.

Masuyong pinagmasdan niya ito. And just
watching at her sleeping figure he felt himself
hardening again. At kung siya ang masusunod ay hindi niya gustong tumayo. But that wasn't an option.

A son that he didn't know about was in danger.
His face hardened. He promised to kill the man who kidnapped Rodge.

Isa-isa niyang dinampot ang mga kasuotang
nasa sahig at nagbihis. Dinampot niya ang diver's watch niya sa bedside table at isinuot. Sampung minuto bago mag-alas singko ang ibinabadya ng relo. Sapat na ang dalawang oras na tulog. Sa mga delikadong bahagi ng misyon niya ay mapalad nang maidlip siya.

Kinuha niya ang baril niya sa ilalim ng unan at
lumabas ng silid at maingat na tinungo ang likod-bahay. Siyam na taong kasanayan ang nagpangyari upang sa kabila ng matinding kapaguran ay marinig niya ang bahagyang ingay na iyon. Ni hindi siya nagbukas ng ilaw. Kagabi, or literally this morning, pinag-aralan niya ang kabuuan ng mansiyon.

Hawak ang baril ay hinawi niya ang kurtina sa
may bintana sa kusina. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baril nang makitang may tatlong lalaking lumitaw mula sa mga halamanan. Nang matapat sa ilaw sa may poste ang mukha ng nasa unahan ay napamura siya. Isinuksok niya ang baril sa likuran ng jeans niya at binuksan ang pinto sa kusina.

"Fuck!" he muttered.

"Why, good morning to you, too," came the
sarcastic reply.

Kunot ang noong sinuri niya ang anyo ni Brad
Santa de Leones. The surgeon had almost changed everything. Gayunma'y makikilala niya kahit sa dilim sa pamamagitan ng paraan nito ng pagkilos. The man was almost handsome had it not been for the harsh features that he wore as if he was born to it.

Some things never changed. Nevertheless, Trace liked the new face.

"Ano ang ginagawa mo rito? I thought you were in Texas recuperating in a safe house?"

Brad shrugged his broad shoulders. "It's been
three months. Besides, I believe they don't need my services anymore," he said with bitterness. "Pagkatapos ng hit sa California, Brad Santa de Leones doesn't exist anymore. He never did. They deleted all his records and files."

"You were given a new identity?"

Nagkibit ito ng mga balikat. "I have a new name, Gabriel Stone." He grimaced. "I don't like it a bit, and I hate safe houses so I decided to come home."

Wala siyang panahon upang isipin at analisahin ang nangyari dito nang i-ambush nito ang isang Iranian delegate na pinaghihinalaang terorista ng Agency. Naroon ito para tulungan siya. At aminin man niya o hindi, kailangan niya si Brad. Maliban sa pagiging agent/assassin, Brad was the best hacker in the world.

Hindi siya nagtatakang narito ito sa Pilipinas.
Marahil ay nauna pa itong umuwi sa kanya at hindi lang ipinapaalam ni Kurt. Pero wala siyang panahon upang ipakipag-usap dito iyon. Nasa panganib ang anak niya.

"You didn't have to come. I can handle this."

"Oh, sure. But I'm bored. I'm just glad Kurt didn't contact Ivan."

"I'll kill him if he did!" he barked. Hindi niya
gustong magulo pa ang buhay ni Ivan bagaman natitiyak niyang darating ito sa sandaling ipaalam ni Kurt ang pangyayari.

They were more than just buddies and comrades. They were brothers.

"Who's with you?" tanong niya, itinuon ang
pansin sa dalawang lalaking nanatiling nasa ilalim ng isang puno.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now