CHAPTER 21

4.6K 103 9
                                    

"HINDI ka marunong sumunod sa instruksiyon,
sugar," Trace said softly. Ikinakaila niyon ang takot at kabang nararamdaman. Kabang gusto nang magpasabog sa dibdib niya.

One false move and Jessica would die.

"Tita Jess..." usal ni Rodge nang maaninag ito.

"Oh, my god, Rodge, what have they done to
your face?" Jessica cried.

"Patayin mo ang bata, Magat!" muling utos ng
lalaking may hawak kay Jessica. "Huwag kang
tumangang inutil ka!"

"Sinaktan ninyo ang bata," ani Jessica sa
naniningkit na mga mata.

And to Trace's horror, before his very eyes, ang
kanang kamay nito na pumipigil sa kamay ng
lalaking may hawak ng patalim ay kumilos. Sa isang kisap-mata'y dumiin na tila bakal ang hintuturo nito sa palapulsuhan ng lalaki.
Her left hand raised and caught the man's neck.

Ang sigaw ng lalaki ay sandali lang.

Nabitiwan nito ang patalim, sa natataranta at nanlalabong isip ay sinikap nitong matanggal ang kamay ni Jessica sa pagkakabaon sa bahagi ng leeg nito.

llang sandali pa'y walang-buhay na bumagsak
ang lalaki sa paanan nito.

"Tumakbo ka at mamatay, Magat, o maupo ka
diyan at huwag kumilos nang masama!" babala nibJessica kay Rosauro.

Nanginginig ang mga tuhod na napaupo sa silya si Rosauro. Pagkatapos ay bumulalas ng iyak.

"Who... taught you that technique?" manghang
tanong ni Trace na hindi pa rin makakilos sa
kinatatayuan. Nang igalaw ni Jessica ang kamaynay gumuhit na sa isip niya ang patalim na tutusoknsa leeg nito. And he literally stopped breathing.

Jessica's lips curved in a small smile. "A Chinese
friend of my father's. And for your information,
sugar," she mimicked his tone, "I forgot to tell you I am a sixth dan." Humakbang ito patungo sa kinaroroonan ni Rodge.

Tinanggal ni Jessica ang tali sa kamay ng bata
at niyakap ito. The boy cried and hugged her.
"I will never forgive you, Jessica, for scaring the
daylights out of me!" he said angrily, then in still trembling legs walked towards his wife and son.

"M-mainit ka, Rodge. May lagnat ka!"

"I don't care," pahikbing sabi ng bata. "I didn't
cry, Tita Jess. Only now that you are here and I ambsafe."

"Oh, honey." Her throat constricted as she
hugged the boy. "Ano ang ginawa nila sa iyo?"
Banayad nitong dinama ang namamagang bahagi ng mukha ng bata na halos tumakip sa mata nito.

"I kicked the man in the balls, Tita Jess. He hit
me back." Then Rodge started to shake.

"Let's take him to the hospital, Trace!"
natatarantang sabi ni Jessica. Nang makitang
nakatali pa ang mga kamay niya ay tinakbo nito ang patalim sa sahig at pinakawalan siya.

"Thank you," he said and then pulled her against his chest and crushed his mouth against hers. "Don't ever do that again, Jess!" Binalingan niya ang nanginginig na anak at binuhat.

"A-are you... are you really Tracy?" mahinang
tanong ni Rodge nang nasa labas na sila ng bahay.

Si Jessica ay patakbo nang binalikan ang pinag-paradahan ng sasakyan nito kung saan naroroon si Perliza.

Tumango siya. "I told you I would come."

"Daddy?"

A lump formed in his throat he could hardly
speak. Daddy. Kahit sa panaginip niya'y hindi niyabinaasahang marinig ang salitang iyon na
ipinatutungkol sa kanya.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now