CHAPTER 17

4.6K 101 4
                                    

ANG AKMA niyang pagpihit sa seradura ng
pinto ay napigil. Nilingon niya si Trace. Nakatihaya na ito sa kama, nakaunan sa mga braso, at nakatitig sa kanya. Ni hindi nito pinagkaabalahang takpan ang sarili mula sa kumot na inihagis niya sa kama nang magbihis siya. Kanina pa marahil ito gising habang
nag-uusap sila ni Perliza.

"Sorry, nagising kita."

"Hindi na ako nakatulog uli. Sino ang tumawag?"

Nasa malapit sa pinto ang switch ng ilaw at
binuhay niya iyon. Then she wished she did not. Natambad sa kanya ang kabuuan nito. The sight of his body naked brought back images from an hour ago. At sa kabila ng masamang balitang tinanggap ay hindi niya maiwasan ang pag-iinit ng pakiramdam.

"My friend Liz," she said. "May... may nangyari
sa kanila."

Tumayo ito. "At patungo ka roon ngayon?"

"Yes, and-" Napigil ang susunod niyang
sasabihin nang matitigan nang husto si Trace sa liwanag. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. May kabang unti-unting nagkakapuwang sa dibdib niya. Mataman niya itong tinitigan. Ang telephone call ni Perliza... si Brenda... si Rodge.

Unti-unting lumalakas ang tambol sa dibdib niya. She hadn't connected it until now. She hadn't realized it. But perhaps she was wrong. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos nito. Dinampot nito ang mga damit sa sahig at isa-isang isinusuot.

"Ano ang ibinalita ng kaibigan mo at natutulala
ka nang ganyan?" he asked as he zipped his jeans. His eyes surveyed her shocked face.

Nanatili siyang nakatitig dito, speechless and
shocked. Then in a voice that was above whisper, she murmured, "Trace... Trace Lavigne."

Tracy honey. Oh, my god!

"What?" Nagsalubong ang mga kilay nito.

Napasandal sa pinto si Jessica. Halos naririnig
na niya ang tambol ng sariling dibdib at nakakabingi iyon. Ang tanging gagawin lang niya ay magsalita ng isang pangalan at kukumpirmahin niyon ang kanyang hinala.

"Does... does the name Brenda Gamboa ring a
bell, Trace?"

Ang pagsusuklay nito ng mga daliri sa buhok ay nahinto. Bigla'y nawalan ng ekspresyon ang mukha nito. "Paano mong nakilala si Brenda?"

"Oh." Nanlulumong isinandal niya ang ulo sa
dahon ng pinto. She groaned and closed her eyes for a moment. No wonder he looked familiar. No wonder he felt familiar. Why hadn't she realized it sooner? Paanong hindi niya kaagad naalala at nakilala ito?

"What is this all about, Jess?" he asked quietly.
A steely glint in the bluish-gray eyes.

Ibinalik niya ang paningin dito. Hindi alam ni Trace na may anak ito kay Brenda Gamboa. Pinaniwala ng mag-ama na ipina-abort ni Brenda ang bata noong tatlong buwan pa lang ito sa tiyan.

Ano ang sasabihin niya rito?

"Trace..." she said softly. "Liz just called..." Her
voice trailed off. Hindi niya alam kung paano
sasabihin ang katatanggap lang na balita. Ang balita ni Perliza at ang pagkatuklas na si Trace ang dating boyfriend ni Brenda ay tila nagpawala sa lakas niya.

"And who is Liz?"

"Naalala mo pa ba si Perliza? Yong pamangkin
ni Mr. Gamboa?"

May ilang sandaling nanatiling nakatitig sa kanya si Trace na tila may pilit hinahagilap sa isip.

"Natatandaan kong may laging bisitang classmate si Perliza. Were you that girl?"

Tumango siya. "N-ngayon ko rin lang natanto
na ikaw ang... naging boyfriend ni Brenda. I...I hadn't recognized you..."

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now