Kabanata 11

2.4K 100 18
                                    

May mga bagay na hindi ko lubos akalaing ganun ang kahihinatnan. Ang sigurado lang ako ay palaging may pagtigil tuwing umuulan.

Katulad ngayon, hindi ko alam kung bakit maaga akong pumunta ng school kahit na mamayang ala una pa ang klase ko

Maybe, I want to check personally if she is okay.

Pero nagulat ako nang mag-notif ang phone ko habang naka-upo sa cafeteria.

Reverence Villafuente
I hate you.

Nagulat ako sa naging message nito. Dahil wala naman akong matandaang naging kasalanan sa kaniya. Anong trip ng babaeng 'to?

Dahil sa ayokong sabayan ang ligalig nito ay hindi ako nag-abalang magtipa ng mensahe para sa kaniya. Alangan namang galitin ko pa.

Agad namang naantala ang katahimikan

Si Zoel na maingay. Sa tingin ko ay katatapos lang ng klase at early dismissal nila. Wala kaming klase sa kaniya ngayong araw. Isang major subject lang ang klase ko ngayong araw.

“Mamaya pa ang pasok niyo sabi ni Hail. Bakit nandito kana agad?” Bungad nito sa'kin. Agad din naman nitong inukupa ang upuan katabi ko.

“Boring sa bahay,” Maikling sagot ko dito. Agad naman itong napatango.

“Alam mo ba, Rue.. Ang ganda-ganda ni Professor Rev kanina. Lagi naman siyang maganda pero mas glowing siya ngayong araw.” Masayang kwento nito habang ako naman nag-hum lang. Well, aware naman ako na maganda ang masungit na 'yon. Kukulangin lang sa bait.

“Wala ka man lang bang side comment?” Intriga nito ako naman ay umiling lang at saktong tunog naman ng phone ko sa lamesa.

Agad naman nag-flash ang pangalan ng taong hindi ko inaasahan na mag-iiwan ng text para sa'kin. Akala ko ba ayaw niya nang ginugulo? May sakit ba sa utak ang Professor na 'to?

Miss Sungit: You have the guts to ignore my message huh? Then, okay. 🙄

Akmang dadamputin ni Zoel ang phone ko ng tampalin ko ang kamay nito.

Tinignan ko ito ng masama noong ngumiwi Ito sa'kin. Halatang guilty.

“Sino ba kasi 'yon?” Makulit na tanong nito habang inirapan ko lang ito.

Itinuloy ko ang pag-inom ng iced tea na ni-order ko kanina at club sandwich.

“Ay ang sungit! Nahahawa kana ba kay Miss Rev?” Tukso ni Zoel habang ako naman ay napa-isip din dahil nakukuha ko na ring mang-irap, hindi ko naman ginagawa 'yon.

“Mukha ka nang Miss Rev. Close kayo?” Asik ko dito habang ito ay natawa lang sa'kin. At mabilis ding pumunta sa counter at umorder. Mabilis naman niyang nakuha ang order niya kaya upo agad ito sa tabi ko.

“Hoy Constantine, close kami ni Miss Rev!” Angil nito bago tuluyang kumagat sa sandwich niya.

“Maiba tayo, bakit mo naging crush 'yon?” Tanong ko habang mabilis na inubos ang iced tea sa baso.

“Sis, hindi ka naman bulag at bingi. Bakit nagtatanong ka pa rin?” Walang kwentang imik nito. Bakit ba akong umasa na sasagot nang maayos ang baliw na 'to?

Lord, I am not your strongest soldier. Baka biglang bawian ng buhay si Zoel ngayong araw.

“Nagtatanong ako nang maayos Zoe!” Angil ko dito.

“Rue everyone is practically obsessed with her. She is the typical enigmatic beauty. More likely the untouchable gorgeous girl in town.  I cannot blame them. I am not Miss Reverence strongest soldier 'no. Kapag need niya ng bagong aso baka mag-apply pa ako.” Wika nito habang may malawak na ngiti.

LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon