Kabanata 13

2.1K 88 8
                                    

Naging maingay ang naging dinner namin sa manor.

And my cousin loves teasing me lalo na si Riel. Parang bobo. Ang ganda-ganda kong naka-upo malapit sa kabisera e.

Nandito halos ang magagandang Syquia at Constantine.

Syquia is my mom's family name.

Mas mayaman ang mga Syquia sa Constantine pero low-key lang. Ewan ko ba kung totoo ang chinika nila Ate Wayne, Kuya Geoff, Shane, Riel at Snow.

Si Ate Wayne ay kapatid ni Kuya Geoff at Snow. Si Shane and Riel naman ang magkapatid.

I am older than Snow. Two year ang age gap. While Ate Wayne is ahead ng 4 years at si Kuya Geoff ay three. Si Kuya Geoff ay engage with Ate Bea. Si Ate Wayne ay magpapakasal ata sa mga papel sa opisina niya. Si Snow is 19. Malaki ang age gap kaya sobrang spoiled.

At tamang dog-show lang ang nangyari sa'kin. Sobrang supportive ng magulang ko. Feeling ko talaga naging anak lang nila ako para i-dogshow.

Maaga din naman nag-paalam sina Ate Wayne kaso sabi ni Dad dito na daw sila magpahinga.

Today was good for me. It takes me back to childhood. Kasi sila lang naman ang mga kalaro ko.

Ate Louise is probably the big sister to all of us. Even though halos hindi nalalayo ang edad ni Ate Wayne. Ate Louise is the standard.

She gave each one of us unexpected gifts, greetings and spoil us with her free time. Kaya nga nahihirapan kami maging in a relationship because Ate Louise set the bar so high.

Ako naman nag-iintay sa isa d'yan na ang panget ka-bonding. Nagulat naman ako noong biglang nag-notif ang phone. Kapag angat ko ng phone para baaahin ay si Mom lang pala hindi ang anak niyang masungit.

Agad ko naman itong binasa at unti-unting sumilay ang ngiti sa'kin. Her trust on me is unimaginable. Kaya feeling ko kapag umakyat ako ng ligaw sa anak nila ay baka mas maging excited pa sila ni Papa. Pero alam ko namang pabiro lang yung mga pagpaparinig nila at pag-reto nila kay Rev.

Ang alam ko kasi ay pormal na nanliligaw yung masamang hangin ay co-professor niya pala.

Pero ano namang pakialam ko sa kaniya. Boto na sa'kin ang magulang. Soon, buong pamilya ng mga Villafuente.

From: Mom
Good Evening, sweetheart.
I will be in a business trip with your Papa. Gusto ko sana na bantayan mo si Revie. You know Revie, masyadong busy 'yon at nakakalimutan na kumain. So, please check on her from time to time. Thank you in advance, sweetie. Love you.

Mabilis naman ako nag-tipa ng reply ko dito. At noong nasiyahan ay saka ko ni-send.

To: Mom
You can count on me, Mom. I will just update you from time to time too. Alam niyo naman ang anak niyo ang sungit-sungit. I love you, Mom.

From: Mom
Thanks, sweetheart. Good night!

To: Mom
Always. Good night, Mom. Dream well and stay gorgeous!

***
Bago ako nahiga ay nag-post lang ako ng pictures namin nila ate Wayne.

Clingy talaga sila. At yung yakap at kiss nila kanina nakaka-inis. Sumasapaw sa kiss ni Reverence.

I put a caption na,  “Had a blast night with them🥳.”

As usual inulan ng comments at likes. Tapos yung ibang tao tinatanong if jowa ko daw ba si Ate Wayne at sila Hail pa kamo 'yon.

Hailey Costanza Domigo: @Ruelle Constantine Bebe mo ba 'yan?

Prielle Zoel Gomez: @Ruelle Constantine Sino 'yan?

Sa private account ako nag-post pero ewan ko ba bakit ang dami pa ring likes.

I stopped using all my social media accounts as the prodigy pianist.

Parang bobo naman ang mga 'to. Nakakahiya ang mga comment.

Hindi ko na sila sinagot ngunit nagulat ako noong may nag-notify ulit sa'kin.

Reverence reacted to your post.

Para tuloy akong tangang ngumingiti ngayon sa kama ko. Lord, hindi ko pa birthday pero ang wish ko po ay isang Reverence Deil Villafuente. Thank you in advance, Lord.

Mabilis lang din dumalaw ang antok sa'kin.

****

Kinabukasan ay maaga ako gumising para kumain ng agahan tapos nagbilin na lang sa mga kasama sa bahay na sabihin kina Ate Louise na ako ay umuwi na ng condo para pumasok sa school.

Mabilis naman akong nakarating ng school gamit ang Shelby. At parang tanga lang dahil ang major namin ay absent. Dahil nga CPA ang masungit na anak ni Richard Villafuente ay siya ang substitute na requested.

At wala ka may surprise quiz. At as usual maganda pa rin siya sa white blouse top, pencil skirt at black blazer at heels nito.

At kung score lang ang pag-uusapan ay ako ang highest. Pero ang quiz namin ay over 100.

Situational Analysis, Enumeration, Identification, Modified True or False ang quiz niya. Parang sana pinatay mo na lang kami ang motto namin. Kasi shit, nakakaiyak ang situational. Hindi ka pwede mang-hula. Hulaan mo nga pero mas mataas pa na tamaan ka ng kidlat bago mo tamaan 'yon.

Ilyich Ruelle Constantine:  49/100
Natapakang tao: 0

Ngayon ganun na muna ang motto ko. Humbling experience ang quiz niya.

Lord, pwede mo na palang kuhanin si Reverence Deil Villafuente. Hindi na nakakatuwa ang pakiki-bonding niya. Kidding aside.

Naubos utak ko. Si Hailey ay 48/100 write minus wrong sa True or False niya. Kung hindi edi sana pumasa kami ni Hailey.

Napuno ng reklamo hanggang Cafeteria kasi kahit higher year ay natikman ang humbling experience with Reverence Villafuente.

You will feel that you are no better when you are in her class. Tanggal lahat ng angas niyo kapag siya ang nagtuturo and I love and hate that.

I hate that it takes my pride being good and smart. But it honors me because she is intellectual enough to ruin my pride and reputation as one of the brightest.

Literal na tanggal ang angas.

Wala sa section namin ang nakapasa. Surprise nga e. May mangilan-ngilan na sinalba ng guardian angel nila from higher year. Sina Zoe naman ay pasado daw lahat sa drills. Edi sana ol'.

Pero at least wala akong tinatapakang tao. Bahala na si Batman sa susunod na lang ako aamin sa kaniya. Ngayon ay bad shot pa. Kaya hahanap-hanapin ko muna ang magandang timing para naman hindi ako mabuntunan ng kasungitan niya.

Pero kahit ganun ay, Hail Reverence Deil Villafuente. You are not just a glamour.
You are everything more than told to everybody when I started hearing them. When I started entertaining the idea that I might be attracted to you. And you are like madness I am so drown.

****

A/N:   Hi lovelies, I hope you are all doing great. I hope you are enjoying this story. Errors ahead. You take care, guys and Godspeed! x

LoverWhere stories live. Discover now