Kabanata 45

2.3K 89 16
                                    

“Hindi ka ba sasabay papuntang Batangas?” Tanong ni Red sa'kin habang nakasalampak ako sa sala at tinatapos ang tambak na paper works na kailangan next week.

“Nope. Marami lang itatanong sina Mommy at Ate. Busy din ako, Red. Ikaw na lang mag-sabi sa kanila.” Sagot ko naman dito habang binabaybay ang mga reports na kailangan ng pirma ko at approval.

“Sumunod ka, Yichi. Nandun si Lolo at Lola. Hahanapin ka nila. Kapag hindi ka sumunod ma-lleak yung video mo na muntik kana mag-drunk flight.” May pagbabantang ani nito.

“Hayop ka talaga, Reystiel Deinn.” Malutong na mura ko dito. Ewan ko ba, hanggang dito hindi ako manalo sa kampon ni Satanas.

“Sumunod ka na lang o magugulat ka mamaya na meron ka ng viral video.” Biro pa nito habang humahalakhak na pumunta ng kwarto. She is wearing a body con red dress. Light make up but wearing her classic red lips

Suot din nito ang aviator sunglasses niya. Black Lambo ang gagamitin nito. Since, pinahatid niya dito 'yan kanina. Pero madalas kapag gusto niya lang naka-lowkey it's either Raptor or Corvette.

She is wearing her Patek Philippe's classic collection.

Kung maarte siya sa kotse, mas maarte siya sa wrist watch.

She doesn't buy the luxurious shits. She usually go for those classics and with legacy.

Humalik muna ito sa'kin bago pinatakbo ang sasakyan paalis. Alam ko din na hindi biro ang banta niya kanina. Kaya wala akong nagawa kung hindi tapusin nang mabilis ang lahat ng mga ginagawa ko.

***
Nagulat naman ako habang nag-bbrowse ako ng phone ng biglang mag-notif sa'kin ang live ni Red.

rystldnn_t is live now

Mukhang nag-stop over ito.

“Hello, guys!” Panimulang bati nito habang malawak ang ngiti. She is still wearing her aviator sunglasses on top of her head when I entered her live. Kakasimula lang siguro.

Nagbabasa ito ng comments at sinasagot ang ilang katanungan.

“Are you bothered by cheating issues all over the internet?” Pagbasa nito sa comments na halos hindi ko na masabayan dahil mabilis itong dumugin.

“I am not even bothered in a slightest way. Especially, I am with someone who showers me constant assurance and love. And I think that's something that I should hold onto.” Saad naman nito.

“Kahit busy siya?” Basa naman nito sa pahabol na tanong ng mga tao. Bukod kasi sa mga tanong ay puro compliments lang ang sinasabi dito.

“Yes. And she lives with me. So, I don't think that's a problem.” she casually said while giving everyone a smirk.

Agad namang binaha ang comment section.

#RedElissailing

@rwn_9: gagi, panis 'yang showbiz. dito sa live broadcast sinabi na live in mga mare😩

@wylnn_: tangina, ready na ako mag-exam oh! mag-asawa vibes lang oh.

@klly_1: Kung sino man ang nagtanong non, pucha. Thank you!!!

Nagulat pa ako nang i-comment nung isa na nasa live din daw ako ni Red.

“Nandito nga si Ruelle?” Tanong naman nito na ngayon ay uminom sa iced coffee niya na hindi niya ginagalaw kanina. Agad namang may sumagot kaya ngumiti muna ito.

“Hi, Lovie! I miss you so much although it was just 2 hours since I left our home. Sama kana kasi!” She said cutely. As if millions of people on the internet are not watching. As if it was just us alone here in her live.

LoverWo Geschichten leben. Entdecke jetzt