Kabanata 17

2.1K 93 6
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako ay pinupukulan pa rin ng masamang tingin ng unica hija ni Retired General Villafuente.

Wala naman akong atraso sa kaniya. Hindi ko naman siya ginugulo simula kaninang umaga. Bakit ganun na lamang ang sama ng loob ng propesorang ito sa'kin?

May nakalimutan ba akong bayaran sa kaniya? Sapagkatatanda ko ay wala naman akong utang.

"Irish, sa tingin mo bakit ang sama ng tingin sa akin ni Professor Villafuente?" Tanong ko kay Irish na kababalik lang sa kaniyang upuan na katapat ko. Bale ayaw ni Irish umupo kasama ng Professor kaya sa table namin nila Hail naki-upo.

At tumunganga sa mukha niya ang mga ka-table namin dito. Mukha ba naman kasi siyang manika. Her gray bambi eyes. Ginagawa niyang advantage para palipatin ang kaklase kong kanina ay naka-upo sa tapat ko.

"Because she is upset with you?" Hindi siguradong sagot naman nito sa'kin na may naglalarong ngisi.

"Anong upset with me? Wala akong kasalanan sa kaniya huh. Ano galit pa rin ba siya kasi naabala ko ang pag-bebe time nila ni Professor Flores kahapon kasi hindi nila ako makita?" May inis kong wika. Habang aliw lang naman akong pinanood ni Irish na ngayon ay pinipigilang tumawa. Kainis.

"Sige, tumawa kana. Nahihiya ka pa e." May sarkasmong tudyo ko dito. And she definitely let out soft laughter. Napatingin naman sa gawi namin ang iba. Feeling ko magkakaroon pa ako ng issue dahil dito.

"They are going to gossip about us. How you are making the beast laugh like that." Nang-aasar na wika ni Irish sa'kin. Dahil totoo naman. Irish is definitely not the smiling type. Seryosong tao kasi siya. Ewan ko ba kung bakit all smiles siya kapag ako ang kasama.

"Wala naman akong ginagawa ah," Reklamo ko dito ito naman ay umiling lang at ngumiti sa akin.

"I honestly think that's why. You are not putting a front for me. You are definitely real." She smiled widely. At nagulat kami ng may tumunog na tila may humampas sa lamesa.

Napalingon naman kami sa table ng mga Professor.

"Professor Villafuente was just killing the poor bug," Professor Manuel said awkwardly. At yung ni-excuse ay parang wala lang kamong pakialam.

Grabe naman si Attorney sa poor bug na 'yon kung ganun nga.

"Before we close the topic, may I have a few words from Dr. Audenzia Irish Montreal." Tawag ng facilitator sa katabi na bigla namang sumeryoso.

Mabilis naman siyang pumunta sa una. Everyone looked at her with an adoration dancing in their eyes.

"I am pleased to be here as one of the featured speaker. And to even preach a business. I am a Montreal, we are known for or import and export businesses. Along with our banana plantation. I, myself have no idea how amazing it is to run a business at first. It will never be easy. It is like always choosing what and where to do things that are necessary. Business is how reality works. It is not convenient for everybody even kind. But learning business is knowing your core. And knowing why you are doing that business. That's the secret to be successful. I hope I impart a something today. Have a great day ahead, guys." She said while beaming a kind smile. Nagpalakpakan naman kami because she speaks with grace.

And I heard Lolo is planning to do business with Montreal's. I am not really sure. Kanilang business naman 'yon so labas ako.

"Bae," Tawag nito sa'kin na may kalakasan kaya napatingin ang iba sa gawi namin. At tumingin si Hail sa'kin nang mapanukso. Sige, ipilit niyo pa. Yung crush ko ayun at may bad blood pa kami. Ewan ko ba doon. Magagalit sa'kin tapos kapag iiwasan na mas magalit dahil hindi ko na kinikibo ay lalong nagagalit.

LoverOnde histórias criam vida. Descubra agora