Kabanata 28

2.2K 102 17
                                    

Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya. She is smiling from ear to ear na parang ibang tao ang kasama ko ngayon.

“Hey, Constantine!” Masiglang tawag nito at mukhang mas may energy kaysa kanina. Akala mo talaga siya ang nagpalipad ng eroplano kanina.

“Yes, Attorney?” Mabilis na sagot ko naman dahil ayaw na ayaw niya talagang nag-iintay.

“I love it here. How on earth did you found out huh?” Naka-taas ang kilay at naka-pamaywang na tanong nito. Habang balot sa makapal na coat dahil winter ngayon sa Korea.

“I know you like the back of my hand, Attorney.” Preskong sagot ko naman dito. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pag-irap nito. Iyon talaga ang love language niya.

“Constantine, bilis naa.” She whines while slightly pouting her lips. Ka-cute naman ni Attorney.

“I am super dedicated admirer from a far.” I replied while containing a giggle.

“Pinaganda mo lang yung stalker e.” Reklamo naman nito habang tumakbo na ulit sa snow na parang bata at hindi na ulit ako pinansin.

Nagulat naman ako noong bigla itong mahiga sa snow at tila gumagawa ng snow angel. Agad ko namang ni-videohan ang ka-cute na scenario na ito kasi alam kong hindi na mauulit.  Pinicturan ko din siya. Nagulat naman ako noong tumayo ito at hinila din ako pahiga kasama siya.

“Constantine, focus! Let's make a pretty nice snow angels.” Seryosong utos naman nito na akala mo talaga sobrang urgent nung utos niya. Makikita mo rin ang dedication nito tungkol sa snow angels. She loves winter. She loves snow.

Naririnig ko ang mahinang pag-tawa nito habang gumagawa ng snow angel. Habang ako ramdam ko ang malaking ngiti sa mukha ko. Sumasakit na nga ang panga ko sa pag-ngiti. And I love this better.

“Attorney, let's take a snap!” Aya ko dito at walang angal itong sumama at talagang ngumiti at nag-pose pa.

She decided to create a snow man habang ako naman ay ni-videohan siya. Ayaw niyang magpatulong dahil baka panget daw akong gumawa ng snow man.

Kaya hindi na din ako nagpumilit bagkos pinanood na lang siyang masayang nalilibang sa pagbuo ng snow man niya.

“Constantine, look!” Proud na turo nito sa snow man niya.

Agad naman akong napa-ngiti. Not because of how adorable the snowman. But how alluring the creator. I never imagined that seeing her soft side would melt my heart and soul this way. She is so precious. And I cannot imagine hurting this woman in any way possible. Parang ikakamatay ko kung sakaling masasaktan siya.

“That is so pretty, Attorney. May pangalan na ba?” Magaang tanong ko dito.

“That's Elle.” Sagot naman nito while flashing her toothy grin.

“Are you done playing with the snow?” I asked carefully habang tumango naman ito while skipping in the snow.

Nagulat naman ako noong umangkla ang braso nito sa braso ko at walang sabi-sabi na hinila ako paloob ng rest house namin.

Pinahanda ko na talaga ang lugar at mga gagamitin. Dahil hindi siya makapag-intay kanina ay mabilisan siyang nagpanlamig at naglaro na agad sa snow.

Ang unang plano ay tuturuan ko siyang mag-skii at snowboarding pero dahil ayaw niya, ay paglalaro na lang sa snow ang ni-settle namin. At mukhang fulfilled naman si Attorney na ngayon ay super good mood.

Mabilis naman naka-pasok sa rest house at mainit naman kaming sinalubong ng mga staff.

“Good Evening, Miss Constantine. Ready na po ang mga kwarto niyo sa taas. Pwede na po kayong magpalit bago ko ipahanda kay Chef ang dinner niyo po.” Magalang na ani ng babaeng attendant.

LoverWhere stories live. Discover now