Amanda - Ang Lalake Sa Larawan(Kristine Series 05)

3.3K 60 9
                                    


Unang pagkakataong nakita ni Krizelda ang Hacienda Kristine nang magbigay-galang ang pamilya ni Don Rafael Fortalejo sa labi ni Don Leon. Si Krizelda, na ang hilig ay kunan ng larawan ang magagandang tanawin ay agad nabighani sa ganda ng hacienda.

But all paled in comparison sa matipunong lalaki na kasakay sa stallion at di-sinasadya'y na-capture ng kamera niya!


Hindi nakahuma si Krizelda when the man came into view.

Para siyang nakakita ng isang greek god sa katauhan ng lalaking nakasuot lamang ng leather boots at kupasing maong na humahapit sa mga binti nito!

Wala itong pang-itaas kaya nalantad ang matipunong dibdib at mga braso!

Cielos, saang mundo nanggaling ang lalaking ito! sigaw ng isip niya habang mabilis na ipinokus dito ang kanyang kamera.

Isang klik at na-capture niya ang greek god na nang maramdaman ang kanyang presensiya ay galit na lumapit sa kinaroroonan niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi nakahuma nang makaharap ang lalaki na nagsasalubong ang mga kilay sa pagkakatingin sa hawak niyang kamera.

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu