Chapter Ten

1.4K 48 0
                                    


GABI na nang magbalik si Gabriel kasama ang kapatid na si Laura. Nagtagis ang mga bagang niya nang malamang wala na si Krizelda.

Nang malaman kay Guada na sinundo ito ni Ismael kasama si Nathaniel ay ninais niyang magtungo sa Villa Kristine, ngunit pinigil ng ina pagka't gabi na.

Halos hindi nakatulog si Gabriel at naging kainip-inip ang magdamag para sa kanya.

Kinabukasan, pumuputok pa lamang ang araw ay nagmamadali nang nagtungo sa Villa Kristine ang binata.

Alas-siyete y medya ng umaga nang dumating siya roon. Nasa resort na si Nathaniel at tanging si Margarita ang naabutan ni Gabriel sa villa.

"Hello, Gabriel, napaaga ka yata? Bakit tila nagmamadali ka?" nakangiting bati ni Margarita.

"Nasaan si Krizelda?" Hindi na niya nakuhang mag-magandang umaga sa babae.

Pinagtakhan ni Margarita ang pagmamadali sa tono ng binata. "Why, umalis na siya. Sinundo ni Ismael kahapon dahil sa pagkakaalam ko'y may dumating na bisita sa Villa Aurora at kinakailangan ang presensiya niya roon."

"Damn!" Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok.

"Bakit mo hinahanap si Krizelda?"

"Wala ako sa bahay nang umalis siya, Tiya Margarita. Kailangan ko siyang makausap!"

"Is there something wrong, Gabriel?" matamang tanong nito.

Hindi niya malaman kung paano ipaliliwanag ang lahat kay Margarita. Sa huli'y napagpasyahan niyang ipagtapat dito ang namagitan sa kanila ni Krizelda.

Mulagat ang mga mata at awang ang mga labing tila hindi makapaniwala ang babae sa narinig. Ngunit nang makabawi sa pagkabigla'y ngumiti ito nang buong tamis sa kanya.

"Gabriel, napakapilyo mo! Pati ba naman ang pinsan kong si Krizelda? Oh...!" Nasa mga mata ni Margarita ang panunukso.

"Hindi ako makapapayag na sa ganito lamang magtatapos ang lahat, Tiya Margarita. Susundan ko si Krizelda sa Hacienda Aurora at ibabalik ko siya sa Paso de Blas!"

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ni Margarita. Nagseryoso ito at tumitig sa binata. "Kung gayon ay make it fast, Gabriel. Nalaman ko kay Ismael na ipinagkasundo siya ni Tio Rafael na ipakasal sa anak ng isa nitong amigo. lyon ang dahilan kung bakit sinundo siya rito ni Ismael nang wala sa oras."

"That's unfair!" bulalas ng binata.

"Yes... it's unfair. Alam ko kung ano ang nararamdaman ng mina-manipulate ang buhay. At akala ko pa nama'y iba si Tio Rafael kay Señor Leon. Magkapatid nga sila... Pero kung mahal ka ni Krizelda..."

"Mahal niya ako, Tiya Margarita. Sinabi niya sa akin iyon nang gabing angkinin ko siya."

"Then go and get her. Ipangako mo lamang na pakamamahalin mo siya."

"Nangangakoako,Tiya Margarita."

Ngumiti ang babae at tinapik sa pisngi ang binata. "At kung kayo nga ni Krizelda, drop the 'tiya' at tawagin mo na rin lamang akong Margarita. Magkahalong pangamba at excitement ang nararamdaman ni Gabriel habang pabalik sa bahay ng mga Redoblado. Kinakailangang gumawa siya ng paraan bago mahuli ang lahat. Hindi siya makapapayag na maangkin ng iba si Krizelda. Siya lamang at tanging siya ang magmamay-ari sa puso ng dalaga.

Pagdating na pagdating ay pinuntahan kaagad niya sa silid si Guada. Kinausap at ipinagtapat ang namagitan sa kanila ni Krizelda.

Nagalit ang matandang babae at sinabing kung nalaman nito nang maaga'y hindi na sana pinayagang makaalis ang dalaga nang hindi nakakausap ni Gabriel.

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon