Chapter Three

1.5K 50 0
                                    


Nakaupo na sa kani-kanilang puwesto sina Marco at Emerald gayundin si Jewel nang bumaba sila ni Margarita. Si Bernard ay nakaupo sa kabisera, na natitiyak niyang upuan ni Leon noong nabubuhay pa.

Nang makalapit sila'y tumayo si Marco at ipinaghila sila ng upuan.

"Thank you," aniyang ngumiti gayundin kay Emerald na gumanti ng matamis na ngiti sa kanya.

"Natutuwa kaming pinayagan ka ni Señor Rafael na magbakasyon ng dalawang linggo sa Villa Kristine, Krizelda," ani Jewel matapos sulyapan si Bernard. Nangingislap ang mga mata nito sa tuwing pagtutuunan ng pansin ang kasintahan.

"I'm glad too, Jewel. Siyanga pala, nasaan si Nathaniel at ang kanyang asawa?" tanong niya nang mapagtantong ang dalawang nabanggit ang kanina pa hinahanap ng kanyang mga mata.

Sumagot si Marco. "Nagbalik sila sa hotel. May mga bisitang dapat na salubungin."

"Hindi na nakapagpaalam sa iyo ang dalawa dahil ayaw nilang maabala ang iyong pama- mahinga, Krizelda," ani Emerald.

Tumango siya, at nagsimulang kumain ang lahat.

Maagang nagpahinga ang mag-asawang Marco at Emerald matapos ang hapunan. Sa kalagayan ni Emerald ay bawal itong magpuyat.

Nasa veranda sila nang magpaalam sina Bernard at Jewel na mamamasyal. Maliwanag ang buwan at maaliwalas ang gabi.

Nangingiti si Margarita habang tinatanaw ang papalayong kabayong sinasakyan ng dalawa.

"Kung iisa-isahin kong ikuwento sa iyo ang mga pangyayari ay tiyak na kulang ang magdamag, Krizelda," anito nang balingan siya.

Inilapag niya ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesang salamin. Humandang makinig sa ikukuwento ni Margarita.

Matagal na niyang alam, sa kuwento ni Rafael, na halos lahat ng establisimiento sa bayan na iyon ay pag-aari ni Leon. Mayroon din itong five-star beach resort.

More than thirteen years ago ay natuklasang may limestone deposit sa silangang bahagi ng lupain, kaya mayroong pagawaan ng semento sa Maynila si Leon.

Ganoon ito kayaman! At ang kayamanang iyon ay nagmula sa minanang hacienda sa amang si Don Servando.

Sa kaalamang iyon ay lalo niyang hinangaan ang amang si Rafael.

Ang minana nitong hacienda, na pag-aari ni Donya Soledad ay hindi kasingyaman ng Hacienda Kristine ngunit nagawa iyong pagyamanin.

Si Rafael ang pinakamagaling na negos-yanteng nakilala niya. Nagsikap ito at hindi tumigil hanggang hindi nagmamay-ari ng malalaking establisimiento, resort at mga sasakyang tunay na mayayaman lamang ang magkakaroon.

Ngayon niya lang naisip na maaaring mayroong kompetisyon na namagitan kina Leon at Rafael, na naging dahilan din upang magkalayo ang magkapatid.

"Ngayong wala na si Señor Leon, kanino mapupunta ang villa at ang Hacienda Kristine?" naitanong niya.

"Entail inheritance ang Villa Kristine. Patay na si Romano kaya dapat sana'y kay Tio Rafael mapupunta ang villa... kung hindi nabunyag ang tunay na pagkatao ni Bernard."

Ikinuwento ni Margarita ang lahat-lahat sa kanya.

"Ang hacienda ay kay Nathaniel, ngunit habang nabubuhay ako'y mananatili sa aking pangalan."

"Sayang at hindi ko nakilala noong nabubuhay pa si Señor Leon."

"He was a great man. Ngunit ang ugali niya'y malayong-malayo kay Tio Rafael. Dominante si Senor Leon, ang bawat gustuhin niya'y nasusunod. Ang salita niya'y batas sa asyendang ito."

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanWhere stories live. Discover now