Chapter Nine

1.5K 46 0
                                    


NAKABALIK na mula sa pagbabakasyon ang piloto ni Don Rafael kaya nagkaroon ng pagkakataon sina Ismael at Krizelda na makapag- usap habang nasa himpapawid ang helicopter.

Nalaman ni Krizelda sa kapatid na malakas ang bulung-bulungan sa villa na sa malao't madali'y may idaraos na kasalan.

"Definitely not my wedding, Kriz. Wala pa akong balak magpatali sa isang demanding and jealous wife. You know how I value my freedom. At si Aura naman... well, alam nating pareho na galit siya sa mga lalaki sa hindi maipaliwanag na dahilan."

Bakas ang paghihirap ng kalooban nang mula sa labas ng helicopter ay ibaling ni Krizelda ang tingin sa kapatid. "So, it's going to be my wedding, is that what you're trying to imply, Ismael?" malungkot na tanong niya.

Naiiling na napabuntong-hininga ang binata. "How cruel! Kahit si Senor Rafael ay walang karapatang magdesisyon para sa sarili ko! I have my own life!" madamdaming wika niya kay Ismael.

"Calm down, Kriz. Siguro nama'y may paraan pa para makumbinsi mo ang papa."

"And you're going to help me, dear brother. Hindi ko kaya nang mag-isa ito..." Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ng dalaga. "Wala akong damdamin para kay Rex. Iba ang mahal ko..." at nag-unahan sa pagpatak nang maalala si Gabriel.

Umalis siya ng Paso de Blas na hindi man lamang nakausap ang binata pagkatapos ng namagitan sa kanila kagabi. Paano kung isipin nitong bale-wala sa kanya ang lahat at siya'y tulad din ng ibang mga babae na walang pagpapahalaga sa karangalan? Paano kung basta na lamang siya nitong kalimutan?

"Do I know him, Kriz?" Nagseryoso si Ismael. "Tagaroon ba siya sa Paso de Blas?"

Tumango siya nang taimtim. Pinahid ng daliri ang luhang naglandas sa pisngi.

"Well, he should have the guts na sundan ka sa Hacienda Aurora kung mahal ka rin ng lalaking iyon."

... kung mahal ka rin ng lalaking iyon.

Ano kaya ang sasabihin ni Ismael kapag nalamang naipagkaloob na niya ang sarili sa lalaking iyon nang hindi pa man lamang niya natitiyak kung talagang mahal din siya?

Sina Marco at Emerald ay na-in love sa isa't isa sa loob lamang ng napakaikling panahon. Ganoon din siya. Pero paano siya nakasisigurong love at hindi lust ang nararamdaman ni Gabriel para sa kanya?

Nang lumapag ang helicopter sa helipad na nasa loob ng hacienda at makababa sila ni Ismael, ang unang nais gawin ni Krizelda ay magkulong sa silid niya.

Ngunit papasok pa lamang ay sinalubong na sila ni Clara at sinabing naghihintay si Don Rafael sa lanai kasama si Señor Fidel.

Napipilitang sumunod kay Ismael ang dalaga na sinadyang magpahuli upang kahit papano'y maiparamdam sa ama na hindi siya interesadong makaharap ang bisita nito.

"Ah, amigo, narito na pala ang aking hija!"ani Don Rafael na tumayo nang lumapit sina Ismael at Krizelda.

Matamlay ang kilos na humalik ang dalaga sa pisngi ng ama. Upang huwag maging bastos ay nginitian niya si Señor Martin.

"¿Como esta, hija? Que bien verles otra vez," nakangiting bati rig matandang lalaking bilugan ang pangangatawan.

Kung hindi lamang sa ideyang imina-match siya ni Don Rafael sa anak nitong si Rex ay kagigiliwan niya ito. Masayahin ang bukas ng mukha ni Senor Martin at kababakasan ng sinseridad ang mga mata. Naisip tuloy niya: maunawaan kaya ng matanda kung sabihin niyang wala siyang kainte-interes na magpakasal sa anak nito?

"Gracias, Señor Martin." Idinismis muna niya ang isiping iyon at sinikap na magkunwaring nasisiyahan sa muling pagbisita nito sa Villa Aurora. "Me alegro de volver a verte." Binalingan niya ang ama. "Magpapahinga na muna ako, Papa. Nakakapagod ang wala sa oras na biyahe kahit sabihin pang by helicopter."

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanWhere stories live. Discover now