Chapter Six

1.4K 48 0
                                    


KASWAL ang tinging ipinukol sa kanya ng lalaking naabutan niyang abalang nakatunghay sa drawing board na nasa isang panig ng library May nakasuksok na HB pencil sa isang tainga nito.

Sa ibabaw ng drawing board ay nakalatag ang malapad na puting papel. Sa isang tabi ay ang mga nakarolyong papel, french curves, T-square at technical pens. May usok na nanggagaling sa sigarilyong nasa ash tray.

"Good evening, senorita—or is it good morning?" anito na hindi inaalis ang pagkakatutok ng mga mata sa ginagawa.

Saka lang nakahuma sa pagkabigla si Krizelda nang marinig ang tinig ni Gabriel. Hindi niya inaasahang makikita ito roon lalo pa sa dis-oras ng madaling araw.

"What are you doing here?" takang-takang tanong niya sa lalaki.

"Working " maikling sagot nito.

Itinulak siya ng mga paa upang lumapit kay Gabriel.

Napagtanto niyang gumagawa ito ng plano.

"Para saan 'yan?"

"May balak sina Tiya Margarita at Nathaniel na lagyan ng extension ang Kristine Hotel."

Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaki na naaaninagan ng ilaw na nasa loob ng drawing board.

Paminsan-minsang tumitiim ang pagkakatitig nito sa papel. Madalas ang pagtitiim ng mga bagang.

"What brought you here? You should be sleeping in this wee hour of the morning," ani Gabriel.

Nag-angat ito ng paningin, at nahuli siyang nakatitig sa mukha nito.

"H-hindi ako dalawin ng antok," aniyang ibig pagalitan ang sarili sa pag-i-stammer.

Ngumiti si Gabriel. And Lord, naro'n na naman ang kakaibang damdamin na naramdaman niya!

Bumaba ang mga mata nito sa mga labi ni Krizelda. Kasunod na natuon sa dibdib ng dalaga.

Nakita niya nang mapakunot-noo si Gabriel kasabay ang pagngangalit ng mga bagang.

Nang tingnan niya ang tinitingnan nito'y noon lang niya napansing nalantad ang kanyang cleavage sa suot na silk nightgown.

Nag-iinit ang magkabilang pisngi na dinaklot niya ang sabit ng robe at itinali.

Muli'y nakita niya ang amusement sa mga mata ni Gabriel nang umunat ito mula sa pagkakayuko.

"You never fail to seduce me, my lady. Kanina pa nang una tayong magkita sa kakahuyan." Inalis ni Gabriel ang lapis sa tainga at tuluyang iniwan ang ginagawa. Habang nagsasalita ay dahan- dahan itong lumalapit.

Dahan-dahan ding lumalayo si Krizelda.

"Alam mo bang ang mga mata mo ang pinakamaganda sa nakita ko? Ang mga matang 'yan na gustong makita ang lahat ngunit natatakot kapag nilalapitan."

"H-hindi kita maintindihan..."

"It's what I am seeing in your eyes right now, senorita..."

Ilang hakbang pa paurong at naramdaman ni Krizelda ang dingding sa kanyang likuran.

Itinukod ni Gabriel ang mga braso sa magkabila ng kanyang ulo at nakulong siya.

"Hindi kita makalimutan..." pabulong na sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya.

"Cielos! Let me go!" bulalas niya na tila hinihingal. Waring nanlambot ang mga tuhod niya sa pagkakalapit nilang iyon.

"Not until I give you this punishment..."

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanOnde histórias criam vida. Descubra agora