Chapter One

1.7K 44 0
                                    


NAKITA ni Krizelda kung gaano ka-popular si Don Leon Fortalejo. Halos buong bayan ng Paso de Blas ay nakiramay sa pagkamatay ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bayang iyon.

Isang araw makaraang dumating sa Hacienda Kristine ang pamilya ni Don Rafael ay inihatid si Don Leon sa huling hantungan, sa tabi ni Donya Kristine Esmeralda, sa family mausoleum na nasa loob mismo ng Hacienda Kristine.

Ang lahat ng pangyayari ay na-capture ng kamera ni Krizelda.

Ang iba't ibang reaksyong makikita sa mukha ng taong-bayan, sa malalapit na kaibigan at sa pamilya ni Don Leon.

Walang pinaligtas na detalye ang dalaga.

"Sana y magbakasyon kayo rito sa hacienda, Tio Rafael. Ikaw at ang buo mong pamilya," ani Margarita nang huling gabi ng pamilya ni Rafael sa Hacienda Kristine.

"Oo nga naman, Lolo Rafael," susog ni Emerald at ngumiti nang sulyapan si Krizelda. "Napakaikli ng panahon para makilala ko ang aming mga tiya "

"I would appreciate it kung hindi mo na ako tatawaging tiya, Emerald. Hindi nagkakalayo ang edad natin at naiilang ako." Nakangiting sabi niya.

"So, it's settled?" tanong muli ni Margarita. "Napakatagal na panahong hindi ka nagbalik sa hacienda, Tio Rafael, at kung hindi pa yumao ang Papa. Hindi mo ba mapagbibigyan ang aming paanyaya?"

Nagkibit ng balikat si Rafael at tumingin kay Aurora, na para bang hinihingi ang opinyon ng asawa.

"Ikaw ang magpapasya, Rafael. Sa akin ay okey lang dahil tiyak na marami kaming mapagkukwentuhan ni Margarita. It's been twenty eight years..." Nginitian nito ang babaeng gumanti rin ng ngiti.

"Buweno, titingnan ko, pero hindi ako nangangako, Margarita. Naghihintay ang mga appointments ko sa Maynila. Alam mo namang pareho lamang kami ni Leon. Business first, before pleasure."

"Okey sa akin ang idea na magbabakasyon tayo rito, Papa. Gusto kong malibot ang Hacienda Kristine at makunan ng larawan ang mga tanawing nakapaloob dito sagot ni Krizelda, na kapuna- punang sa tatlong magkakapatid ay siyang pinakainteresadong makita ang kabuuan ng hacienda.

Tahimik lamang na nakikinig si Ismael gayundin si Aura.

Nasa loob na ng guestroom si Krizelda at naghahanda sa kanilang pag-alis nang may kumatok. Napagbuksan niya si Emerald kasama ang asawa ni Nathaniel, si Jasmin.

"Sana'y makumbinsi mo si Señor Rafael na magbakasyon kayo sa Hacienda Kristine. Hindi man lamang tayo nagkaroon ng pagkakataong makilala nang lubusan ang isa't isa," ani Emerald na naupo sa silyang naroon.

"I'll see what I can do." Pinansin nito ang maumbok natiyan ni Emerald. "Ilang buwan na?" "Four months. Pagkatapos ng may tatlong taong paghihintay namin ni Marco."

"I heard, you're a novelist."

"And we heard, too, that you're a professional photographer, Krizelda," ani Jasmin na nanatiling nakatayo sa tabi ni Emerald. "Ang sabi ni Donya Aurora ay nanalo ka na raw sa isang international exhibit sa Madrid."

Nagkibit siya ng balikat at ngumiti. "Well, it's not an overnight success. Marami akong pinuntahang lugar para magkaroon ng malawak na kaalaman sa photography. UCLA, University of Hartford in Connecticut... to mention a few. Kung nasaan ang interes ko'y nandoon ako."

"Well, nagpapatunay lamang na nasa dugo ng mga Fortalejo ang pagiging artist, hindi ba, Krizelda?"

"I think so, too, Emerald."

Nagkatawanan sila.

Ang pag-uusap na yaon ay naputol nang sumilip sa pinto si Margarita.

"Hinihintay ka na nila sa ibaba, Krizelda. Aalis na kayo." Binalingan nito sina Jasmin at Emerald, partikular ang huli. "Darling, huwag kayong mag-alala. Napapayag ko na si Señor Rafael na babalik dito."

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanWhere stories live. Discover now