Chapter Four

1.4K 48 0
                                    


"WHAT are you doing here, lady?" tanong nito sa baritonong boses na nagpadagdag sa kaba ni Krizelda.

Siguro'y nalulon niya ang kanyang dila kaya hindi niya nagawang magsalita.

"Good Lord, are you going to stare at me forever?" nasa boses nito ang pagkairita.

Nang makabawi sa pagkabigla'y kalmanteng hinarap niya ang aroganteng lalaki. "I think i'm lost. Hindi ko malaman kung saan ang pabalik.sa Hacienda Kristine," sa pinakamahinahong paraan ay sinabi niya.

"Lost?" Sa hindi niya malamang kadahilanan ay nagtawa ito.

"Que bruto! Este chiste no tiene ninguna gracia!" sa inis ay napa-espanyol siya. At walang pakialam hindi man nito maintindihan ang sinasabi niya!

"I am not crude, lady And yes, this joke is not funny at all," amused na pag-uulit nito sa sinabi niya.

So, nakakaintindi pala ng espanyol ang brutong lalaki!

"Well, what do I have here? Isang Española na naligaw sa Paso de Blas!"

"Kung nang-iinis ka ay wala akong panahon, señor! i'm lost, at kung hindi ka naniniwala'y hindi kita pinipilit!"

Hinigit niya ang renda at tinangkang patakbuhin ang kabayo ngunit humarang ang lalaki sa daraanah niya.

"I'm not yet thru with you, lady!"

"Let me through! Get out of the way!" sigaw niyang nag-iinit ang mukha sa inis. Akala pa naman niya'y matutulungan siya ng lalaking ito! Iyon pala'y lalo lamang sisirain ang araw niya!

"Okey," kibit-balikat nito at nagbigay-daan sa kanya.

Hindi pa siya nakalalayo nang muling marinig ang tinig nito. Napilitan siyang lingunin ang lalaki.

"Con su permiso, senorita!"

'What?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Kung susundin mo ang direksyong iyan ay malalayo ka sa Hacienda Kristine. Kung gusto mong makabalik ng villa, my lady, take this way." Itinuro nito ang direksyong kasalungat ng tinutungo niya.

Nakita niyang sinsero ang lalaki sa pagtuturo sa kanya sa tamang daan kaya pinaniwalaan niya ito.

Nilisan niya ang lugar na iyon nang hindi man lamang ito pinasalamatan.

Nakangiting sumalubong si Margarita nang dumating siya sa villa.

Maski papano, kahit sinira ng lalaking iyon ang araw niya ay may naitulong din namang mabuti. Nakabalik siya sa villa sa oras na ipinangako kay Margarita.

"Well, natutuwa ako at nagbalik ka na. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Tio Rafael, kinukumusta niya ang kalagayan mo rito. Ang sabi ko'y mabuti naman.Tawagan mo raw siya pagdating na pagdating mo. Hindi ka niya makontak sa CP mo."

"Maraming salamat, Margarita. Nakalimutan ko sa kuwarto ang CP. Papanhik na muna ako."

"Get down as soon as you're refreshed.

Nakahanda na ang pananghalian."

"I will,"sagot niya at pumanhikna ng hagdanan.

Mabilis siyang nag-shower at nagpalit ng komportableng damit saka tinawagan ang ama sa CP nito.

Tiniyak niyang mabuti ang naging pagtanggap sa kanya ng mga tao sa Villa Kristine lalo na si Margarita, and that, she's having a good time.

"Tawagan mo ang iyong mama, hija. Alam mo naman 'yon, ilang araw ka lamang na wala sa Hacienda Aurora ay nag-aalala na." "Si, señor. Adios"

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora