Chapter Two

1.6K 43 0
                                    


"IPINATATAWAG ka ni Señor Rafael, Krizelda."

Pinatutuyo niya ang mga larawang katatapos i-develop nang pumasok ng studio ang mayordomang si Clara.

Inilapag ni Krizelda ang hawak na larawan at binalingan ang katiwalang kasama na ng pamilya ni Rafael bago pa ipanganak ang dalaga.

"Gaano katagal ka nang naninilbihan kay Señor Rafael, Clara?"

Napakunot ang noo ng matanda sa tanong niyang mula sa kung saan. "Bakit mo naitanong, hija?"

Nagkibit muna ng balikat si Krizelda. "I just want to know, that's all," aniya.

"Binata pa lamang ang iyong papa ay naninilbihan na ako bilang tagapag-asikaso niya. Nakatira pa siya noon kasama ang yumaong si Senor Leon sa Hacienda Kristine."

"Ganoon na katagal?"

"Ganoon na."

Nag-isip si Krizelda. "So, kilaia n'yo rin si Señor Leon?"

Tumango ang matanda.

"Tell me, Clara... bakit napakatagal na panahon bago nagbalik sa Hacienda Kristine ang Papa? Kung hindi pa yumao si Leon...? May alitan bang nangyari sa kanila twenty eight years ago?"

Nakita niyang natigilan si Clara at biglang hindi napalagay. Iniiwas nito ang paningin sa kanya na para bang may gustong itago.

"Wala akong nalalaman, Krizelda. Ang alam ko lamang ay naging abala sina Señor Leon at Señor Rafael sa pagpapalago ng kabuhayang minana nila kay Don Servando. Bukod doo'y wala na."

"Mahigit 45 minutes lamang ang layo ng Hacienda Aurora sa Paso de Blas kung gagamitin ang helicopter, Clara. Sa loob ba ng twenty eight years ay hindi man lamang sila nagkaroon kahit isang oras para dalawin ang isa't isa? Napaka-imposible!"

"Wala na akong masasabi maliban sa nasabi ko na, Krizelda. Ang mabuti pa'y si Senor Rafael na lamang ang tanungin mo. Hinihintay ka na nila sa library."

Magtatanong pa sana si Krizelda ngunit mabilis nang nakalabas ng studio si Clara.

Pinagtakhan niya ang ikinilos nito ngunit sa huli'y ipinagkibit-baiikat na lamang niya.

Nasa loob na ng library sina Aura at Ismael gayundin si Donya Aurora nang pumasok si Krizelda. Nakaupo sa likod ng malaking mesang narra si Don Rafael.

"Sientese, hija," ani Don Rafael na itinuro ang silyang kalapit ni Aura.

Naupo siya.

"Binigyan ko ng second thought ang invitacion ni Margarita na magbakasyon ang familia sa Villa Kristine. Marami akong dapat asikasuhin sa Maynila. Alam n'yo namang sa isang linggo ay grand opening ng Aurora Condominium. Kailangan dito ang full support ng familia."

"I'm coming with you, señor. Maaari kong ipagpaliban ang pagbabakasyon sa Villa Kristine," ani Ismael.

"Siguro nama'y matutuloy ang grand opening ng condominium kahit wala ako, hindi ba, señor?"

Napatingin ang lahat kay Krizelda. Panlulumo ang mababakas sa mukha ni Don Rafael at ni Donya Aurora. Kunot ang noo ni Aura. Nagkibit lamang ng balikat si Ismael.

"Look, nakatango kayo kay Margarita. Kung wala isa man sa atin ang darating, ano ang iisipin nila? Kamamatay lang ni Don Leon, kaya makakabawas sa pagdadalamhati nila kung darating tayo," paliwanag niya.

"Kung sabagay, may katwiran ka, hija," napatatangong sang-ayon ni Don Rafael.

Inaasahan na ni Krizelda na tututulan ni Aura ang kanyang sinabi.

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanWhere stories live. Discover now