Chapter Eight

1.4K 47 1
                                    


Dala ang kamera na nanaog siya ng kabahayan. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin nang buksan ang glass sliding door palabas sa pool area. Nilandas niya ang daan patungo sa orchard.

Matagal na niyang gustong kunan ng litrato ang pamumukadkad ng bulaklak. Tamang-tama ang pagkakataon pagka't siguradong sa dami ng orchids ni Guada ay may matitiyempuhan siyang isa.

Bilog ang buwan sa mabituing langit at nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi. Nakadagdag ang mga ilaw upang tanglawan ang daang tinatahak ng mga paa ni Krizelda.

Maingat at tahimik na siniyasat niya ang mga orchids. Hindi siya partikular sa mga bulaklak at napakatalas na lamang marahil ng memorya niya kung matatandaan ang mga pangalan ng bawat isa sa mga alaga ni Guada.

Nasa harap siya ng mga kumpol nang mapansin ang kulay puting orchid na marahang- marahang gumagalaw ang mga petals. Excited na inihanda niya ang kamerang nakasabit sa leeg at itinutok sa bulaklak. Inikot niya ang lente at siniguradong nakapokus doon. Kasabay ng pagbukadkad ng orchid ay ang magkasunod na pagsambulat ng liwanag mula sa flash ng kamera niya.

"Perfect!" ani Krizelda sa sarili at nasisiyahang umunat mula sa pagkakatalungkong posisyon.

"Yes, perfect, senorita," anang tinig mula sa likuran na nakapagpalingon sa dalaga.

Nagulat si Krizelda nang makita si Gabriel na nakatayo ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya.

"G-Gabriel..." madulas ang pangalan nito sa dila niya.

"Masyado na yata ang attachment mo sa kamera, Krizel. Hatinggabi na. You should be sleeping by now."

"H-hindi ako makatulog," sagot niyang madaling hinagod ng tingin ang binata. Hubad-baro ito at nalantad ang matitipunong dibdib.

Napabuntong-hininga si Krizelda.

Bakit kung kailan nais niya ng katahimikan ay saka naman susulpot si Gabriel?

''Hindi ka ba natatakot na lumabas dito?" mayamaya'y tanong nito.

"Ang sabi ng mama mo ay walang manga- ngahas na pumasok sa bakuran ng mga Redoblado."

"True. Dahil mapapahamak ang taong magtatangka ng masama sa pamilya ko."

Saglit niya itong sinulyapan. "Ikaw, ano ang ginagawa mo rito?"

"Hindi rin makatulog, katulad mo."

"Paano mo nalamang naririto ako?"

"Pabalik na ako sa bahay nang makita kong may kumislap sa bahaging ito. Curiousity brought me here, at siguro'y dahil na rin sa inaasahan kong makikita kita rito."

Napalunok siya sa intensity ng pagkakatitig nito. "The day after tomorrow ay babalik na ako sa hacienda. Binabalak kong imbitahin ang Tiya Guada sa Hacienda Aurora sa pagbabalik ko."

"Aren't you going to invite me?"

"Maaari kang sumama—"

Pinutol ni Gabriel ang sasabihin ni Krizelda nang ilagay ang daliri sa mga labi niya. "Ihahatid kita sa Hacienda Aurora," anito na hindi inaasahang maririnig ng dalaga.

"Walang dahilan para—"

"Titiyakin ko sa gabing ito na magkakaroon ng dahilan."

Bago pa nakakilos si Krizelda ay nakakulong na siya sa mga bisig ni Gabriel. Ang mga labi nito sa mga labi niya.

"Gabriel," bulong niya, letting her eyes close. "Not here. Not now."

"When?" Kinagat-kagat nito ang earlobe niya. "We have to be discreet. No one must know."

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanWhere stories live. Discover now