Chapter Twelve - Finale

2.4K 65 7
                                    


"KRIZELDA?!"

"Hello, Gabriel..." luhaang bati ng dalaga. Napabilis ang kilos ni Gabriel at niyakap ng mahigpit si Krizelda. Natatawa namang naupo si Bernard sa tabi ni Mitchel.

"P-paano kang— bakit ka—?" Hindi malaman ng binata kung ano ang sasabihin nang kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Natatawang pinahid niya ang luhang namalisbis sa pisngi. "Sinabi mong hindi ka babalik sa Paso de Blas nang hindi ako kasama, hindi ba?"

Walang maapuhap sabihing siniil na lamang ni Gabriel ng halik ang dalaga. Nananabik, nang- aangkin. Ngayong nasa piling na nila ang isa't isa'y wala nang makahahadlang pa.

Nang umangat sa lupa ang helicopter ay saka lamang binitiwan ni Gabriel si Krizelda.

"I-I thought I would die of suffocation!" aniyang halos habulin ang paghinga.

Natawa si Gabriel at pinisil ang ilong niya. Parang batang sumiksik siya sa tabi nito at iniyakap sa baywang ang mga braso.

"Te quiero, Krizelda. Mahal na mahal kita."

"And I love you, too, Gabriel. Kung hindi ay wala ako rito ngayon."

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. "Itatakwil ka ng iyong papa..." may bahagyang pag-aalala sa tinig ng binata.

"Who cares? Mawala na sa akin ang kayamanan sa mundo basta kasama kita."

"Ganoon mo ako kamahal?"

"Hindi ka pa ba naniniwala, Gabriel?"

Kinabig siya ng binata at sumulyap ito sa labas ng helicopter. Sa ibaba ay makikita ang papaliit na villa.

"Look, si Aura!" ani Krizelda at itinuro ang kapatid na makikitang nakatingalang inihahatid ng tanaw ang helicopter mula sa veranda.

Tumango-tango si Gabriel at hinigpitan ang yakap sa kanya.

"You must thank her. Kung hindi dahil sa kanya'y hindi ako makalalabas ng villa."

"Ipaalala mo sa akin kapag muli kaming nagkita."

WALA na sa paningin ni Aura ang helicopter ay naroon pa rin siya sa veranda at nakatanaw.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng ginawa niyang pagtulong sa kapatid. Ang alam lang niya'y magiging maligaya si Krizelda sa piling ng lalaking mahal nito.

For sure, mananagot siya kay Don Rafael sa ginawa niyang iyon. Pero nakahanda siyang harapin ito. Na dapat sana'y noon pa niya ginawa, nang bayaran nito ang kanyang nobyo, na nasilaw sa kinang ng salapi ni Don Rafael Fortalejo.

Inihanda ni Aura ang sarili nang marinig ang mga yabag na palapit sa kinaroroonan niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa barandilya.

Pagkatapos niyang tulungan ang nakababatang si Krizelda'y alam niyang mananagot siya sa kanilang amang si Don Rafael. Tutol ang don na si Gabriel ang makatuluyan ni Krizelda pagka't naipagkasundo na nito ang dalaga kay Rex na anak ni Señor Fidel.

"Aura! Aura!" Malakas na tawag ni Don Rafael sa pangalan niya at mahihigingan ang galit sa tinig nito.

Kampanteng hinintay niyang makalapit ang mga ito.

I'm here, Papa! Sa veranda," tugon niya nang lumampas sa tapat niya ang mga yabag.

Marahas ang ginawang pagbukas ni Don Rafael sa glass sliding door na patungo sa veranda.

Bumaling si Aura at nakita ang ama kasunod sina Donya Aurora at Ismael.

"Nasaan si Krizelda?" tanong ni Don Rafael na matiim ang pagkakatitig sa dalaga.

Kristine Series 05: Ang Lalake Sa LarawanWhere stories live. Discover now