CHAPTER 14

2.1K 36 0
                                    

Weeks moves faster and the second semester ended quickly. It's so much satisfying cause we finished our tasks and we won't take a vacation with an INC works. It's so worth it to go somewhere. Umuwi na din ako ng bahay para magpaalam kay mommy at daddy na magbabakasyon kami sa Batangas. I suggested that place since hindi masiyadong malayo ang biyahe. Malapit lang din sa may Tanay, Rizal sa kina Lola. Alam ko din kasing may mga magaganda din doong beaches.

Ayaw nga sanang sumama ni Razelle pero pinilit namin. It's our time to breathe and enjoy this vacation. Next year ay second year na kami at mas nakaka stress na. Sabi nga ni Ariel ay mag co commute na lang kami pero dahil ayoko sa siksikan ay in-offer ko ng magpapahatid na lang kami sa driver namin para na din isang ride na lang. Kung magco commute pa kasi ay tatlo pa atang sakay para makaabot ng Mabini, Batangas.

I wore a two black two piece inside of my flowy strapless yellow dress. I put some wayfarers dahil mainit ang panahon. Inabot ng 3 hours lang ang aming biyahe since one ride lang kami. Siguro kung nag commute pa ay baka inabot kami ng gabi sa daan.

Nagpabook kami ng dalawang kuwarto sa isang cheap and most affordable hotel and room malapit sa beach. Kahit daw kasi nasa bakasyon kami ay kailangan pa rin namin magtipid kasi estudyante pa lang kaming lahat. Pumayag na lang ako kahit gusto ko sa isang hotel na may maganda at komportableng view. Ayoko naman ng mag arte pa.

Sa isang maliit na kuwarto si Ariel. Siya kasi nag suggest na iba daw ang kuwarto niya saaming apat. Ayoko din namang tumabi sakaniya kahit boyfriend ko. Pero madali lang saakin tumabi sa isang lalaki na hindi ko gaanong kilala at hindi ko pa boyfriend. Just fantastic huh.

Mabuti na lang malaki ang isang kuwarto at may dalawang medyo malaking kama. There's nothing much special in the room. May isang comfort room and konting gamit. Agad na sumalampak sa kabilang kama si Lea at Trina. Nagkatinginan kami ni Razelle at ngumiti ako.

Wala na kaming magagawa na kami ang magtatabi while staying in this room. She smiled a little and started removing her shoes while sitting on the bed. Naupo na rin ako sa kabilang banda habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kuwarto.

"You don't like here, do you?" She started a conversation. Tumingin ako sa kaniya at tipid na ngumiti.

"Well I wanted to stay in some expensive hotel but like Ariel said, we have to save money and skimp." Seryoso lang ang kaniyang mukha at napailing sa sinabi ko.

"Tsk. Rich kid thing"

"Sorry" napayuko ako at nahiya bigla. Baka isipin niyang napakaarte ko talaga.

"It's fine. I'm not shocked at all" she shrugged her shoulders.

We've decided to went on the beach to swim first before we proceed and join some activities here in island. Hinubad ko na ang suot kong dress at kinuha ang long cardigan ko para gawing cover papuntang beach. Naka two piece na din silang tatlo. Razelle is damn sexy and I never thought she'd wear a bikini. Probably I just underestimated her will, she can slay things even with her poker face.

Napasipol si Ariel nang makita kaming apat na papalapit na sa kaniya. Nasa may entrance ng beach siya naghihintay. Buti na lang nakabayad na siya eh wala pa naman akong dalang pera dito. Inakbayan na niya ako at nagsimula ng maglakad sa buhanginan. Nasa likuran namin ang tatlo and as usual boses lang ni Lea at Trina ang naririnig ko. Lumapit muna kami sa mga booth na nagtitinda ng pagkain. Mahal kasi kapag sa restaurant kami pumunta.

Si ariel na ang nag order at bumili. Naghanap na lang kami ng mauupuan. Medyo mataas na ang sikat ng araw. Pagkaupo namin ay nakatanaw lang ako sa mga nagsasayahang tao sa dagat. It's summer and vacation kaya mabenta talaga mga beach and resort ngayon.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now