CHAPTER 23

2K 29 0
                                    


"Are you really leaving? How about me?" Magulo ang buhok ni cherry at nakasuot pa ng pajama habang pinapanood ako na nag aayos ng gamit. Hindi na ako nag abala pang magtagal sa pag aayos ng sarili sa harap ng salamin. I just wore a bodycon sleeveless dress and a stilletos. Konti lang ang damit na dinala ko na aabot lang ng three days.

"I'll buy you groceries first"

"Pano kung magka problem dito?'

"Nasa may sala yung calling card ni kuya Reynold. Just call him incase of emergency"

"Ayoko. Aasarin lang ako nun. He seems tanga" akala ko antok lang siya kagabi pero mukhang hindi niya talaga gusto ang awrahan ng pinsan ko. Hanggang ngayon ayaw niya pa rin makipag mabutihan.

"Ikaw bahala. Mag go grocery muna ako" tiningnan niya ako gamit ang mala pusa niyang mga mata at pumipikit pikit pa siya na parang napaka inosenteng bata.

"Are you really have to do this?" Tiningnan ko lang siya at nag aalangan man ay tumango pa rin ako. Actually I don't really have to do this but I still chose to agree with him. I don't know what's running through my mind last night. I'm making some excuses just to convince myself that I'm not interested into this.

Nagpaalam ako sakaniya at bitbit ko na ang maleta. Balak ko sanang iwan muna sa may guard sa baba at balikan pagkatapos ko mag grocery. Pero nagulat ako nang pagkarating ko ng ground floor ay naroon na kaagad naghihintay sa may lobby si Alessandro. Wala ba siyang ginagawa o pinagkakaabalahan sa buhay at sobrang aga niya? Talagang parang ito lang ang pakay niya dito.

Sinalubong niya ako at kinuha mula sa kamay ko ang bitbit kong bag. Para akong napaso nang bahagyang magdikit ang mga kamay namin. Walang kahirap hirap niya iyong binitbit at inilagay sa may backseat. Napansin ko rin na bago na naman ang kaniyang kotse.

Pinagmasdan ko ang kaniyang itsura ngayon. He's wearing a navy blue polo and black pants with aviators on. Nanunuot pa sa ilong ko ang amoy ng pabango niya. Nakakaadik ang bango. Nagpaalam ako sakaniya na pupunta muna ng grocery nang makitang pinagbuksan niya na ako sa passenger seat. Bahagyang kumunot ang noo niya.

"For what?"

"Kay cherry. Di yun marunong magluto" he slightly nodded and before I even turned my back to look for a taxi—

"Get inside. I'll drive you to the mall"

"Huwag na. Sayang ang gas" he just gave me that are-you-serious look

"Just get inside" oh shit. Hindi pa nga ako ready huminga sa loob ng kotse kasama siya. Akala ko mamaya pa kami, masiyado niya naman inagahan. Hindi naman halata na masiyado siyang excited na makita ako. Tsk. Naging mabilis lang ang pagmamaneho niya dahil may malapit lamang na mall dito.

Pumasok ako kaagad sa may grocery nang makababa ako ng sasakyan niya at hindi ko inasahan na susunod pa siya saakin. Kumuha ako ng cart at pinaglalagay yung alam kong importante sa condo at yung mga gagamitin din ni cherry. Pati mga ulam na ready to eat na para hindi na siya magluto. Baka sunugin niya pa ang buong condo eh nakakuha pa kami ng bayarin.

Binilhan ko siya ng sabon at mga skin care niya. Dahil kuripot ako ay yung mga cheap lang kinuha ko. Masasanay na lang ang kutis niya sa mga cheap products. Tahimik lang si Alessandro na sumusunod saakin at pinanonood ang ginagawa ko.

Pagdating sa counter ay ako ang nakapila pero si Alessandro ang tinitingnan at tinatanong ng cashier. Hinayaan ko na lang at bago ko pa man makuha ang pera sa wallet ko matapos sabihin ang amount ay naibigay na ni Alessandro ang card niya sa cashier. Gusto kong umangal pero alam kong di rin naman siya magpapatalo pagdating sa mga ganito.

Ngiting ngiti pa ang babaeng cashier at panay kausap sa lalaking kasama ko kahit di naman siya kinakausap. Siguro kung wala ako rito kanina pa sila diyan nag— nevermind.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now