CHAPTER 30

2K 31 0
                                    


He still left. Sabi niya ay pinauwi siya ng mama niya dahil nagkaroon ng emergency sa kanilang bahay. Kahit na nakakalungkot ay inintindi ko na lang. I have no idea when will he go back here, I didn't ask him. He didn't tell me though about what are we. I don't know what are we right now. After that hug, he just waved goodbye to me cause it was almost four in the afternoon, his flight schedule. I was left there alone, sad and happy. Akala ko hindi na nga niya ako papansinin.

Days turned to weeks and I'm pretty sure he's still in Manila. I don't have his number. I don't know how to contact him to shamelessly ask what is he doing or when will he pay a visit here again. Nag-o overthink na ako, baka napilitan lang siya nun na yakapin ako para hindi ako makaladkad palabas ng guwardiya sa airport.

Awa lang siguro iyong naramdaman niya saakin. Sino bang hindi maaawa sa desperadang katulad ko? Nag effort pa na pumunta ng airport kahit may business na pinapatakbo para lang maghabol. Absurd.

Sa linggo ding lumipas ay madalas nga ang pagbisita ni Ariel sa café ko at nang ma diskubre niya pa ang Magnifica at malaman na pumupunta din ako dun ay napadalas din ito doon tuwing gabi. I don't feel anything towards him but since I'm just being nice to him as my customer, I always entertained him and talk with him every day, avoiding the topic of the past.

He never mentioned it anyway. Seems like we both don't want to talk about it. Hindi ako tanga o manhid, I know these are all not normal anymore. Hindi na lang basta business ko ang pakay dito ni Ariel. Lagi siyang nagte text at tumatawag kahit nakauwi na ako.

While I'm busy preparing customer's orders ay pumasok na naman ng café si Ariel. Hindi na ako nagulat. This isn't new to me. Siguro mas magtataka pa ako kung hindi siya pumunta ngayon. Wala ata siyang kinaka busy-han nitong mga nagdaang araw.

Hindi ko pa rin siya natatanong hanggang ngayon kung kamusta na sila ni Razelle. Nag iingat lang ako, baka kung ano isipin niya. Baka akalain niyang may pakialam ako sa status ng love life niya. I'm so damn fine here.

"My usual coffee please" tumango lang ako at pinaghanda ang madalas niyang iorder tuwing pumupunta dito.

Nang mailapag ko ang kaniyang order ay iniwan ko na siya sa kaniyang mesa. Tumingin pa siya saakin as if hoping na kakausapin ko pa siya. I'm quite busy today. Wala ngayon kina Athena dahil may importante daw na pinuntahan kaya si Cherry lang ang katulong ko dito. Abala kami masiyado sa sunod sunod na customer na dumarating.

"May guwapo" siniko ako ni cherry at nginuso ang entrance door na tumunog ang wind chimes. Sign na may pumasok ng café.

Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko sina Archer at Royce na pumasok. Nakangiti silang pareho. Patingin tingin ako sa kanilang likuran umaasang may papasok pa na madalas nilang kasama ngunit wala ng sumunod pa. Walang Alessandro na nagpakita

"Looking for someone?" Nakangising tanong ni Archer. Pilit akong ngumiti at umiling.

"Ano sainyo?" I asked casually.

"Two black coffee, no sugar." Tsk. Talagang sumadya pa silang pumunta ng café para sa plain coffee.

Si Cherry ang nagtimpla at ako naman ang nagsukli sa malaking pera na ibinayad nila. It's their usual bill of money whenever they buy something here. Rich kid nga naman.

"Si Alessandro?" Walang hiya hiya kong tanong sakanila. Nagtinginan muna silang dalawa na para bang may pinag uusapan gamit ang mga mata.

"Ayun may girlfriend na." Nagpipigil ng tawa na sagot ni Archer. Nang makuha nila yung kape ay sabay silang sumimsim dito at nagpaalam na saakin. Inirapan ko silang pareho at pangisi ngisi naman ang mga ito habang naglalakad palabas ng café

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now