CHAPTER 27

2.2K 26 2
                                    

Warning!!!

Kahit na nakasuot ako ng dress ay nagtampisaw na ako sa tubig. Sayang naman kasi kung aalis lang naman kami tapos hindi ko man lang mata try ang lamig ng tubig dito. Si Miley lang ang kasama ko sa may mababaw na parte. Lahat ata sila marunong magsilangoy, ako lang ang hindi. Buti na lang may suot akong cycling kaya kahit naaangat ng tubig ang suot kong dress ay ayos lang.

Miley already warned me to stop walking backward but I didn't listen to her. Masiyado akong naaaliw sa ganda ng tubig kahit hindi ako marunong lumangoy. Besides mababaw lang naman ata itong naaapakan ko. Until I heard Miley scream

"Ate. Malalim na diyan!" Taranta ang boses ni Miley at bago ko pa man mabawi ang paa ko sa pagkakaapak sa isang parang butas sa ilalim ng tubig ay lumubog na ako. Kinabahan ako ng sobra sobra nang maramdaman ko ang buo kong katawan na kaagad nilamon ng tubig dahil sa hindi ako marunong kung paano lumangoy. I tried to shout but there's no voice coming out from my mouth.

Labis ang pagpapasalamat ko nang ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay may braso kaagad ang pumulupot saakin para iangat ako. I breathed deeply and chase my own breathe while coughing. Alessandro hugged me then carry me to the shallow part of water and guided me to sit on the rock. He saved me in a split second.

Lalapitan sana kami ng mga kasamahan niya pero sinenyasan niya ito na huwag ng magsilapit. Though they all look so worried ay hindi na ito lumapit samin like Alessandro said.

Kinagat ko ang nanginginig kong labi sa takot ko pa rin sa nangyari kanina. Akala ko mamamatay na ako. Kaya takot na takot ako sa tubig kasi ganun ang feeling kapag nalulunod. It's so hard to save myself especially I don't know how to swim.

Pinunasan ko ang munting butil ng luha na tumakas sa aking mga mata. Kapag takot talaga ako ay hindi ko mapigilang hindi maiyak. Sa katangahan ko ba naman kasi. Hindi maalis alis ang tingin saakin ni Alessandro pati sa labi ko na hindi ko tinitigilan sa pagkagat.

Hanggang sa hinawakan niya ako sa batok at kinabig ako palapit sakaniya. I thought he's going to hug me again but I felt how my heart stopped for a moment when he covered my lips with his lips. It sent shivers down my spine and the nervous I am feeling today is far from what I've felt a moment ago. He just broke my another rule I set for the both of us. He kissed me and I am not doing anything to stop and push him.

Kung hindi pa kami nakarinig ng mga hiyawan at pang aasar galing sa mga kaibigan niya ay hindi pa siya tumigil. Is this real? I mean what's the meaning of that kiss?

"Are you feeling better now?" Nag iwas ako ng tingin sa kaniya. Did he just kiss me to make me feel better?

"O-oo" ako pa yung nahihiya samin.

"You want to take a rest?"

Tumango ako at inalalayan niya akong tumayo. Nang mag aya na siyang umalis na ay kaagad na nagsunuran ang mga kaibigan niya. Nagparinig naman si Dylan ng pagdiriwang niya ng sa wakas ay makakatulog na siya. Hindi naman iyon pinalampas nina Royce para asarin siya.

Sa biyahe ay nakayakap lang ako kay Alessandro dahil bukod sa nilalamig na ako ay nakakapanghina din. Baka bigla na lang akong mahulog dito. Mabilis lang ang naging biyahe dahil sa may Estrella village lang naman. May malaking Villa doon na pag aari na naman ni Alessandro. Isa isang nagsiparadahan ng kaniya kaniyang sasakyan nang makarating sa parking lot ng Villa.

Sa labas pa lang ay manghang mangha na ako sa laki at ganda ng bahay na ito. There's a fountain in the garden that gives life to the house. Lalo pa nang makapasok kami.  It's a wide space living room with a bright and big chandelier at the center of the ceiling. There's a big couches that looks so comfy to hang around and sit all day, doing nothing. I love the calmness of this place.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now