CHAPTER 29

1.9K 27 0
                                    


Nang makababa ako ng taxi ay nagkakagulo nga sa labas ng Magnifica. Madaming tao ang nakikiusyuso. Pinilit kong makisiksik sa dagat ng tao para makarating sa may gitna na siyang pinagkakaguluhan. Nang makilala nila ako ay nagsialisan na ang iba kaya medyo lumuwag.

Naabutan ko na akmang aambahan pa ng suntok ni kuya Reynold si Alessandro kaya agad ko na silang nilapitan para pigilan ang pinsan ko. Nagulat pa si kuya Reynold sa presensya ko kaya natigilan din ito at napaatras. Gulat din ako dahil mas napuruhan si Alessandro, si kuya Reynold ay wala niisang tama. Mukhang mali yung inaasahan kong dadatnan ko. O talagang hindi lang lumaban ang isang ito.

Unti unti ng nagsialisan ang mga nanonood kanina. Sinulyapan ko ng tingin si cherry na nasa may kabilang side at hinihila ang pinsan ko palapit doon. Pinanood ko pa kung paano sila magngitian at mag high five sa isa't isa.

"What are you doing here?" Asked the man beside me. Namalayan ko na lang na kay Alessandro ako unang lumapit hindi kay kuya Reynold. Siya kasi ang mas napuruhan.

Tiningnan ko ang itsura niya na halos sugat sugat at dumudugo ang mukha. That must be so damn hurt. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa dibdib habang nakikita ang sitwasyon niyang ganito. Kahit na galit ako sa kaniya at sinaktan niya ako. He doesn't deserve this.

"I own this place" sagot ko na pilit pinapatapang ang boses sa harapan niya. Naglakad siya at lumapit sa kotse na nakaparada di kalayuan saamin. That's his car. Sumandal siya sa may hood nito at dahan dahang kinakapa ang mga sugat na natamo mula sa pinsan ko. "Bakit ba kasi kayo nag away?"

"Stop acting like you care" galit ba siya? Dapat ako ang galit saamin.

"Ofcourse I care. Pinsan ko yung kaaway mo" nag iwas ako ng tingin. Liar.

"You see, he's fine. I didn't beat him up cause he's still your cousin" siraulo ba siya? Kaya hindi siya lumaban kasi iniisip niyang pinsan ko yun?

"Dapat hindi ka nagpabugbog. Tanga ka ba?" Naiiyak kong sabi. Tinalikuran ko siya para lumapit kay cherry at nanghingi ng tissue. Niyayaya na sana akong umuwi pero pinapasok ko na muna sila ni kuya Reynold. Mamaya ko kakausapin ang basagulero kong pinsan. Hindi din sila pumayag na mauuna na sa loob, hihintayin daw ako kaya hinayaan ko na. Nag aalala lang sila saakin.

Mabilis akong naglakad pabalik kay Alessandro at nakitang may kausap siya sa telepono kaya binagalan ko ang lakad ko. Nagsusumbong ba siya sa girlfriend niya? Pinakalma ko ang sarili kong nasasaktan na naman. Nang makita ko itong nagpaalam na sa kausap ay tuluyan na akong lumapit.

Tinulungan ko siyang punasan ang dugo na dumadaloy sa kaniyang leeg at katawan galing sa mukha niya. He tried to stop me and move his body away from me pero nagpumilit pa rin ako.

"Are you trying to clear your conscience, Angelina? I'm damn fine, you can go home" hinuli niya ang kamay ko at kinuha ang tissue na hawak ko at siya na ang nagpatuloy sa pamumunas sa sarili niya.

"Why would I clear my conscience? Wala akong kasalanan" humalukipkip ako sa kaniyang harapan.

"I know. You never made mistake. You're perfect" kalmado niyang sabi pero nakakainis ang dating nun saakin. His voice sounds so sarcastic. "Thank you for making me fell from your trap and dropping me in just a snap of your fingers. Are you back for revenge?" Nang uuyam ang mga tingin nito saakin pati ang kaniyang pananalita.

Gusto ko siyang sagutin at sigawan. Ang kapal ng mukha niya na ako pa ang pagsabihan ng ganiyan. Pero nanatili akong kalmado at nagpipigil ng luha. I know the moment I speak and scream, I'll just cry infront of him. I don't want that to happen.

"I feel used. Physically and emotionally, turned out it was still all about the money. Tell me, did you have sex with me because of the money you were aiming?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now